Chapter 28 - An Angel
2 days later... (Monday)
~Winter~
Nag-aayos na ako ngayon para pumasok at nasa harap ako ng salamin habang sinusuklay ko ang buhok ko.
Nakakapanibago. Ang dating napakahaba kong buhok ay hanggang balikat ko na lang. Hindi rin pantay ang haba n’on pero hindi ko na pinakealaman.
Dingdong!
Dingdong!
May biglang nagdoorbell kaya napatingin ako sa labas.
Nakita kong napatingin din si Zen sa labas na ngayon ay nakahiga sa may sofa.
Pumunta ako doon sa may gate para tingnan kung sino ‘yung nagdoorbell at sumunod sa’kin si Zen.
Pagbukas ko, walang taong bumungad.
May nakita lang akong motor na nakapark sa kabilang kalsada.
...
Sinara ko na lang ulit at tatalikod pa lang ako para maglakad papasok ng bahay nang may biglang magdoorbell ulit...
Binuksan ko ulit ‘yung gate pero wala na namang tao bumungad.
....
...
Sinara ko na ulit at katulad kanina at may nagdoorbell na naman kaya binuksan ko at gan’on din, wala pa ring tao.
Nakaisip ako ng plano.
Sinara ko ulit at nagbilang ako ng isa hanggang tatlo...
Pagdating ng tatlo ay mabilis kong binuksan ‘yung gate at bumungad sa’kin si Russell na magdodoorbell pa lang.
Nakatingin lang ako sa kaniya... Hindi siya nakauniform ngayon. NakaT-shirt siya na kulay brown at ripped jeans.
Hindi ko maitatanggi na sobrang gwapo niya kahit ‘yun lang ang suot niya. Kahit siguro nasa siksikan siya ng mga tao ay kapansin-pansin pa rin siya. Napa-isip ako kung hindi ba siya papasok ngayon sa school.
"Ahh.. Hehehe. Papasok ka na ba?" tanong niya sa’kin ng nakangiwi.
Siguro ay dahil nahuli ko siyang pinaglalaruan niya ‘yung doorbell ng bahay ko.
Tumango lang ako.
"Ahh.. gan’on ba? Napadaan lang ako dito kasi ano... ano... ano nga ba?..." napapakamot pa siya sa ulo niya habang nag-iisip.
"Ahhh! kasi ano... I want to visit Zen! Tama! Yon nga! Where is he? I want to see him." tumingin siya sa loob ng bahay na parang may hinahanap pero biglang tumahol si Zen na nagtatago lang sa likod ko kaya napatalon siya sa gulat.
"Ahhhhhhh!" sigaw niya at tumakbo siya habang hinabol naman siya ni Zen.
Lumabas ako ng gate.
Paikot-ikot lang silang dalawa ngayon sa kalsada.
Village ‘to kaya walang masyadong nadaan na mga sasakyan dito.
Nang madamabahan na siya ni Zen ay napahiga siya at pilit n’yang inilalayo ito sa kaniya.
Hindi ko napigilang mapangiti.
Nakakatuwa kasi silang tingnan.
Inalis ko ang ngiti ko nang tumingin sa’kin si Russell habang nakahiga siya sa gitna ng kalsada at nakahiga naman sa dibdib niya si Zen.
"Ialis mo nga sa’kin tong aso mo!" pilit niya pa ring inaalis si Zen sa dibdib niya pero tumahol lang ito.
"Zen." tawag ko kay Zen at umalis naman ito sa dibdib niya at lumapit sa’kin.
Umupo ako at hinimas ko ang ulo niya habang nakangiti at mahinang sinabi.
"Good boy..."
Napatingin ako kay Russell kasi nakita ko sa gilid ng mata ko na hindi siya gumagalaw sa pagkakatayo niya.
Pagtingin ko ay nakatulala siya sa’kin pero bigla rin siyang umiwas ng tingin at parang namumula yata siya.
Napatingin ako sa tenga niya kasi namumula ‘yon.
Tumayo na ako.
"Narinig ko yon! Kasabwat ka pala ni Zen!" tumingin na siya sa’kin tapos ay pinagpag niya ‘yung likod ng damit at pwetan niya.
Nang nakontento na siya sa pagpagpag n’ong damit niya ay tumingin na siya sa’kin.
Nakita ko naman na biglang parang lumungkot ‘yung mga mata niya n’ong mapatingin siya sa buhok ko.
Lumapit siya sa’kin at nilagpasan niya ko tsaka isinara ‘yung gate n’ong bahay ko at nilock niya ‘yon.
Nandoon na sa loob ng bahay si Zen.
Nakatingin lang ako sa ginagawa niya.
Nang tumingin siya sa’kin...
