Lian's POV "Oh ito." Inabutan ko siya ng towel. "Tapos, ito na munang sando ko ang isuot mo." No choice eh. Kaya kahit na nakakailang na ipasuot ko sa kanya ang damit ko eh wala naman akong magagawa. Alangan naman na pabayaan ko siyang matuyuan sa damit niya. "Thank you Lian, ang sweet mo talaga kahit na kailan," nakangiti niyang sabi sa akin. "Pinahiram na kita ng susuotin, 'wag ka nang mangbola," masungit na sabi ko sa kanya. "Hindi kita binobola. Buti na lang talaga at naging kaibigan kita, thoughtful na, sweet pa," sabi niya pa. "Anong kaibigan? Kailan pa?" "Well, I considered you as my friend," nakangiti niyang sabi. "Tigil-tigilan mo nga ako sa mga trip mo. Ano ba naman kasing pumasok sa isip mo at sinuntok mo si Jed? Bakit mo iyon ginawa?" panenermon ko sa kanya. Bigla siyan

