Nakangiti si Agatha habang nakaupo sa sofa, dahil alam niyang natanggap na ni Harmony ang binigay niyang regalo. Napatingin siya sa kanyang cellphone dahil tumunog ito, agad niyang sinagot nang makita kung sino yung binayaran niya na tao. "Kamusta ang pinagawa ko sa'yo?" Malamig niya na tanong. "Okay na ma'am iniwan ko sa harap ng coffee shop nila. Bago ako umalis kanina tiniyak ko muna na makukuha ng isa sa mga nagtatranabaho doon." Magandang balita ng lalaki. "Sige, magkita tayo bukas para sa bayad. Marami pa akong ipapagawa sa'yo, siguraduhin mo lang na maayos ang iyong trabaho mo." Nakangiting sabi ng dalaga. "Makakaasa po kayo ma'am malinis talaga akong mag-trabaho." "Magkita na lang tayo bukas, 'wag kang tatawag hintayin mo ang tawag ko!" Bilin nito bago patayin ang tawag. Nap

