Chapter 3

1411 Words
Si Harmony ay halos hindi nakatulog kagabi kakahintay, ngunit hindi umuwi si Jerome. Sinubukan niyang tawagan ang asawa, pero hindi siya sinasagot kahit sa messages wala. Sa kabila ng hindi pagtulog kagabi, mas pinili niyang pumunta sa coffee shop. Bumaba siya sa kanyang sasakyan, inayos niya muna ang sarili bago tuluyang pumasok sa loob. "Good morning Ma'am Harmony." Masiglang bati sa kanya ng mga tauhan nila. "Good morning, mag-break na muna kayo. Pwede bang pakidalhan ako ng kape sa office." Nakangiti niyang sagot, naglakad na siya papunta sa opisina nila ni Maricar. Kumatok muna ang dalaga bago binuksan yung pinto. Napangiti si Maricar nang makita siya, agad itong na sumalubong sa kaibigan. Kumapit ito sa braso ni Harmony, saka hinila papunta sa sofa. "Beshy, alam mo ba maganda ang kita kahapon. Bukas ay sweldo na ng mga empleyado natin. Yung ibang pera nasa bangko na, anong balak mo magtatayo pa ba tayo ng ibang coffee shop?" Tanong ni Maricar sa kaibigan, ilang minuto bago sumagot si Harmony. "Magulo ang isip ko ngayon Beshy, hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil hindi umuwi si Jerome." Naiiyak na sagot ng dalaga, dahil unang beses na ginawa yon ni Jerome sa kanya. Dati naman nagsasabi ito pero ngayon wala siyang natanggap kahit text man lang. "Baka sobrang busy lang ni Jerome, diba sabi mo nga may problema sa kompanya?" Sunod-sunod na tumango si Harmony, hinawakan naman ni Maricar ang kamay ng kaibigan. "Huwag kang mag-isip ng kung anu-ano, bakit hindi mo puntahan si Jerome sa kompanya? Magdala ka ng coffee." Pagpapalakas ng loob ni Maricar sa kanya, nagkaroon naman ng ideya si Harmony. "Baka kailangan ka niya, alam mo naman kapag may problema sa kompanya. Nakaka-stress kaya bilang asawa go go go, dalawin mo din siya." Dagdag na payo ni Maricar, medyo gumaan ang pakiramdam niya dahil sa si sinabi ng kaibigan. Iba na kasi ang iniisip niya baka may ibang babae na si Jerome. Idagdag pa niya ang kanyang narinig kahapon sa mga katulong. "Sige magdadala ako ng Coffee para kay Jerome, pati lunch doon na ako kakain." Nakangiti niyang sagot, ngumiti naman si Maricar dahil wala na siyang nakikita na lungkot sa mga mata ni Harmony. Tumayo na ang si Harmony sakto namang pumasok yung isa nilang empleyado, dala ang pinatimpla niyang kape. Ngumiti si Harmony bago umupo sa swivel chair, sumandal siya sa at tumingin sa dalagang nasa harapan niya. "Pwede ba kitang utusan? Sabi nila masarap ang mga ulam sa bagong bukas na restaurant dyan sa tapat natin. Pwede bang bumili ka yung may sabaw, kung meron silang butter and shrimp mag-order ka din. Saka isa pang coffee, ilagay mo sa mug para hindi agad lumamig salamat." Sunod-sunod naman na tumango ang dalaga bago nilagay sa mesa yung kape. Ginawa na ni Harmony ang kanyang trabaho, inayos na niya yung magiging sahod ng kanilang empleyado para mamayang hapon. Habang abala siyang sinusulatan ng pangalan ang sobre, humihigop ng kape si Harmony hindi talaga mabubuo ang araw niya kapag hindi nakapag kape. Nang matapos niyang ayusin ang mga sahod ng kanilang empleyado. Pumunta muna siya sa banyo para mag-ayos ng sarili. Kinuha niya yung cellphone sa bag, nag-message ang dalaga kay Jerome para sabihin pupunta siya sa kumpanya. Dahil sa message ni Harmony na nabasa ng binata, agad niyang inayos ang kanyang sarili at ginising si Agatha na nakahiga sa tabi niya. "Love, papunta dito sa opisina si Harmony bumangon ka na dyan." Inalog-alog niya ang dalaga. "Inaantok pa ako Love, huwag mo na lang siyang papasukin dito." Nakapikit na sagot niya, dahil talagang inaantok pa siya. Anong oras na kasi natapos ni Jerome kagabi, hanggang ngayon ay nanghihina pa rin siya kahit kaka-séx lang nila kahapon. Sabik na sabik pa rin si Jerome sa kanya. Hindi na kinulit ni Jerome ang dalaga, tuluyan na siyang bumangon sa kama at nagpunta ng banyo para mag-ayos ng sarili. Mabilis siyang naligo at nagpalit ng pang opisina. Paglabas niya ng banyo, tulog pa rin si Agatha kaya wala siyang choice kundi i-lock na lang yung pinto bago tuluyang lumabas ng kanyang silid. May pinasaya siyang kwarto para kahit mag-overtime ay may tutulugan siya. Wala namang problema sa kompanya, sadyang ayaw niya lang mag-honeymoon sila ni Harmony. Dahil sigurado na