Chapter One Hundred Twelve Iniwas ko na lang ang tingin ko kay Zane at nagpatuloy sa pag-inom. Hindi na sana ako iinom, eh. Kaso parang na-stress ako doon sa ginawa ni Samantha. “Celeste,” saway ni Benjamin nang makita ang pag-inom ko. Hindi ko lang siya pinansin. Napatingin ako kay Zane nang tumayo siya. Kunot ang noong sinundan ko siya ng tingin bago ko siya tinawag. “Where are you going?” tanong ko sa kaniya. Napahinto naman siya at bumaling sa akin. “Out,” simpleng sagot niya na nagpangiti sa akin. Gusto ko pa nga sanang matawa pero pinigilan ko na lang. Zane just shook his head at me bago siya naglakad papalayo. “Oh? Saan pupunta ‘yon?” tanong ni Tamara. “Where is Greg and Samantha? Umuwi na ba?” “Maybe,” sagot ni Trisha. “It looks like Samantha is already dr

