Ericka's POV Labis ang pag-aalala ko para kay Lian. Umiiyak siyang umalis kanina at halos tatlong oras na ay wala pa rin siya. Okay lang ba siya? Kamusta kaya 'yong kaibigan daw ng boss niya na naaksidente? Nabanggit niya rin sa akin na P.A daw siya ng leader ng 4SBLUE band. At iyon ang dahilan kung bakit mananatili pa siya ng ilang buwan dito sa Korea. Muli na naman akong nakaramdam ng pagsakit ng ulo. Naaasar ako sa sarili ko, bakit ba kasi ang hina ko? Wala dapat ako ngayon dito sa hospital. Nasa trabaho dapat ako ngayon para kay Elisha. Ang nakakaasar pa ay nakaperwisyo ako ng ibang tao. Ilang sandali pa ay nakarinig ako ng mga katok bago ito bumukas. Bumungad sa akin si Lian na may mugtong mga mata. "Kamusta na ang pakiramdam mo?" Tanong niya nang makita ako. "Lian." Alalang samb

