Simula
"Who got the higher score again?" Ani professor
"Si Costiño yan for sure."
"As usual, scholar eh running for laude."
"Syempre si crush."
Rinig na rinig kong bulungan ng mga kaklase ko sa likod. Di na nakapagtataka kung sino, siya lang naman lagi kakumpetensiya ko pagdating sa academic.
"Mr. Costiño." Anunsyo ni prof.
Sabi ng karamihan, gwapo na matalino pa kumbaga full package na siyang boyfriend material nga daw pero NO. I DISAGREE. Ako lang ata yung kaisa-isa sa room even campus na hindi nagwagwapuhan sa kanya. He's my competitor, since nagtransfer siya dito sa school namin siya na lagi yung top of the class, recitation, quizzes, exams, lahat na. Ako dati yun eh, pwesto ko yun pero out of nowhere biglang second nalang ako. Para siyang kabute, kabute na masarap pakuluan sa kumukulong tubig. Inis na inis ako sa kanya kasi napakayabang niya sa akin pero sa iba super bait akala mo tutang maamo.
"So paano ba yan? Ako na naman ang highest. Better luck next time Ms. Second." Sabi ng katabi ko sabay kindat sa akin.
Oh diba? Sino hindi maiinis dun? Sobrang yabang, sobrang hangin. Hanggang ngayon ka nalang magiging top one Costiño, I will make sure I'll be the one next time, Kung kinakailangan mag-aral ako buong araw gabi gagawin ko. I loathe him, big deal.
--
"On the rights of women. Any idea about this topic class?" Tanong ng professor namin.
Agad tumaas ang kamay ng mortal kong kalaban. Ngumisi muna siya sa akin bago magalang na tumayo. Tsss pakitang tao
"Yes Mr. Costiño, any idea about the rights of women?" Tanong uli ng Prof namin, ngiting-ngiti pa si prof napaghahalataang may pinaburan lang.
"In 1712, Jean Jacques Rousseau said that women should be educated to please men. He believes that women should be useful to men, should take care, advise, console men and to renders mens lives easy and agreeable." Kumpyansa niyang sagot.
Pinalakpakan naman ng mga siraulo kong classmate. Diba? See the unfair treat of my dear classmate. Ganyan sila pag si Delbrose Ranniel Costiño na ang ang sumagot, ganyan sila ka-hyper pag ang isang Delbrose Ranniel Costiño ang sumasagot. Pero pagdating sa akin tahimik sila. Tipong quite class ang dating ng mga gunggong kong kaklase. At dahil kilala na akong kalaban niya, naghihintay sila ng respond ko. Taas noo akong tumayo at matamis na nginitian ang prof namin. He smiled too.
"Mary Wollstonecraft believes that women must be unified to men in wisdom and rationality. Society should allow women to attain equal rights to philosophy and education given to men." Confident kong sagot.
Nakikita ko sa gilid ng mata ko ang galak sa mata ng mortal kong kalaban. Parang proud ang dating ng reaction niya sa sagot ko. He's always like that, pag sumasagot ako laging ganyang tingin ang ginagawa niya.
Tahimik ang buong klase pero may isang pumalakpak, hinanap ng mata ko kung sino yun. And there, a man who seat like a king. Pumapaklak pa din ang kamay niya. Tumayo siya at nakangiting tinignan ang mga classmate ko.
"How unfair being my dear classmate. Have you heard her answer? She's definitely right, everything from her answer is right but you my dear classmate didn't even clap your hands kasi hindi siya ang lalaking hinahangaan niyo. How unfair!" He defended.
Napatulala ako sa galit na sabi ng nag iisa kong best of friend. My best friend, my Savior, my man, my bully, my happiness, my happy pill. Ngumiti ako sa kanya ng ubod na tamis at kindat lang ang sinagot niya. That's my brad, my partner in crime, my man.
Nalipat ang tingin ko sa lalaking katabi ko, ang nag iisang kalaban ko. Ang kumuha ng lahat sa akin. Galit ang nasa mukha niya at hindi ko alam ang rason nun. Nakakuyom ang kamay niya at nakikita ko na ang ugat sa braso niya. He's mad and I don't know the reason. Tumingin ulit ako kay prof na ngayon ay nakatulala lang sa amin.
"For Wollstonecraft, women should not just be valued until their beauty fades. If men would snap women's chains, they would find women more observant daughter, more affectionate sisters and faithful wives." I said confidently.
Nakanganga lang si prof sa amin. That's our section, our room.
