Akira's Point of View "Akira... are you really sure about this?" Pumapa-ibabaw ang lungkot mula sa boses ni Alliyah. Alam kong masyado siyang nag-aalala sa magiging kahihinatnan ng lahat ng ito. Pero wala naman na akong magawa. Kailangan kong gawin ito para hindi na siya masali pa sa gulong ginawa ko. Ito lang ang paraang naiisip ko para masiguro ang kaligtasan niya. Isinarado ko ang zipper ng bagahe bago hinarap si Alliyah na katabi si Kirt, "Huwag kang masyadong mag-alala, Alliyah. I've got this!" Binigyan ko siya ng isang ngiti para mapagaan ang kanyang kalooban, pero tila wala pa rin iyong epekto. "Judging by how that guy acted, he's a total jerk! Nakakatakot siya at mukhang wala ni isa siyang sinasanto. We're just worried, Akira. We can't help it. Alam namin kung ano lang ang maka

