Lian's POV
"You're finally awake," nakangiting sabi sa akin ng isang babae. Nakatayo siya sa harap ko, nakasandal sa isang table habang may hawak-hawak na maliit na tasa.
Teka. Nasa'n na ba ako? 'Di ba hindi naman ako nananaginip? Nasaan na ang 4SBLUE?
Marahan akong bumangon at nagpalinga-linga sa paligid.
"Are you okay?" tanong sa'kin no'ng babae. Kunot-noo naman akong tumango bilang pagtugon. "I'm Naomi Cohen, and you are?"
"Lian Kaye, but you can call me Lian," tugon ko.
"Are you Filipino?" tanong niya pa. Tumango lang ulit ako sa kanya bilang pagsagot. Ngumiti naman siya sa akin at ako naman ang nagtanong sa kanya.
"Ikaw din?"
Nakangiti pa rin siya habang tumatango.
"Talaga? In fairness hindi halata. Mukha kang Korean."
"Really?" natatawang tanong niya sa akin. "Well, nadala ko lang siguro sa make-up."
"Nga pala Naomi, Nasa'n ba ako? Anong lugar 'to?" kunot-noong tanong ko.
"Nasa Blue's Garden tayo," wika niya.
Blue's Garden? Jinja?!
"Blue's Garden? H-hindi nga?" hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya. "Hindi talaga ako nananaginip?" Kasi naman, Blue's Garden? Doon ang place ng 4SBLUE. So meaning totoo talaga 'yong kanina na nakasama ko sila?
"Oo, hindi ka nananaginip," nakangiti niyang sagot.
"Nasa'n ang 4SBLUE?" masayang tanong ko.
"Nasa practice hall sila, nagre-rehearse para sa concert nila bukas," sagot niya.
"Gano'n ba? Teka. A-ano ka nila?" biglang naitanong ko. Hindi rin naman talaga ako chismosa.
"Friend," nakangiti niyang sagot.
"Daebak! Ang galing naman! Ang swerte mo, buti ka pa," manghang sabi ko.
"Anong swerte do'n?" natatawang tanong niya.
"Eh kasi naman, kaibigan ka nila. ibig sabihin may personal na relasyon ka sa kanila. Nakakausap mo sila anytime. Nakikita mo sila kung kailan mo gustuhin. Nakakasama mo sila. Ang swerte mo. Ang galing!"
Mahinang tumawa si Naomi.
"Sa bagay may point ka. Pero, masakit din sa ulo lalo na at sikat kasi sila. Masaya na kumplikado na magkaroon ng ugnayan sa 4SBLUE," aniya.
"What do you mean?" naguguluhan kong tanong. Nginitian niya lang ako saka ulit nagsalita.
"Nevermind. Gusto mo silang makita?" nakangiting alok niya.
"Oo naman!" mabilis kong sagot. Aarte pa ba ako? "Isa kasi ako sa libo-libo, ay hindi pala! isa ako sa milyon-milyong fans nila," sabi ko pa.
"At hulaan ko. Nandito ka para manood ng concert nila bukas," nakangiti niyang sabi
"Oo! Tama ka. Manonood ako kasama ang friend ko—"
Natigilan ako bigla nang maalala ko 'yong concert ticket ko na na-snatched!
"OMG!" pagmamaktol ko. "Hindi na pala ako matutuloy na makapanood bukas," dismayadong saad ko.
Naupo si Naomi sa tabi ko kasabay ng paglapag ng maliit na tasang hawak niya sa table.
"Bakit naman? May problema ba?" may pag-aalalang tanong niya.
Ikinuwento ko sa kanya ang lahat na nangyari. Pagkatapos ng kwentuhan namin, dinala niya ako sa Practice Hall ng 4SBLUE. Big opportunity para makapagpa-picture at makapagpa-autograph sa kanila, super lapad ng ngiti ko habang naglalakad kami papunta sa practice hall. Oo nai-imagine ko ang itsura ko.
Habang papalapit kami nang papalapit ay naririnig ko ng mas malinaw ang boses ni bebe Justin.
Masigla akong sumilip at pumasok sa pratice hall. Nasulyapan ko agad ang maamong mukha ng bebe Justin ko.
Naupo ako sa may hulihan sa mga upuan doon habang manghang-mangha sa mga nakikita kong naggwa-gwapuhang lalaki. Ang landi ko!
Wala akong sinayang na sandali. Mainam kong binusog ang mga mata ko sa pagtitig sa 4SBLUE at ang mga tainga ko sa pakikinig ng boses nila.
Nang matapos na 'yong kanta ay napa-palakpak ako at napahiyaw. Hindi ko napigilan ang sarili ko, kaya naman nakuha ko ang atensyon nila nang hindi ko sinasadya.
"What are you doing here?" kunot-noong tanong sa akin ni Justin.
Mabilis akong napatayo.
"P-pinapanood kayo," nakangiti kong sagot.
"Get out! You are not even allowed here!" pasigaw na sabi sa akin ni Justin.
"What's your problem? Ako ang nagsama sa kanya rito," pagtatanggol sa akin ni Naomi.
"(Alisin mo ang babaeng 'yan dito,)" ani Justin kay Naomi.
Ano raw? Bakit bigla siyang nag-korean? Pilipino rin naman siya 'di ba? Pwede naman magtagalog na lang siya dahil Pilipino rin naman so Naomi.
"(Ano bang problema mo sa kanya?)" sabi naman ni Naomi.
"Enough," sabat ni Jed.
Teka ano bang meron? Nagtatalo-talo ba sila dahil sa akin?
"She is a fan. So please treat her as what she deserves," sabi ni Naomi. Natouch naman ako ro'n.
"That's enough guys, let's just start again," awat ni Jae hee.
"S-sorry, hindi na ako mag-iingay, promise behave na ako, hayaan mong manood lang ako rito. Nanakaw kasi 'yong concert ticket ko... kaya, hindi ko na kayo... mapapanood bukas," malungkot kong sabi kay Justin.
Halos matunaw naman ako sa kinatatayuan ko dahil sa mga titig niya sa akin. Ilang segundo lang ay tinalikuran niya na ako at—
"From the start tayo," sabi niya sa mga ka-grupo niya.
Napangiti ako ng malapad at masayang naupo ulit.
"Gomawo," nakangiti kong bulong kay Naomi.
[Gomawo means thank you (unformal)]
Ang sarap talaga nilang panoorin lahat. Hindi ako makapaniwala na nasa harap ko sila ngayon. Para na rin akong nasa concert, super saya ko! Susulitin ko ang bawat oras na kasama ko ang 4SBLUE.
**
Jae Hee's POV
"Can we have a break?" tanong ko sa kanila, nakaramdam na ako ng pagod at gutom.
"Okay, let's take a break. Ten minutes," sagot ni Justin.
"It's too short, Hyung. Thirty minutes?" I suggested.
"Fine," he answered.
Palabas na sana ako ng practice hall nang lapitan ako ng babaeng fan daw namin.
"Can I have your autograph?" she asked nicely.
"Ne," I answered.
[Ne means yes.]
Pagkatapos ng autograph ay nagpapicture rin siya sa akin. Well, mabait naman siya, laging nakangiti at pansin kong madaldal. Hindi ko lang alam bakit ang init ng ulo sa kanya ni Justin.
Pagkatapos no'n, lumabas na ako para magpahangin at bumili nang makakain sa malapit na convenience store. Safe naman doon at hindi ako masyadong dudumugin ng mga tao.
Patawid na sana ako nang may makita akong isang babae na umaali-aligid sa may gate namin. Siguro taga snoopy news siya, o baka stalker.
She has a suspicious act, so I followed her slowly.
"Bakit ang tagal nila," she whispered to herself. "Ay bakulaw kang kabayo!" sigaw niya nang makita ako sa likuran niya, halos matumba rin naman ako sa gulat.
"Mitchida!" asar na sabi ko.
"Mwo? (what?)" Napailing siya sabay buga ng hininga sa hangin. "Mworago? (what did you say?)" she said as if she was irritated.
"(Sino ka? Anong ginagawa mo rito?)" I returned the question to her.
"(Sino ka rin ba?)" matapang na sabi niya. Seryoso ba 'tong babaeng 'to? Hindi niya ako kilala?
"(Ano? Hindi mo ako kilala?)" kunot-noong tanong ko.
"(Oo, bakit? Dapat ba kilala kita?") sagot niya. Aba't... napabuntong-hininga na lang ako. Hindi niya talaga ako kilala? Seryoso ba talaga siya? That's Impossible! "(Siguro magnanakaw ka,)" sabi niya pa. Ano raw? I'm a thief?! This girl is really out of her mind. Ako pa talaga sasabihan niya ng magnanakaw?
"(Sira ka ba? Huh? Ako magnanakaw?)" naaasar kong tanong.
"Ne," she said straightly, she's so annoying!
Dahan-dahan ko siyang nilapitan habang nakatitig sa mga mata niya.
"(S-sandali, anong ginagawa mo?)" alalang tanong niya.
There's something played in my mind. I continuously draw near to her. She's just stepping backward until she inclined at the wall. I put my arms at her right side on the wall then I smirk.
We're so near to each other now and we can feel each other breath. Nagulat ako nang bigla niyang ipikit ang mga mata niya. What did she think I'm going to do with her? I cannot stop myself from laughing!
"You're so funny! What do you think I'm going to do with you?" I said while still laughing.
"(Ikaw!)" Inis niyang sabi. Nagpatuloy lang ako sa pagtawa nang magulat ako dahil bigla niya akong sinipa sa aking private part.
My poor Junior!
"Ouch!" impit na sigaw ko. Halos mapaupo ako dahil sa sakit.
"Iyan ang bagay sa'yo! Bakulaw!" sigaw niya sa lenggwahe niya. Pilipino siya.
"You! you're dead! How dare you!" sigaw ko, then she began to run. Sinubukan kong bumangon upang habulin siya pero hindi ko nagawa dahil sa sakit.
That poor girl! Huwag siyang magpapakita ulit sa akin.
**
Ericka's POV
Nagmadali kami ni Cyrna sa pagpunta sa Blue's Garden, Nandoon daw kasi si Lian. Pagdating namin doon ay hinarang kami ng isang security guard.
"(Anong kailangan niyo?)" tanong ng guard sa amin.
"(Hinahanap namin ang kaibigan namin. Nalaman namin na nandirito raw siya.)" Ako na ang sumagot dahil hindi naman marunong ng korean language si Cyrna.
"(Kayo pala 'yon, sumunod kayo sa'kin,)" sabi ng guard.
"Ne, gomawo (oo, salamat,)" tugon ko.
Papasok na kami no'n nang biglang may tumahol na pagkalaki-laking aso. Jinja?! Muntik nang malaglag ang puso't kaluluwa ko sa niyerbyos. Napaatras tuloy ako at hindi na nakasunod sa kanila. Dere-deretsyo lang 'yong dalawa sa paglalakad.
Sisigawan ko sana si Cyrna kaso nakakatakot talaga 'yong aso! Baka biglang magalit at makawala. Takot much kasi ako sa aso. Obvious ba? Kaya ito, no choice ako kung 'di ang hintayin na lang sila rito sa labas.
Ilang minuto na ang lumipas, pero wala pa rin sila.
"Bakit ang tagal nila?" bulong ko sa sarili ko habang sumisilip-silip sa gate ng Blue's Garden.
Nagulat na lang ako nang paglingon ko, eh may tao na sa likod ko.
"Ay bakulaw kang kabayo!" sigaw ko. muntik nang matumba 'yong lalaki sa likod ko, marahil siguro eh nagulat ko siya sa pagkakasigaw ko.
"Mitchida!" sigaw ng gwapong nilalang na 'to.
Teka, sino ba 'to? Alien ba siya? Ba't ang gwapo niya masyado? Saan 'to nanggaling? Bigla na lang kasi nasulpot.. at enebeyen! Sinabihan niya ako ng baliw porque gwapo siya? Hindi ako magpapasindak sa kagwapuhan niya!
"Mwo? (what?)" Napabuntong-hininga ako. "Mworago? (what did you say?)" pagtataray ko sa gwapong nilalang na 'to.
"(Sino ka? Anong ginagawa mo rito?)" tanong niya, ayos din 'to huh, tinanong ko siya tapos tinanong lang din ako?
"(Sino ka rin ba?)" ganti kong tanong sa kanya.
"(Ano? Hindi mo ako kilala?)" Nakahithit ba 'to? Tatanungin ko ba siya kung kilala ko siya?
"(Oo, bakit? Dapat ba kilala kita?") pagtataray ko sa kanya. Napabuntong-hininga naman siya. "(Siguro magnanakaw ka,)" sabi ko pa.
"(Sira ka ba? Huh? Ako magnanakaw?)" naaasar niyang tanong.
"Ne (oo,)" nagulat ako nang bigla niya akong lapitan ng dahan-dahan, nakatitig lang siya sa mga mata ko.
"(S-sandali, anong ginagawa mo?)" mautal-utal kong tanong sa kanya.
Dahan-dahan niya lang akong nilapitan, paatras na ako nang paatras hanggang sa mapasandal na ako sa pader. Nilagay niya 'yong kamay niya sa right side ko sa may wall at ngumisi siya sa akin. Napakalapit na niya sa akin kaya napapikit na lang ako. Pero agad din akong napamulat nang marinig ko siyang tumawa ng malakas.
"You're so funny! What do you think I'm going to do with you?" sabi niya habang tumatawa.
Bwiset tong lalaking 'to ah, napahiya ako do'n, akala ko hahalikan niya ako. Ikaw ba naman lapitan ng gwapong nilalang na tulad nito? Ano kayang gagawin niyo?
Pahiyang konti Ericka!
"(Ikaw!)" inis kong sabi. Nagpatuloy lang siya sa pagtawa. At para makaganti sa cute na mokong na 'to eh sinipa ko siya, kaso napasala ang pagsipa ko. Sa paa lang niya dapat pero ang ending, 'yong private part niya ang natira ko.
"Ouch!" impit na sigaw niya.
"Iyan ang bagay sa'yo! Bakulaw!" Buti nga sa kanya.
"You! You're dead! How dare you!" sigaw niya sa akin pero tinakasan ko na agad siya.
Tumakbo ako nang mabilis palayo sa gwapong nilalang na 'yon! Siguro naman hindi na kami ulit magkikita no'n 'di ba? Kasi siguradong lagot ako kung magku-krus pa ang mga landas namin.
**
Lian's POV
Nagulat ako nang biglang dumating si Cyrna, paano niya nalaman na nandito ako? Paano niya nalaman ang pagpunta rito?
Imbis na kamustahin ako ng loka, ito at nagpapicture agad siya sa 4SBLUE. Pero kina Jed at Nico lang siya nakapagpa-picture, wala kasi si Jae Hee, tapos nakakatakot tumingin itong si Justin, para bang nagsasabi na 'wag na siyang lapitan at ayaw niya nang kausap. Pero kahit na ang sungit-sungit niya, ang cute-cute niya pa rin.
"Thank you, Naomi. Hinding-hindi kita malilimutan. Hinding-hindi ko ito malilimutan," nakangiting paalam ko kay Naomi.
"You're welcome, take care," nakangiting sagot niya sa akin.
Nagpasalamat ako rin ako kina Jed at Nico. Tapos huli kong nilapitan si Justin.
"Thank you, Justin. Sobrang fan niyo talaga ako at sobrang saya ko na nakasama ko kayo. Kahit na saglit na oras lang, sobrang sulit naman," nakangiti kong sabi rito. "Pasensya ka na rin sa mga gulong nagawa ko rito."
Nanatiling walang imik si Justin habang abala sa pagkakalikot sa hawak niyang gitara.
"Thank you ulit. Hinding-hindi ko malilimutan ang araw na 'to."
"Just do whatever you want," cold na sabi niya.
"Huh?"
"Huwag mo kalimutan ang araw na 'to, bahala ka. Gawin mo ang gusto mo. Bakit kailangan mo pang sabihin sa akin?" masungit na wika niya.
"Justin!" saway ni Naomi rito.
"What? Nakakairita na kasi ang daldal niya," balin ni Justin kay Naomi.
"Pagpasensyahan mo na siya, pagod lang sa kaka-practice niya 'yan," sabi sa akin ni Naomi.
"Okay lang," nakangiti ko namang sabi kay Naomi.
Binalikan ko ng tingin si Justin at muling nagsalita.
"Okay lang na gawin ko ang lahat ng gusto ko 'di ba? So okay lang na gawin ko 'to," masaya kong sabi sabay lapat ko ng mga labi ko sa pisngi niya.
Segundo lang pero nakita ko ang malaking pagkagulat ng lahat ng tao na nandoon dahil sa ginawa ko. Lalo na si Justin. Natigilan siya sa ginagawa niya habang nanlalaki ang mga mata.
"Quits na tayo."
Pagkasabi ko no'n ay mabilis kong hinila si Cyrna paalis sa lugar na iyon.