We are better known as the Room of Knowledge. Maraming gusto makapasok sa section namin which definitely mahirap makapasok. Why? Of course, you should have at least 93% averages at dapat masagutan mo ng maayos ang tanong na ibibigay ng president ng room namin.
I am now grade 12 student, in college means second year. Pero dahil nag implement ang pilipinas ng bagong curriculum kaya napasali ako sa Senior High School program ng DepEd. Well mabuting mag senior muna para pagdating ng college hindi na kami mabibigla.
Sobrang hirap makapasok sa classroom namin, in short mahirap kaming maabot. Kaya lahat ng professor ng paaralan namin ang napapatanga dahil halos lahat ng discussion nila alam namin. Of course we are advance, lalo na ako.
Pinag-aaralan ko talaga ang sunod naming lesson para may maisagot ako sa oras na magtanong ang Prof namin. At para naman hindi ako maungusan ng mortal kong kalaban. Mushroom, sa tagalog kabute. Bigla-biglang dumadating at kukunin ang lahat sa akin. He's my great enemy!
Tumango si prof at napalunok dahil sa mga sagot namin.
"Well, ano pang maidi-discuss ko kung lahat ng nakapaloob dun nasagot na nila. What a clever child!" Sabi ni prof.
Kinuha na ang libro niyang dala. Ganun palagi ang nangyayari sa amin! Umupo ako pero hindi pinansin ang kalaban ko. I won't waste my stare on someone doesn't deserve it. He doesn't deserve it anyways!
--
Understanding Culture, Society and Politics
Yan ang subject namin ngayon, after Philosophy agad namang pumasok ang sunod naming subject. Gusto ko din tong subject ko, everything from world begins to from a little thing kaya sobrang nagagayak ako. Nakataas lang ang kilay ko, alam kong nakatitig siya sa akin kaya taas noo lang.
"What is Human Cultural Variation?" Pukaw sa atensyon ko.
Si Mrs. Ballendo ang teacher namin sa subject na to kaya masaya ako. My favorite teacher! Walang favoritism pagdating sa kanya. Last subject namin to sa araw kaya kailangan galingan ko. Taas noo akong nagtaas ng kamay kaya napatingin sa akin si Mrs. Ballendo. Nakangiting tumingin siya sa akin.
"Human Cultural Variation refers to the difference in social behaviors that different cultures exhibit around the world. Ibig sabihin, ito ay tumutukoy sa pagkakaiba-iba ng ugali at kultura sa isang bansa. Example Pilipinas, hindi lang Filipino ang ang pambansang wika natin kundi may iba pa." Nakangiti kong sagot.
Tumango si Mrs. Ballendo sa akin. I satisfied her, pag mapangiti ko siya it means na-satisfied ko siya.
"Good Ms. Fumar, always excellent and clever. Now what is Social Differences?" Tanong uli ni ma'am.
Magtataas na sana ako ng kamay ng biglang tumayo ang katabi ko.
"Social Differences are the situation where people are discriminated against on the basis of social, economic and racial inequality." Sagot niya.
Nagpalakpak na naman ang mga classmate ko. This is the best example of Social Differences diba? Ang galing lang tsss.
Mrs. Ballendo bid her goodbye kaya kinuha ko na ang bag ko, nagulat ako ng may braso na umakbay sa akin.
"Babe saan tayo? Pasyal? Mall? Tom's World? Movieworld? O kain sa Mang Inasal? Pili na, libre ko." He stubbornly said.
Makulit na tanong sa akin ng nag iisa kong kaibigan. Nakangiting tinignan ko siya, ang gwapo rin naman ng kaibigan ko.
"Pwede lahat brad? I want to do it now. Lahat nalang haha mayaman ka naman eh." Sabi ko.
Napangisi naman si Arvelo Arvin, my best friend.
"Tuso ka din noh haha, parang di mayaman din eh. Pero dahil lab lab kita kaya sige lahat yan gagawin natin." Ani Arvin.
Napatalon ako sa tuwa, pero napatahimik ako ng kumalabog ng malakas ang upuan na nasa tabi ko. Nakita ko nalang ang likod ng kalaban ko na palabas ng room. Galit siya at hindi ko alam, abay malay ko dun. He doesn't deserve my concern!
Masayang lumabas kami ni A.A sa room at usual bitbit niya ang bag ko. Yaya ko na naman ang brad ko. Napatingin ako sa gilid ng locker room at nakita ko dun si Delbrose masamang nakatitig sa akin. Galit at selos? Selos? Bakit naman yun magseselos? Pinakita niya sa akin ang bond paper na hawak niya.
