Chapter Ninety Four Celie’s POV Nang makarating kami ni Benjamin sa rooftop bar ay mabilis kong hinanap ang mga kaibigan namin. It was so awkward earlier. Mula noong nasa sasakyan kami, hanggang sa makarating kami dito, at hanggang sa loob ng elevator. Kaya dali-dali naman akong naglakad paalis nang bumukas ang elevator. Nang makita ko si Zane na napatayo habang nakatingin sa akin ay kumaway agad ako. I ran towards their table. Sinalubong naman ako ni Zane. He opened his arms wide. Mabilis akong yumakap sa kaniya. “Oh, my gosh, Celie!” rinig kong sabi nang kung sino. “You’re here!” “Ah, I missed you,” rinig kong bulong ni Zane habang yakap niya ako. I chuckled as I hugged him back. “I missed you, too, Zane,” I replied before I let go of him. Ayaw pa sana niya akon

