Chapter 3 (Titig)

1058 Words
Titig Excited. Mas excited pa yata ako kung paano ko kakausapin ang masungit na bodyguard na ito kaysa sa unang pasukan. Ngiting ngiti ako habang pumapasok sa sasakyan namin. Kasi naman, pinagbuksan niya ako ng pintuan. Nag antay pa ako kanina dahil maraming rules si daddy. Kahit wala man akong cellphone pero tingin ko, maaaliw yata ako ng husto. Tumikhim ako nang nasa backseat na ako at siya naman ay mag dadrive na. "Uhm..what's your real name?" I asked sweetly. Nakita kong tumingin siya sakin through the mirror. "James Thomas ma'am." pormal na pormal at paos ang boses niya. His husky voice attract my senses so much. My lips formed into O. He is so hot! Kahit pangalan niya ang hihiyaw ng HOT! "Uhm, okay. Taga saan ka? How old are you?" tuloy tuloy na ang tanong ko. Tumindi naman ang pagmamaneho niya ng sasakyan. Tila nagmamadali. "That's my private information. I dont answer below that belt question ." Tila nakitaan ko siya ng pagka irita sa mga mata niya. Natahimik ako at nashock sa ugali ng lalaking ito. Duh. All the boy from my ex Univ. ay sobrang baliw na baliw sa akin tapos itong isang to....uhm.. well. He's too bulky and matured from his appearance pero siguro hindi naman siya gaano katanda? "Uhm, your age nalang." sabi ko at ngumuso. "Twenty five." "Oh, damn.." I shifted my position. "Ikaw talaga iyong ideal man ko!" impit na daing ko. Mas lalong nagtagpo ang kanyang kilay tila hindi gusto ang aking pinagsasabi. Ang saya talaga ng araw na ito! Hindi nagtagal ay dumating na kami sa Rockwell. Proud na proud ako ng makalabas. Pinagmamalaki ko sa kanya ang skwelahan na pag aaralan ko. Karamihan kasi dito ay mga matatalino kaya baka isipin niyang matalino rin ako! Kunwari. Nauna akong lumabas ng kotse at nakangiting hinantay siya. Nasa matayog na building na agad ng Unibersidad ang titig niya. "Sasamahan mo ba ako sa loob?" tanong ko. Kahit na yung mga dati kong bodyguard ay ganon ang ginagawa ay gusto ko pa ring tanungin siya. "That's my duty.." malamig niyang sagot. Ngumuso ako. "Ang suplado naman.." bulong bulong ko habang papasok na. Syempre ,kilala rin pala ako dito. Hindi ko alam kung dahil iyon sa mga issue ko, o dahil maganda ako, o dahil sa mayaman kami o baka nga dahil maskulado at guwapo tong nasa likod ko? Which one kaya? Maybe the last? Nakita ko kasi na ang ibang babae ay kay Thomas nakatingin? Gusto ko agad silang sunggaban! "Follow me Thomas.. Hahanapin ko ang room ko. Wag kang titingin sa ibang babae!" demand ko. Nilingon ko siya at nakitang diretso lamang ang tingin niya sa daraanan namin. Hindi siya sumagot. Halata nga lang ang galit at iritasyon sa mukha niya. Tila nagtitimpi na lamang siya. Alright, hindi na dapat ako maging maingay pa. Baka kasi marindi na sakin ang hot na ito. And God! Unang araw palang, as in klase na agad dito sa Rockwell! Medyo mataray rin ang prof namin. Sobrang tahimik rin at masisipag mag aral itong mga kaklase ko. But, some of my boys classmates introduce themselves to me earlier. Not bad. Mga pogi rin sila pero wala na yatang mas mapopogi pa sa hot ko na body guard. "Pass the papers!" utos ni prof Gamboa kaya pinass ko ang papel ko at nilingon ang pintuan pero hindi ko makita si Thomas. Baka nasa pinaka gilid siguro. And then... after a long class, quizzes at pagbigayan ng mga books ay natapos ang kalahating araw ng klase. Monday ay half day lang ang klase. 8:30 to 11-30. Wala akong masyadong friends pa na mga babae pero ang babait naman nila sakin. Ngiting ngiti sila lalo na at makita ang bag na hawak ko. I know they are trying to be friendly with me para siguro maging member ng circle of friends nila puro rich-kuno? Nah. Ang cheap. Mas mahal ang Rockwell pero ang cheap ng mga studyante. Papalabas na ako at nag iisip ng puwede kong kainin para sa lunch ng harangin ako ng isa sa mga kaklase kong lalaki. Mayroon pa siyang dalawang alipores. "Hi!" "Uhm.. hello?" tinaas ko ang kilay. "I'm Andrew. Nakafollow ako sa f******k mo..Ang ganda mo nga talaga." "Oh? That's great! Keep it up! I guess you already know my name na?" "Yes! Yes!" "Uhm.. see you around Andrew? And?.." nilingon ko ang mga kasama niya na halos mamula. "I'm Carlos!" "Nardo.." "Alright! Nice meeting you!" I waved and stormed out the room at nakitang nandoon nga si Thomas. He's so stiff! "Let's go Thomas!" utos ko sa kanya. Doon pa lang siya napatingin sa akin at eto na naman, wala na naman siyang emosyon na pinapakita sakin. Ibang iba talaga sa mga body guards ko noon! Hindi naman ako sanay sa ugali niyang ito pero nakaka challenge! Inabot ko sa kanya ang aking libro tulad ng mga dati kong bodyguards na tinutulungan akong buhatin ang mga ito. Ngunit... Tinitigan niya lamang ang kamay ko na may limang libro. Tumikhim ako sa kahihiyan. "I-It's heavy.." Madilim niya akong tinitigan. "I am you body guard. I am here to protect you...not to serve you." Umiwas siya matapos sabihin iyon habang ako ay nakaawang ang labi! I cannot believe this! Why the hell on Earth! Pinaglihi yata siya sa sama ng loob! Hindi ako maka paniwala sa sinabi niya sa akin! Fine. Papalagpasin ko ito dahil baguhan siya. Pero pag itong pagsisinuplado niya sa akin ag tatagal ewan ko na lang! Padarag akong lumakad lakad. Nang malampasan ko siya ay inirapan ko siya at tumuloy tuloy na sa gate. Malawak ang school kaya matagal siyang pa sunod sunod sa likuran ko. I saw familiar faces pero dahil siguro sa pagka brusko ng nasa likod ko ay hindi na nagtaka pang batiin ako o pansinin man lang! Hindi na rin ako umasa na pagbubuksan niya ako ng pintuan ng sasakyan kaya kusa na akong pumasok doon. "Saan tayo?" Tanong niya. Wala lang madam o kahit ano. "-Madam." I corrected him. "Or senyorita." I added. Umiling siya at binuhay na ang sasakyan. "Saan tayo senyorita?" malamig niyang tanong na ikinangisi ko. "Luxxe Restaurant sa Bonifacio. Gusto kong kumain. You can eat with me if you want too.." I bit my lip as I look at him pero titig lang ang sukli niya. Damn! How cold!

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD