Tulad ng sinabi ng doctor, lumabas na nga sa ospital si Agatha. Tahimik lang ang binata habang nagmamaneho. Wala siyang balak kausapin si Agatha, dahil ang nasa isip niya kung paano nakikipagusap kay Harmony. Hindi alam ng binata kung pumayag ba ito o ano dahil wala naman siyang sinabi. "Anong balak mo? Buntis ako Jerome!" Naiirita na tanong niya sa binata dahil wala man lang itong sinasabi. "Huwag ka ng umasa na pakakasalan kita, magbibigay ako ng sustento buwan-buwan para wala kang masabi." Seryosong sagot ni Jerome, lalong nakaramdam ng galit si Agatha. "Ano? Hindi mo ako pakakasalan? Ayokong maging bastardo ang anak ko! Nangako ka sa akin Jerome, wala ka palang isang salita!" Mariin na sabi niya kay Jerome, habang ang binata napangisi na lamang. "Hindi mo ako masisisi Agatha, ikaw

