```` Nagtataka naman si Jerome kung bakit nagagalit sa kanya ang kanyang pinsan. Wala naman siyang matandaan na ginawa, kaya laking gulat niya nang makita si Caleb. “Kung pumunta ka lang dito para maghanap ng gulo, mas mabuti pang umalis ka na.” Malamig niyang sabi, lalong nagalit si Caleb tinulak siya nito bago sinuntok sa mukha. Dahilan para maupo si Jerome, mahinang natawa ang binata wala naman siyang ideya bakit nanggagalaiti sa galit si Caleb. "Ano bang ikinagagalit mo? Nananahimik ako dito sa kulungan Caleb!" Mariin niyang tanong sa kanyang pinsan. “Ikaw ang dahilan bakit siya nag-agaw buhay pero bakit ikaw pa rin yung hinahanap niya!!” Galit niyang sigaw kay Jerome, kumunot naman ang noo niya dahil sa sinabi ng kanyang pinsan. “What do you mean? Gising na si Harmony? At ako an