magseselos si Agatha, ayaw niyang mangyari yon mahirap pa naman suyuin ang dalaga. Binuksan na niya ang laptop, habang loading pa binasa yung iniwan ng kanyang Sekretarya. Ang mga bago niyang pipirmahan, isa-isang tiningnan ni Jerome bago niya pinirmahan. Maya-maya pa mag kumatok na sa pinto ng opisina niya. Pagbukas ay si Harmony nakangiti ito ay may mga dalang paper bags. Tumayo siya para salubungin ang asawa, kahit papaano kailangan niya pa rin maging sweet kay Harmony. Baka mamaya naghihinala na ito. "Good morning dhie, nagdala ako ng lunch at coffee." Nakangiti na sabi niya, kinuha naman ni Jerome ang hawak niyang paper bag. "Hindi muna kailangan mag-abala Mhie, pero thank you sakto nagugutom na ako." Sagot niya bago inalalayan ang asawa paupo sa sofa. "Nag-aalala kasi ako kagabi pa hindi ka umuwi ng bahay, sabi mo kasi may problema dito sa kumpanya. Sabihin mo sa akin kapag nahihirapan ka." May pag-aalala na sagot niya, hinaplos niya ang mukha ng asawa dahil halata sa mga mata nito na kulong pa siya sa tulog. "I'm okay mhie wala ka dapat ipag-alala, kaya ko pa naman at saka kailangan kong patunayan kay lolo na karapatan ako sa posisyon." Ginulo ni Harmony ang kanyang buhok, sanay na siyang ginagawa iyon ng dalaga. "Kukuha lang ako ng plato at mangkok." Paalam niya sa asawa, tumango naman si Jerome nakatingin lang siya kay Harmony na papunta sa kusina. Pagbalik ng dalaga, inasikaso na niya ang pagkain nilang mag-asawa. Masaya silang kumain na dalawa, pinagbigyan na ni Jerome ang nais ng asawa. Kahit na may kaba sa kanyang dibdib, dahil nasa loob si Agatha baka pumasok sa kwarto. "Kamusta naman ang negosyo niyo ni Maricar? Malakas pa rin ba?" Pagtatanong ni Jerome, para kahit papaano ay may pinag-uusapan silang dalawa. "Malakas pa rin kahit papaano, balak din namin magtayo sa iba pang lugar. Pero kailangan muna namin mag-ipon pa, may dala akong coffee tikman mo." Agad na sagot ni Harmony, matagal na kasing gusto ng dalaga na magkaroon ng coffee shop. "Dhie uuwi ka ba mamaya?" Dagdag ni Harmony, may balak kasi siyang magluto ng dinner. "Oo uuwi ako baka kasi magtampo ka na sa akin." Nakangiti niyang sagot. "Talaga? Magluluto ako ng paborito mong butter and shrimp." Nakikita ni Jerome ang saya sa mata ng dalaga. "Kung ganun, kailangan ko palang maagang umuwi. Para matikman ang luto mo." Tumango naman si Harmony, excited siyang ipagluto ang asawa niya. Nang matapos na silang kumain, inayos ni Harmony ang ginamit nilang mga plato. Bumalik naman si Jerome sa ginagawa niya kanina. Habang naghuhugas ng plato si Harmony, hindi maalis ang ngiti sa kanyang labi. Yung paghihinala niya kay Jerome ay nawala na. Dahil nakikita niyang abala nga ito sa trabaho. "Dhie, aayusin ko ang kwarto mo hah baka mamaya madumi na naman." Sigaw ni Harmony habang pinupunasan ang mga plato. Bigla naman kinabahan si Jerome, agad siyang tumayo at pumunta sa kusina. Nagulat si Harmony dahil sa ginawa ng binata. Hinila siya nito at sinandal dingding. "Hindi na kailangan Mhie, alam mo namang ayokong napapagod ka. Diba ang iyong sabi kanina, ipagluluto mo ako ng paborito ko na ulam?" Malambing na sagot niya, hinaplos ni Jerome ang mukha ng dalaga. "Maaga pa naman Dhie, pero sige pagkatapos kong ayusin dito uuwi na din ako. Para hindi ka na naistorbo dito." Hindi na umimik si Jerome, walang pag-aalinlangan na hinalikan niya ang dalaga. Tumugod naman si Harmony, saglit lang silang naghalikan tumigil din agad ang binata. Tinapos na ni Harmony ang ginagawa niyang pagpupunas ng mga plato. Nang matapos na niyang ayusin sa kusina, agad din siyang nagpaalam kay Jerome. Nakahinga naman ng maluwag ang binata dahil umalis na si Harmony. Mukhang kailangan na niyang mag-ingat sa mga susunod pa. Dahil baka bigla ng pumunta si Harmony dito sa kompanya niya. Napahilot tuloy siya sa kanyang sentido, buti na lang madali niyang nauutot si Harmony. Mukhang kailangan din niyang sabihin si Agatha, hindi pa siya handang malaman ni asawa niya kung anong relasyon nila ng kaibigan nito. "Hindi na sana ako nahihirapan ng ganito, kundi dahil sayo Harmony! Masaya na sana kami ni Agatha ngayon, hindi yung ganito nagtatago pa rin kaming dalawa!" Mariin niyang sabi habang nakatingin sa larawan nilang dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD