Lian's POV "You know what? I am actually glad na makakasama ka pa namin," masayang sabi sa akin ni Naomi. "Ako rin, Naomi. Sobrang saya ko. Bukod sa mataas na pa-sweldo, makakasama ko pa ang 4SBLUE sa iisang bahay," masiglang tugon ko naman kay Naomi. "Siya nga pala, Lian. I heard something about Jed. Is it true na may sumugod sa kanya kagabi?" tanong ni Naomi. Naalala ko na naman tuloy ang nangyari kina Jed at Michael kagabi, and speaking of them. Nag-aayos na si Cyrna ng gamit niya, sabay silang uuwi sa Pilipinas ng sweet enemy niyang si Michael. "Oo, si Michael. Friend namin siya ni Cyrna. Na-misinterpret lang kasi ni Michael," sagot ko. "Oh, I see. Eh kamusta naman ang friend niyo? Hindi naman siya ginantihan ni Jed no?" "Hindi," sagot ko habang umiiling pa kay Naomi. "Alam mo