Go home, don't you dare be with that guy. I'm warning you Exaltacion Lorella Fumar. I'll be your back damn you.
Tsss anong akala niya sa akin? Susunod sa iuutos niya? My beautiful mother didn't born me just to be his slave. Inirapan ko lang siya at nagpatuloy na sa paglalakad.
Masayang sumakay ako sa kotse ni Arvel, sobrang gara talaga nitong brad ko. May pa Lamborghini pang nalalaman, kung makawalgas ng pera parang siya ang naghahanap e.
"Saang mall tayo? Robinson o SM?" Tanong ni Arvel.
Nakangisi ko siyang sinulyapan bago nilagay ang seatbelt ko. Kaya gustong gusto ko dito sa kotse niya kasi ang bango lang, I love the ambiance and I feel comfortable.
"I prefer Robinson, sawa na ako sa SM eh." I answered.
Tumango lang siya at ngumisi sa akin, binuksan ko ang radyo na nasa harap namin at i-on ang bluetooth, dahil sa sobrang teknikal na tayo ngayon dahil sa seyensiya kaya pati ang speaker ay di-bluetooth na. Kino-nect ko ang cellphone ko sa speaker at pumili na ako nang kanta.
I don't want you to go ni Kyla ang napili ko, I love kyla voice. It's so good in ears, lalo na pag malambing ang lyrics na kinakanta niya. Since may boses naman ako, at may talento din ako sa pag awit kaya sinasabayan ko siya.
"And from the start, maybe we were trying to hard, it's crazy coz' it's breaking my heart. Things can fall apart but I know, that I don't want you to go." Pagsabay ko sa kanta.
Tumatawa nang balingan ko si Arvel, nasa kalagitnaan na kami ng traffic kaya huminto muna siya. Nakataas kilay ko siyang hinarap.
"And why are you laughing Arvelon? May nakakatawa ba sa kinanta ko ha?" I said in serious.
Arvelon ang tawag ko sa kanya, sobra kasing maganda ang pangalan niya para bigkasin pa nang buo. Well ako lang ang hinahayaan niyang tumawag sa kanya ng ganun.
"Wala naman, in fact ang ganda ng boses mo babe. Ang akin lang ay iyong lyric ng kanta, sobrang madrama." He answered in laughing.
Tignan mo tong isang ito, sa pamagat pa lang nang kanta ay nakakaiyak na kaya dapat ganun din sa mensahe nito. I love music alot, I spent my nights listening and writing songs because it is also my passion. Ayaw lang ni mama na mag focus ako sa pagkanta, she want me to concentrate my study.
Kesyo kumanta ay mag aral ng mabuti, yan lagi sinasabi sa akin ng mabait kong ina. Her expectations to me is unreachable, sobrang taas na sobra din akong nahihirapan na ubutin. She want me to have a latin honor, she want me to receive thousands and millions of certificate and medals. Kaya ang passion ko sa pagkanta ay binalewala ko muna.
"Tsss it's so boring, bakit kailangan pang gawing komplikado ang buhay? God give life not to be complicated but to be multiply. People just making their life mediocre." He said.
Tama nga naman. Ang tao lang din ang nagbibigay pahirap sa kanila, life is easy when you don't care around. Hindi naman mahirap kung marunong ka lang magtyaga at maghintay, kaso ang mga tao ngayon ay sobrang mapagmadali. They want to get things immediately, they want to get what they want without hesitating to wait.
Life isn't mediocre if people can wait patiently!
Tumango lang ako sa perception niya, I don't want to argue about it. Nonsense! Matalino din itong si Arvelon, kaso pag nasa room kami ay nagiging siraulo. Nilalabas niya lang ang tunay na siya pag kaming dalawa lang.
Nakangisi akong lumabas ng kotse niya, binigay niya sa guard ang susi para ilagay ang Lamborghini niya sa parking lot. Sabay kaming pumasok sa entrance, nakita ko pang tumawa siya at nakikilita ng kapain ng lady guard ang katawan niya.
"Lady guard lower please, wala sa itaas nasa baba ko ang baril na puputok sayo." Malandi niyang sabi.
Namula ang pisnge ng lady guard sa sinabi ni Arvelon, napalunok ito at tinigil na ang pagkapa sa baliw kong brad. Ngumisi lang si Arvelon tsaka nilagpasan na ito. Nang pareho na kaming makawala sa mga guard ay agad ko siyang binatukan. Napangiwi siya sa ginawa ko.
"Kahit kailan talaga ang lantod mong lalaki, kahit si lady guard papatulan mo tsss." Nakangisi kong sabi.
Inirapan niya lang ako at umakbay na sa akin. Tinignan ko ulit si lady guard na ngayon ay busy na sa kakakapa na mga pumapasok. She's beautiful, napapatulala ang mga lalaking kinakapaan niya dahil sa ganda niya.
Sa kagandahan niya sa pagiging guard lang ang bagsak niya. Dapat maghanap siya ng mas magandang trabaho, I'm not saying na hindi maganda ang pagiging guard sa mall pero yung physical appearance niya ay sobrang hindi bagay sa pagiging gwardiya lang.
Una naming pinasok ni Arvelon ay ang Mang Inasal, nakaugalian na naming dito kumain pag nagpupunta kami sa mga malls. Masarap ang sisig sa MI, pati ang lechon manok nila pinakamasarap na natikman ko. I love their halo-halo, sulit at busog pa.
At dahil suki na kami ng Mang Inasal ay kilala na kami nang mga crew dito, lumapit agad ang isang waiter na nakangiti pagkakita sa amin.
"As usual, same orders." Ani Arvelon sa waiter.
Agad namang umalis ang waiter at kinuha ang order namin. Isa sa nagustuhan ko dito ay para kaming buong pamilya ang kumakain, ang lawak kasi ng space nila at may mga extension pa sa labas, masarap kumain pag punong puno ng kustomer.
Binalingan ko si Arvelon, nasa labas ang titig niya kaya sinundan ko iyon. Huling huling nakatitig siya kay ate lady guard na ngayon ay nakangiti sa lalaking kinakapaan. Binalik ko ang tingin kay Arvelon, umiigting ang panga niya at sobra talim ng titig kay ate lady guard.
Huli ka Arvelo Arvin, mukhang gusto niya si ate lady guard, grabe ang pag igting ng panga niya, sign of jealousy.
"Baka mapatay mo yan Arvelon my friend, easy brad." Nakangisi kong sabi.
Galit niya akong binalingan kaya mas lalo akong napangisi sa kanya. Tinamaan na yata kay ate lady guard, hayok pa naman to sa babae kaya patay na nyan si ate guard.
"Tsss don't mind it Exaltacion Lorella." He said.
Napairap ako sa pagbigkas niya ng buong pangalan ko. Ewan ko kung saang bible o libro ni mama nakuha yan, sobrang pang matanda at hindi bagay sa akin pero wala naman na akong magagawa.
"Just don't call me by my complete name. Baka gusto mong matikman ang bomba ng China." Mataray kong sabi.
Ngumisi lang siya. Dumating na ang order namin kaya nilantaka ko na ang halo-halo. Tahimik naman na kumakain si Arvelon pero ang mata nasa labas ang bagsak. Binabantayan niya si ate lady guard gamit ng pagmamasid. Iba din itong brad ko.
Susubo na sana ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. Padarag kong nilapag ang kutsara sa mangkok at kinuha ang cellphone kong nakaistorbo sa pagkain ko. Isang text message kaya tinignan ko kung sino.
Unknown number.
Numero lang ang nakalagay, sino kayang poncio plato aristotle socrates itong nag distorbo sa pagkain ko. Binasa ko kung ano ang mensahe.
Unknown number
Damn you Exaltacion Lorella Fumar, finished your food and get the hell out. Wag mong hintayin na pumasok ako dyan at kaladkarin ka palabas. Don't start with me, I'm warning you.
-DrC
Napatulala ako sa message, sino to? Aba'y ang kapal ng pagmumukha ng isang to na paalisin ako at bilisan ang pagkain. Dahil sa inis at galit ko, nireplayan ko na.
To Unknown number
Hoy ikaw na siraulo na walang magawa sa buhay, kung sino ka mang hinayupak ka ay tigil tigilan mo ako. Ano ka may ari ng Mang Inasal para palabasin ako ha? Tsss kung malaki ang problema mo sa buhay ay wag na wag mo akong idadamay. Letche ka :-
Nanggigigil kong senend sa hindi ko kilalang siraulo na yun, nanahimik kaluluwa ko dito tapos maypa ganyan ganyan siya. Biglang nagreply ang gago kaya tinignan ko.
Unknown number
Don't know me? Doesn't matter if you know me or not, bilisan mo ang pagkain dyan at umalis ka na, I told you to not be with that guy pero ang tigas ng kukute mo. Konti nalang ang pagtitimpi ko dito Rella kaya bilisan mo na. :-|
-DrC
Kumunot na talaga ang noo ko sa reply nang siraulo na to. Ang kapal din talaga ng pagmumukha, sino ba ang nagsabi sa akin nun? Teka binalik ko ng tingin ang reply. Drc? May acronym sa last ng message niya. Anong ibig sabihin ng DrC? Tsss so kailangan ko pang mag goggle para malaman kung ano ang meaning nun. Papahirapan pa ako e.
Dahil sa matutunaw na ang halo-halo ko kaya di ko muna nireplayan ang siraulo na hindi ko kilala. Pinagpatuloy ko ang pagkain, nawala ang init ng ulo ko pagkasubo ng paborito kong halo-halo. Pero agad din iyon bumalik nang umalingawngaw ang cellphone ko dahil sa tumatawag.
Napatingin na din sa akin si Arvelon na nakakunot noo. Ang mga tao ay napatingin na din sa akin. Inis kong sinagot ang tumawag kahit hindi ko pa nakita kung sino ito.
"Hello, bakit? Ano? Kung may kailangan ka sabihin mo, naiistorbo mo ang pagkain ko at date namin." Inis kong bungad.
Narinig ko ang ingay sa kausap ko kaya napakunot noo ako. Maingay? Parang dito lang din ha. Pareho kasi ang ingay sa labas na ingay din na tumawag sa akin.
"Finished your food and get the hell out Exaltacion Lorella. Kanina pa ako nagtitimpi sainyo, kanina ko pa gustong wasakin ang pagmumukha niyang kasama mo." Malamig na boses na sabi.
Napanganga ako sa lamig ng boses ng kausap ko. It was familiar, the accent, the way he pronounced, his fluent. s**t bumilis ang t***k ng puso ko pagkarinig ng boses niya. I feel uncomfortable and my body is getting numb.
"S-sino ka ba kasi? H-hindi naman kita k-kilala ha. Are you s-stalker?" I said in stuttering.
Ngayon lang ako nagka utal-utal sa pagsasalita ko. Never in my entirely life na ma-utal ako sa kausap ko, even in recitation sa school ay hindi ako nauutal pero dito? Sa kausap ko ngayon, ay sobrang kaba at lakas ng t***k ng puso ko. s**t is this even possible?
"Just follow what I said and don't ask. Ngayon ay ubusin mo na yan at nang makauwi na tayo. Wag mo ng ubusin ang pasensya ko Rella, kanina pa ako nagtitimpi damn." He said coldly.
Dahil sa kaba at lakas ng t***k ng puso ko ay bigla ko nalang siya binabaan ng tawag. Tinignan ko si Arvelon na wala lang pakealam at busy kakatitig sa labas. He doesn't even know that there someone calling me. Nanginginig na kinuha ko ang kutsura at sinumulang ubusin ang paborito kong halo-halo.
Nang matapos kong kainin ang halo-halo ay biglang tumunog uli ang cellphone ko.
Unknown number
Leave that man, I'm waiting you outside the mall. Faster your move, I will give you ten second to leave. Don't make me wait baby.
-DrC
Yan ang nakalagay sa message niya, hindi ko alam ang nangyayari sa sarili ko basta bigla ko nalang iniwan si Arvelon na hindi nagpapa alam. Saktong paglabas ko ng mall ay tumunog uli ang cellphone ko.
Unknown number
Sumakay ka sa taxi na nakaparada sa harap mo, iuuwi ka na nyan sa bahay niyo. Don't pay for fare, I already give money fare for you.
-DrC
Gustong gusto ko nang basagin ang cellphone ko, sino ba siya para pakabahin ako ng ganito. Sino ba siya para pauwiin ako agad, kung hindi lang ako natakot sa boses niya s**t. This is unbelievable, ako sumunod sa isang utos na nanggaling sa hindi ko kakilala. This is ridiculous.
Wala akong nagawa kung di sumakay nalang sa taxi. s**t naman oh hindi ko tuloy na-enjoy ang malling namin ni Arvelon, bakit ba kasi ako natakot sa stranger na yun. Ngayon ko lang napagtanto na dapat ay hindi ko sinunod ang utos ng siraulo na hindi ko kilala, ngayon na nasa harap na ako ng bahay namin.
I can't believe myself! This is history.
Padabog kong sinarado ang pinto ng taxi at walang lingon lingon na pumasok ako sa bahay namin. I can't believe I'm home early. Nakakunot noo si mamang tinitigan ako.
"Is this real? Exaltacion Lorella Fumar is already in the house. Anong oras palang ha, bakit ang aga mo?" Bungad sa akin ni mama.
Naka-dekwatro siyang nakaupo sa mala entertainment couch namin. May hawak hawak siyang isang magazine.
"Wag nga kayong ganyan mama, mabuti nga at maaga ako ngayon eh." Inis kong sabi.
Ngumisi lang ang magaling kong ina at uminom ng wine na nasa harap niya. Kahit nasa bahay lang siya, ang sophisticated parin ng appearance niya. Kaya mahal na mahal to ni papa kasi sobrang gandang babae ng ina ko. Kahit nasa thirties na si mama, makikita mo parin ang maganda niyang mukha isabay pa ang balingkinitang katawan.
Kaya gustong gusto ni papa na binubuntis si mama kasi sobrang nagagalit siya sa katawan ng asawa niya.
Nakuha ko ang kaputian sa aking gwapong ama, maputi si papa kumpara kay mama kaya swerte ko dahil nakuha ko iyon. Sa mukha ko naman ay kagandahan ni mama ang sumisigaw, halos wala akong nakuha sa mukha ni papa.
Well I got the intelligence of my great handsome father. Si papa ay nakapagtapos na may latin honor sa Unibersidad ng Pilipinas, isa siya sa pinakamatilinong mag aaral nang kapanahunan niya. Si mama naman ay beauty without brain lang, ganda ang meron sa ina ko pero sobrang mahal na mahal ni papa.
Mahinhin na nilapag ni mama ang wine sa glass table namin at mariin akong tinitigan. This lady in front of me is intimidating me big time. Karangyaan ang makikita mo sa kanya, malamig na seryosong babae.
"Pretty much better hija. Go upstairs and change your clothes. How's school?" She asked me coldly.
Napalunok ako sa klase na titig na binibigay sa akin ni mama. Basta talaga pagdating sa usapang pag aaral ay nagiging malamig siya.
"I-it's fine mom, n-no worries about it k. I'll go upstairs na ma." Sagot ko.
Tumango siya at tinitigan ako ng seryoso. s**t heto ang pinaka ayaw kong side ni mama e, nakakangatog ng binti ang mga malalamig niyang mata.
"As what I've always said, I hate failed grades Lorella. Don't give your attention to nonsense, I want a latin honor." She coldly said.
Tuluyan na akong nanginig sa sinabi niya. Latin honor, ang pinakamahirap abutin. Sa senior high ang latin honor ay tinatawag nilang With High Honor kaya dapat yun ang makuha ko this coming graduation.
"O-of course mom. Sige na, aakyat na ako." Huling sabi ko.
Pagkapasok ko ng kwarto ay bigla nalang nanghina ang katawan ko. Natatakot akong hindi ko yun makuha, natatakot akong hindi makuha ang gusto ni mama. Mahirap na kalaban si Delbrose, mahirap siyang katunggali kaya sobra talaga ang takot ko sa oras na hindi ko makuha iyon.
Tumalon ako sa kama ko para ma-feel ang sarap ng lambot. Kama ko nalang talaga ang nagbibigay saya sa akin, siya lang talaga ang stress reliever ko kaya sobra akong nagpapa salamat na hindi niya ako iniiwan.
Hinubad ko ang stiletto na suot ko at ang uniform namin. Naka brassiere nalang ako at panty, wala namang mambubuso sa akin kasi secured tong kwarto ko. Naagaw ang atensyon ko ng tumunog ang cellphone ko na nasa loob pa ng bag ko.
Sino na naman kaya ito?
Kinuha ko mula sa bag ang nag iingay kong cellphone at tinignan ang message.
Unknown number
I love seeing you like that, it's turning me on baby damn.
-DrC
Nabitawan ko ang cellphone dahil sa mensahe na yun, s**t nakita niya ba akong naka bra at panty lang? Dali-dali akong tumakbo sa walk-in closet ko para kumuha ng damit. Oh my god, I thought my room is safe and secured. Why the hell there someone seeing me half naked?
Damn that siraulong hindi ko kilala
----------------------------------
*Meet my new character babies.
Delbrose Ranniel Costiño
Exaltacion Lorella Fumar