"Tara! We have somewhere to go." nagulat ako kasi bigla n’yang hinawakan ‘yung kamay ko at hinila ako patawid sa kabilang kalsada papunta doon sa motor na nakapark doon.
Sumakay na siya doon at sinuot niya nayung helmet niya.
Mukhang motor niya ‘to.
Nakatayo lang ako dito ngayon.
Tumingin naman siya sa’kin.
"Umabsent ka muna ngayon. May pupuntahan lang tayo saglit. Suspended din naman ako ng 1 week eh gawa n’ong pakikipagsuntukan ko kina Shin...” sabi niya na nakangiti at nag-abot sa’kin ng isang helmet.
Tumingin ako doon at nag-isip saglit.
"Please? Hindi naman tayo magtatagal...” sabi niya pa kaya wala na kong nagawa kundi isuot ‘yung helmet na binigay niya.
Sumakay na rin ako.
~Russell~
Sumakay na si Winter sa likod ko kaya napangiti ako.
Pinadyak ko na ‘yung makina n’ong motor pero hindi siya nakakapit sa’kin kaya napalingon ako sa kaniya.
"Kumapit ka sa’kin. Baka mahulog ka,” sabi ko sa kaniya pero hindi siya nakapit.
"Nakaglue ba yang pwet mo dyan sa upuan para maging sigurado ka na hindi ka mahuhulog?" sarcastic na tanong ko sa kaniya...
Mayamaya ay naramdaman kong kumapit siya sa gilid ng damit ko.
Hindi na ako nagsalita at kinuha ko ‘yung kamay niya saka iniyakap ko ‘yon sa bewang ko.
"Gan’yan dapat. Mamaya baka mahulog ka, kasalanan ko pa." hindi ko mapigilang mapangiti ng maramdaman kong nakayakap siya sa’kin.
Pinaandar ko na ‘yung motor.
Hindi mahigpit ‘yung pagkakayakap niya sa’kin.
Mwehehehe...
Madaling gawan ‘yan ng solusyon.
Hinaruruot ko tong motor at napahigpit na siya ng yakap sa’kin.
Para-paraan lang ‘yan dude.
Malapit lang naman talaga ‘yung pupuntahan namin pero humanap ako ng daan na mas malayo para mas matagal na nakayakap sa’kin si Winter.
Kasi sabi nga nila, kapag may chance, igrab agad!
Bwahahaha!
Isa pang paraparaan lang ‘yan dude.
Nang makarating na kami doon sa mall na dati naming pinuntahan eh bumaba na siya.
Ipinark ko rin muna saglit tong motor sa may parking lot nitong mall.
Pinuntahan ko na siya at bigla kong natawa kasi suot niya pa rin ‘yung helmet niya.
"Sigurado ka bang papasok ka ng nakahelmet sa loob? Baka pagkamalan ka nilang may dalang bomba at may balak kang pasabugin ‘yung mall." natatawa kong sabi sa kaniya kaya naman dali-dali n’yang hinubad ‘yon at nakita kong namumula siya.
Hangcuuute!
Nagblush siya!
Dapat, tinetakenote ko lahat ng araw at oras na may mga bago akong nakikitang expression sa mukha niya!
Sayang! ‘Di ko na tanda.
Napangiti ako at kinuha ko ‘yung helmet sa kaniya tsaka nilagay ko ulit doon sa motor ko.
Pumasok na kami sa loob ng mall.
Hinawakan ko ulit ‘yung kamay niya habang naglalakad kami.
Tumigil siya sa paglalakad kaya napatigil din ako at nilingon ko siya.
Nakatitig lang siya sa’kin.
"Basta! Sumama ka na lang sa’kin at wag ka ng magtanong,” sabi ko sa kaniya kasi naiintindihan ko ‘yung ibig sabihin n’ong titig niya.
Namangha naman ako sa sarili ko kasi parang naiintindihan ko na talaga.
Marunong na ako ng stare language! Yehey!
Pero hindi pa rin siya nagpapahila sa’kin kaya napatingin ulit ako sa kaniya.
Tumingin siya sa kamay naming magkahawak.
Naging malikot naman ‘yung mga mata ko.
"A-Ano kasi... Baka k-kasi... Ano... B-Baka kasi... mawala ka kaya!, kaya hawak ko ‘yung kamay mo! Tingnan mo! Andaming tao oh! (tingin sa paligid na iilan lang naman ang mga tao)".
"...Baka magkahiwalay tayo kaya hayae mo na..."
Umiwas na ako ng tingin sa kaniya dahil baka mahalata n’yang nagpapalusot lang ako kahit na mukhang halata niya na naman.
Naglakad na ulit kami at buti na lang at ‘di na siya nagreklamo.
Hirap n’yang palusutan ah.
Pumunta na kami doon sa may isang salon.
Pagkapasok namin doon ay may sumalubong sa’ming bakla.
