CHAPTER 20 Zhennaire POV Hindi ko na alam kung ilang gabi na akong kulang sa tulog. Simula noong tawag na ‘yon ‘yung inabot kami ng alas tres ng madaling-araw parang hindi ko na magawang hindi maghintay ng mensahe mula sa kanya. Sa bawat pagdilat ng mata ko sa umaga, una kong tinitingnan ang cellphone ko, baka may “Good morning” text mula kay Zeke. Oo, Zeke. Hindi ko na siya kayang tawaging “Engr. Jitsu” lang. Parang masyadong pormal, masyadong malayo. Pero sa tuwing maririnig ko ‘yung pangalan niyang “Zeke,” may kakaibang init na dumadaloy sa dibdib ko. Lalo na kapag magkasama kami. Kanina nga, nagkita ulit kami sa bahay. Dinala niya si Celestina ng bagong laruan isang mini tool set na panggawa ng mga maliliit na bahay-bahayan. Nakaupo si Zeke sa sahig, nakangiti habang tinuturuan an

