CHAPTER 24 Third Person POV Anim na buwan. Anim na buwan ng puro saya, tawanan, at pagmamahalan. Para kay Zhennaire, parang isang milagro araw-araw na nagigising siyang may yakap mula kay Jitsu, at ngiti mula sa anak niyang si Celestina. Hindi na siya sanay sa ganitong klase ng kaligayahan, pero unti-unti, tinanggap niya. Akala niya, natuto na siyang muling magtiwala. Pero gaya ng lahat ng magandang istorya, may darating pa ring bagyong susubok kung gaano katatag ang pundasyon ng pagmamahal. Si Marigold Villarosa. Maganda. Matalino. Ambisyosa. Kasamahan ni Engr. Zeke Jitsu sa proyektong pinangungunahan niya sa kompanya. Dating minahal ni Zeke, pero tinapos ang relasyon nang makilala niya si Zhennaire. Marigold ang babaeng hindi marunong matalo. At sa bawat araw na magkasama s

