Jed's POV Tahimik lang kaming lahat habang naghihintay sa paglabas ng doctor mula sa ER. Kabado man kami, ngunit alam namin na makakasurvive siya. Siya pa? Alam kong kaya niya 'yan. Matinik siya sa mga babae kaya sisiw lang sa kanya 'to. Nagbalik naman sa isipan ko ang mga pangyayari kanina. Lumabas ako at sumakay sa sasakyan ko para hanapin si Lian, baka naglalakad lang siya sa tabi-tabi. Nakakabadtrip talaga 'yang si Ella. Okay naman siya sa amin eh, kaibigan namin siya noon. Pero mula nang iwanan niya si Justin, nawalan na ako ng tiwala sa kanya. Sobrang nasaktan kasi noon si Justin. Alam naman niya kung gaano siya kamahal ni Justin, pero binalewala niya lang iyon. Hindi lang naman si Justin ang ipinagpalit niya sa pangarap niya, maging kami na mga kaibigan niya. Wala naman akong g

