Chapter 5

1511 Words
Nagising si Harmony dahil may narinig siyang kaluskos. Dahan-dahan na minulat ng dalaga ang kanyang mga mata. Nagsalubong yung kilay niya ng isang bouquet ng bulaklak ang kanyang nakita. Tiningnan niya kung sino ang nakahawak, walang iba kundi si Jerome matamis siyang nakangiti nakapang bahay na ang binata. "Good morning Mhie." Malambing niyang bati sa asawa, napangiti naman si Harmony dahil akala niya ay hindi umuwi ang kanyang asawa. "Good morning too Dhie." Balik niyang bati bago kinuha yung bulaklak, tuluyan na siyang bumangon sa kama. "Flowers for you baka kasi nagtatampo ka dahil hindi ako nakauwi kagabi. Pinipilit kong tapusin pero hindi kinaya, mahimbing ka ng natutulog kaya hinayaan na lang kitang matulog." Pagsisinungaling ni Jerome, naawa naman si Harmony sa pag-aakala na galing talaga ang binata sa kumpanya. Habang siya nag-iisip ng masama tungkol kay Jerome, iyon pala marami itong ginagawa sa kompanya. "Nagpahanda ako ng breakfast, let's eat." Aya niya sa dalaga tumango naman si Harmony, masaya siyang lumabas ng silid kasama ang binata. Dala niya hanggang kusina ang bulaklak na binigay ni Jerome. Napatingin siya sa nakahain sa mesa, yung niluto niyang hipon kagabi akala niya'y masasayang ito. "Inutusan ko si Manang na ipa-init, namimiss kong ulamin ang luto mong hipon." Nakangiti na sabi ni Jerome, pinaghila na niya ng upuan ang dalaga. Kailangan niyang maglambing kay Harmony dahil may iniingatan siya na hindi dapat mabuko. Nilagyan niya ng kanin yung plato ni Harmony, nakatingin naman ang dalaga sa kanyang asawa. Napapangiti na lamang siya dahil ngayon lang ulit naging sweet si Jerome sa kanya. "Kumain na tayo, sabi sa akin ni Manang hindi ka kumain kagabi. I'm sorry Mhie, kung hindi man lang ako nakapag-message or call." Paghingi ng tawag ni Jerome, hinawakan niya ang kamay ng dalaga. Ngumiti naman si Harmony. "It's okay Dhie, sana sa susunod mag-message ka para hindi ako nag-aalala sayo." "Promise, next time magsasabi na ako sayo. Pupunta ka ba sa coffee shop? Sabay na tayo ihahatid kita." Paglalambing niya sa dalaga. "Sure, hindi ako tatanggi dyan baka magbago pa isip mo." Agad na sagot ni Harmony, mahina namang natawa ang binata. Masaya silang kumain na dalawa, pero ang isip ni Jerome ay si Agatha. Inaalala niya ang dalaga kung nag-breakfast ba ito bago pumasok sa kompanya nila. "Maayos na ba yung naging problema sa kumpanya?" Tanong niya sa asawa, nilunok muna ni Jerome ang kanyang nasa bunganga. "Yes, kaya maihahatid at sundo na kita sa coffee shop. Gusto mo bang kumain tayo sa labas mamaya?" Sunod-sunod namang tumango si Harmony. "Oo sa dati nating kinakainan." Tukoy nito kung saan lagi silang nagdadate noon. "Sige susunduin kita sa coffee shop ng alas singko." Excited na si Harmony sa magiging date nilang mag-asawa. Nagpatuloy na silang kumain, dahil sa gutom ay naparami ang kain ni Harmony. Nang matapos na silang mag-almusal umakyat na sila, naunang naligo si Jerome dahil inaayos pa ng dalaga ang isusuot ng asawa niya. Inilapag ng dalaga sa kama yung pang opisina ni Jerome, tatalian na sana niya yung kurtina. Pero natigilan siya dahil tumunog ang cellphone ng binata, napatingin doon si Harmony napako ito sa kanyang tinatayuan dahil pangalan ng babae yung nasa screen. "Margarette." Mahina niyang basa, hindi alam ng dalaga kung sasagutin niya ba yung tumatawag sa kabilang linya. Nanginginig ang kamay niya, tumingin siya sa banyo dahil baka bumukas yung pinto. Huminga ng malalim si Harmony, akmang pupulutin na niya yung cellphone ni Jerome ngunit bigla siyang tinawag ng binata. Sakto namang namatay yung tawag, para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Mhie! Mhie, pwede pakikuha yung laptop ko sa ibaba. Utos ng binata, walang nagawa si Harmony kundi kunin. Para siyang nakalutang sa iri habang naglalakad. Hindi gumagaan ang kanyang utak dahil sa babaeng tumatawag kay Jerome. Bumalik na naman ang agam-agam sa kanyang puso. Ang dami niyang katanungan, kailan pa nagkaroon ng interes sa ibang babae si Jerome. Kung bagong business partner niya ito, nagsasabi naman ang binata dahil ayaw niyang naghihila siya. Sa mga kinikilos ng asawa niya, lalo siyang naghihinala na parang may babae si Jerome. Hindi niya kayang tanggapin, para siyang patay na pinatay ng paulit-ulit. Nang makuha na niya yung laptop, umakyat na ulit siya sakto namang nakapag palit na si Jerome. "Mhie, hindi kita maihahatid ngayon may meeting kami sa kumpanya. Susunduin na lang kita mamaya, ingat ka sa pagpunta sa coffee shop." Mabigat ang loob niyang tumango bilang tugon, inabot na niya yung laptop ng binata. "See you later." Hinagkan na ni Jerome ang