Dahil sa nalaman ni Jerome, pumunta siya sa mansyon para makausap ang kanyang lolo. Ngunit sa gate palang ay hindi na siya pinapasok. "Papasukin niyo ako kailangan kong makausap si lolo!" Sigaw niya sa dalawang guards na humaharang sa kanya. "Bilin po ni Don. Desmonia na huwag kayong papasukin, kaya kung maaari umalis ka na sir Jerome." Seryoso na sabi ng isang security guard. "May karapatan ako para pumasok sa loob! Dahil isa akong Desmonia, kaya tumabi kayo sa daraanan ko!!" Galit na galit sabi sigaw ni Jerome, saka buong lakas niyang tinulak ang dalawang body guards. Pero hindi naging sapat para maitulak ang dalawa. Habang si Don Desmonia, nakatingin lang sa kanyang apo na nakikipagtalo sa dalawang bodyguards. "Tomas, papasukin mo si Jerome. Hihintayin ko kayo sa aking opisina. Hin

