Bellia’s Point Of View Nang dahil sa malakas na dawalang pasabog mula sa malaking stage namin ay parang bigla akong bumalik sa aking sarili, parang nagbago ang paningin ko, at lalo na ang aking pagkilos ay biglang bumalik. Hindi ko alam kung paano nagkaroon ng pagsabog dahil okay naman ang loob ng stage kanina. Niyakap ako ni Ygon para hindi ako matapunan ng mga lumilipad na bagay at apoy, pero ang pandinig ko ay tila ay hindi matigil, nahihilo ang aking sarili pati na rin ang pandinig ko. Hindi ako makatayo dahil sa lakas ng pagsabog, hanggang ngayon ay nakayakap siya sa akin dahil sa taglay ng malaking sunog. “We will burn you all.” Binuksan ko ang dalawa kong mata at saka tumingin sa nasusunog na stage. Malaki ang sunog, at mas lumalaki pa. Mayroon pa akong naririnig na humihingi ng