noo niya bago tuluyang lumabas ng silid nilang mag-asawa. Nagtungo na sa banyo ang dalaga, kahit wala siya sa sarili. Ang sayang nararamdaman niya kanina ay napalitan ng sakit at pagtataka. Huminga siya ng malalim para kahit papaano ay gumaan ang kanyang pakiramdam. Nakahinga ng maluwag si Jerome dahil buti na lang wala ang dalaga ng tumawag si Agatha. Nagdahilan na lang siyang may meeting sila kahit wala, dahil nagpasundo si Agatha hindi niya naman pwedeng tanggihan ito baka magtampo. Nakatingin lang si Harmony sa asawa niyang paalis na, napapikit siya ng mariin nang makalabas na sa gate ang sasakyan ng binata. "Sino si Margarette? Malalaman ko din kung sino siya." Halos pabulong niyang sabi bago pumasok sa loob ng silid nila. Nag-ayos na siya ng kanyang sarili dahil pupunta pa sa coffee shop ang dalaga. Balak niyang magpatulong sa mga kaibigan niya, para alamin kung sino si Margarette malakas ang kanyang kutob na may ibang ginagawa si Jerome. Napapansin na niya ang pagiging malamig nito sa kanya. Hindi niya alam kung saan ba siya nagkulang? Balak niya ulit pumunta sa kumpanya ng binata. Kung pwedeng araw-araw niyang dalhan ng kape si Jerome gagawin niya. Malaman lang niya kung sino si Margarette at anong relasyon nila ng kanyang asawa. ›Pagdating niya sa coffee shop, marami ng mga tao at abala na ang lahat. Diretso si Harmony sa opisina nila ni Maricar. Nadatnan niyang abala sa pag-aayos ng gamit ang kaibigan. "Good morning Mrs ni Jerome, kamusta ang pagpunta mo sa kumpanya niya kahapon?" Nakangiting tanong niya sa kaibigan, pero agad ding nawala dahil nakita niyang malungkot si Harmony. "What happened?" May pag-aalala niyang tanong, wala kasi siyang balita kung ano ang nangyari kahapon. "Hindi ko alam Maricar, gulong-gulo na itong utak ko. Para na akong mababaliw, ang dami kong gusto malaman!" Naiiyak niyang sagot bago yumuko. Agad naman na lumapit si Maricar sa kaibigan. "Nag-away ba kayo ni Jerome?" Muling tanong niya, walang ideya si Maricar kung ano ang nangyari. "Normal lang sa mag-asawa ang mag-away, pag-usapan niyo na lang yan." Dagdag niyang sabi, umiling-iling si Harmony kaya naguluhan siya. "Hindi kami nag-way beshy, pakiramdam ko may babae si Jerome, kitang-kita ng aking dalawang mata na babae yung tumatawag sa cellphone niya. Wala akong lakas ng loob na sagutin kanina, nagdadalawang isip ako ayoko sanang mag-isip na nagloloko si Jerome, pero Maricar iba na yung kinikilos niya. Bago kami ikinasal lumamig na ang pakikitungo niya sa akin. Para pang iniiwasan niya ako, okay na sana eh may pabulaklak siya sa akin kanina. Dahil pinaghintay na naman niya ako sa wala kagabi, akala ko sabay kaming aalis ng bahay. Ihahatid niya ako dito sa coffee shop, pero hindi pala sabi niya may meeting sila sa kumpanya. Aasa pa ba akong susunduin niya ako mamaya? Kung paulit-ulit na akong umaasa? Hindi ko na maintindihan kung ano ang aking nararamdaman ngayon." Umiiyak na niyang kwento, halos pabulong na din kung magkwento si Harmony. "Tulungan niyo ako Maricar, gusto kong malaman kung sino si Margarette sa buhay ni Jerome. Hindi matatahimik ang aking isipan at patuloy akong maghihinala if hindi ko malalaman." Pakiusap niya sa kaibigan, niyakap ni Maricar si Harmony ngayon lang nakita ng dalaga na nahihirapan ito. Dahil isa siya sa mga saksi kung gaano magmahalan ang dalawa. Hindi niya lubos akalain na makikita niyang umiiyak si Harmony nang dahil kay Jerome. "Sige tutulungan ka namin, sasabihan ko si Agatha na pumunta dito kapag hindi siya busy. Sa ngayon kilatisin mo ang bawat kilos ni Jerome. Sundan at alamin ko kung saan siya pupunta. Ako na muna ang bahala dito sa coffee shop." Hindi na sumagot si Harmony, iyak lang ng iyak ang dalaga. Hindi niya kayang tanggapin na lolokohin pa siya ng binata. Kung kailan kasal na silang dalawa. "May mali ba sa akin Maricar? May kulang pa ba bakit kailangan niyang maghanap ng iba, kung sakali mang may babae siya? Ngayon palang para na akong dinudurog. Hindi ko kayang tanggapin, dahil simula high school tayo kay Jerome na umiikot ang mundo ko. Siya lang ang minahal ko ng ganito." Ilang taon na ang pinagsamahan nilang dalawa, kaya ramdam niyang may maling ginagawa si Jerome. "Maging matatag ka Harmony, dahil lahat tayo dadaan sa ganyan. Meron man yung hindi swerte sila sa naging asawa nila at marunong makuntento ang kanilang mga mister. Kausapin mo si Jerome ng maayos, hayaan mong magpaliwanag saka ka magsalita." Payo ni Maricar sa kaibigan, dahil ang pagiging mahina hindi ka matutulungan mag-isip ng maayos matatalo ka lang. Humigpit ang yakap niya kay Harmony dahil lalo itong naiyak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD