Lian's POV Pabalik-balik ang tingin ko sa relo ko. Dalawampung minuto na ang nakakalipas nang magsimula ang call time ni Justin sa set. Siguro ay dumeretsyo na siya doon. Kasama niya pa rin kaya si Ella? "Parang ang lalim naman yata ng iniisip mo." Basag ni Nico sa katahimikan ko. "Ah.. hindi naman. Wala naman akong masyadong iniisip." Tugon ko. Kasalukuyan kaming nasa kotse niya at papunta sa kung saan. Sinabi ni Justin kanina na may shooting siya pero bigla naman siyang umalis kasama si Ella. Kaya naman sinamahan ko na lang si Nico sa pupuntahan niya. Hindi ko rin naman kasi matatanggihan ang isang cute na lalaking ito. "May gusto ka bang itanong? Anything, Lian." Nakangiting sabi niya sa akin. "Huh? Uhm.." Sandali akong napaisip. Ano kaya kung itanong ko sa kanya kung sino si Ella

