Hades’ POV Bigla namang napaiwas ng tingin sa akin si Selena dahil sa aking sinabi. Napalunok na lang ako ng bigla kong malaman kung ano ba ang meaning ng sinabi ko. Lately nawawalan na din talaga ako ng preno sa mga bagay na sinasabi ko. “I mean diba kapag lasing ka, wala ako doon baka walang tumulong sa iyo,” sambit ko sa kaniya. Tumingin naman siya sa akin sabay napatango-tango biglang pagsang-ayon sa aking sinabi. Napapikit na lang ako sabay napahinga ng malalim dahil sa mga ginagawa ko. Minsan ako na din ang gumagawa ng kahihiyan sa sarili ko. Nagpatuloy na lang ako sa aking pagmamaneho hanggang sa makaabot kami sa school. Agad kong inihinto ang aking sasakyan sa parking lot bago kami bumaba ni Selena sa sasakyan. Habang naglalakad kami papasok sa loob ng campus hindi k