"Ay! Ang wafu! Magpapagupit ka ba?" sabi niya.
Napatingin naman lahat sa’min ‘yung mga customer na puro babae tsaka ‘yung mga baklang nag-aayos sa kanila at...
"Hah! Wag mong sabihing kalahi kita? Wag please! Tama na ‘yung kami na lang, wag na ‘yung mga gwapong tulad n’yo... Kung hindi, mababasag na talaga ng tuluyan ang puso ko!" nagdadrama pa siya at nakahawak pa siya sa dibdib niya.
Anak ng mukhang butiking bakla!
Napagbintangan pa kong bakla dito.
`Yung mga nakatingin sa’kin mga nag-aantay din ng sagot ko.
Umiling ako doon sa mga sinabi niya.
"No. It's her. I want you to fix her hair." napatingin naman siya doon kay Winter na nasa gilid ko at napansin ko na mukhang ngayon lang niya napansin si Winter sa tabi ko.
"Ay! gan’on ba? Kala ko kasi..." nagsigh of relief naman siya.
Pati ‘yung mga nakatingin sa’kin, narinig ko na napabuntong hininga rin.
"Pero may girlfriend ka na pala. Sayang rin..." parang nanghihinayang pa siya.
Namula naman ako doon sa sinabi n’yang girlfriend ko si Winter.
Parang tumalon ‘yung puso ko.
Si Winter? Girlfriend ko?
"O sige. Ako na bahala sa kaniya. Lalagyan ko na rin siya ng light make-up para ma-enjoy n’yo ang date nyo,” sabi niya na nakangiti at pinaupo na si Winter doon sa kung saan nila pinapa-upo ‘yung inaasyusan nila.
Bago umupo si Winter ay tumingin muna siya sa’kin, nginitian ko lang siya at binigyan ng look na it's-okay-nothing-bad-will-happen-to-you.
Umupo muna ako doon sa may sofa kung saan nakaupo ‘yung mga hindi pa naaayusang mga customer.
Kumuha ako ng dyaryo at nagdekwatro ako.
Matagal-tagal din akong nag-antay.
Tumingin ako sa orasan ko.
Isang oras na pero hindi pa rin sila tapos.
Bat naman kaya sobrang tagal?
Baka paglabas ni Winter, ubos na ‘yung buhok niya.
Kumuha pa ko ng ibang dyaryo at nagsimulang basahin ‘yon.
Habang busying busy ako sa pagbabasa ng dyaryo ay may mga umupo sa tabi ko at naramdaman ko na mga nakatingin sila sa’kin ngayon kaya tumingin ako sa kanila.
Teka.
Parang kilala ko tong mga ‘to ah.
"Russell, anong ginagawa mo dito?" sabi n’ong nasa likod n’ong nasa likod n’ong katabi ko ngayon.
Ito ‘yung wrong timing kung magpakilala eh.
Sophia yata pangalan nito.
"Oo nga Russell. What are you doing here, in a girl's salon?" sabi naman n’ong nasa dulo, ‘yung maikli ang buhok sa kanila. ‘yung Kiyu.
"Did you follow us? Ahh! No, Did you follow ME?!" parang tanga naman tong katabi ko.
Ito ‘yung leader nila, ‘yung Cherry.
`Yung nanampal kay Winter.
"You're wrong Cherry. Russell did not follow you but me. Right Russell? Alam ko namang you're feeling shy lang eh but ang totoo eh you have feelings for me... Hihihi... I am very willing to accept naman your feelings eh so don't be shy to confess to me..." napangiwi naman ako sa sinabi niya.
No’ng sinasabi n’ong isang yon?
Ba't naman ako magkakagusto sa kaniya.
Spell ASA! Tapal ko pa sa mga noo nila!
Kahit isa sa kanila eh hindi ako magkakagusto.
I don't like aggressive girls...
"What are you saying Ella? He's mine and stop daydreaming!" sabi naman n’ong Cherry doon sa Ella daw.
"No. I, Kiyu is the one that is right for Russell." singit naman n’ong isa pa...
`Yung Sophia naman kung Sophia nga ang pangalan niya, hindi na alam kung paano pipigilan ‘yung mga kaibigan niya sa pag-aaway.
Dahil sa ang liligalig nila eh tumayo na ako.
"Wafu! Tapos ko nang ayusan ‘yung girlfriend mo." narinig kong sabi n’ong baklang nag-ayos kay Winter kaya napatingin ako sa kaniya.
Ngiting-ngiti siya.
Napatingin din ako doon sa katabi niya.
What the!
Am I in heaven now?
Pero dahil doon sa katabi n’yang bakla, imposibleng heaven ‘to.
Nasa earth pa rin ako pero...
Pero now, I believe that angels do really exist...
Dahil may isa ngayong nasa harapan ko.