Chapter Eighteen “Celie…” I heard Daddy called. Kakarating ko lang at papalabas na sila ni Mommy… may date siguro. Bihis na bihis sila habang nakahawak si Mommy sa braso ni Daddy. “Po?” sagot ko nang bumaling ako sa kanila. Ibinigay nina Kuya Jun ang mga paperbags na dala ko sa dalawang kasambahay. Kinuha naman ni Nana Lourdes ang paperbags na hawak ko. ibinigay ko naman iyon sa kaniya. “Salamat, Nana,” sabi ko bago humarap kay Mommy at Daddy. “Mag d-dinner kami ng Mommy mo sa labas. You want to comewith us?” Daddy asked. I smiled as I shook my head. “No, Dad. Nakakain na po ako kasama sina Kuya Jun at Kuya Arman,” sagot ko sa kaniya. “May pupuntahan din po ako mamaya,” “Where to?” Mommy asked. “Sa club po,” sagot ko naman. “Nag-aya po kasi sina Tamara. Kasama ko d

