Naguguluhan pa rin si Harmony dahil sa binanggit ni Maricar kanina. Hindi na siya makapagsalita kaya nanatili na lang siyang tahimik. Dahil alam niyang maraming idadahilan ang kaibigan, lalo na't tungkol ito kay Agatha. Una palang ay sinabi na nito sa kanya na hindi niya gusto si Agatha, at wala siyang planong makipagplastikan. Tulad ng usapan, sinundo ng dalawa si Agatha sa kompanyang pag-aari niya. Sa back seat sumakay ang dalaga at iritadong tinignan si Maricar. Napatingin siya kay Agatha, salubong ang kilay niya habang nakaupo. "Saan ba tayo pupunta? Bigla na lang kayong nag-aaya?" Mataray niyang tanong, dahil sa biglang lakad nilang magkakaibigan ay hindi natuloy yung date nila ni Jerome. "Sa mall ihahatid ka din namin mamaya, mag-shopping muna tayo pupunta kasi kami ni Harmony s

