Nagising si Harmony dahil sa isang tawag, tinignan niya ito kung sino ang ina ni Jerome. Wala siyang nagawa kundi sagutin ito. "Hello mama, good morning." Magalang na bati niya sa ginang. "Good morning Hija, happy birthday pumunta kayo dito ni Jerome mamaya magluluto ako, see you later." Hindi na hinintay ng ginang na makapagsalita ang dalaga, pinapatay na niya yung tawag. Nagtataka namang tinignan ni Harmony yung calendario ng cellphone niya. Nasapo niya ang kanyang noo ng makita kung anong petsa. Sa sobrang stress niya sa buhay nakalimutan na ng dalaga ang kanyang kaarawan. Tuluyan na siyang bumangon sa kanya kama, dahil balak niyang pumunta sa coffee shop. Ginawa na niya ang kanyang morning routine, pagkatapos maligo at nagpalit nagayos na siya ng sarili. Nag-lagay lang ng light make

