CHAPTER 22 THIRD PERSON POV Sa wakas, dumating din ang araw na matagal nang pinaplano ni Engr. Jitsu. Ilang linggo na niyang pinag-iisipan kung paano niya liligawan si Zhennaire hindi lang bilang babae, kundi bilang babaeng pinapangarap niyang makasama habambuhay. Mula sa unang tawag, unang tawa, hanggang sa unang halik sa ilalim ng mga bituin, alam niyang ito na ang simula ng bago niyang mundo. Pero ngayong hawak na niya ang pagkakataon, gusto niyang siguraduhin na bawat sandali ay magiging espesyal kasing espesyal ng babaeng minamahal niya. Maagang gumising si Engr. Jitsu. Kahit hindi pa sumisikat ang araw, abala na siya sa pag-aayos ng bulaklak na bibigay niya kay Zhennaire isang bouquet ng pink tulips, paborito raw niya sabi ni Celestina. Habang inaayos ang kwelyo ng polo niya, n

