Chapter 33

2655 Words
Chapter 33 - This is All my Fault... Again ~Winter~ Yakap-yakap ako ni Vincent ngayon at naiyak siya. Ramdam na ramdam ko ang pag-aalala niya sa’kin. "Winter, I'm sorry... I failed to protect you again... I'm sorry...” sabi niya at mas hinigpitan niya ‘yung yakap niya sa’kin. Nakatingin na sa’min ‘yung mga kaklase namin. "Ayos lang ako, Vincent." pag-aassure ko sa kaniya at yumakap lang ako pabalik. Ang mga nangyari sa’kin nitong dalawang araw na binully ako nila Kiel ay ginagawan nila ako ng kung anu-ano. Mas malala pa sa mga ginawa sa’king pambubully ni Gino noon. Isang beses ay dinala nila ako sa may lumang gym at doon nila ako pinagsisisipa hanggang sa makuntento sila pero kahit gan’on, hindi ako umiyak. "Ako? Simple lang naman ang wish ko. To never see you cry again and to never make you cry anymore." ‘yan ang napakawarm na mga salitang narinig ko mula kay Gino. No’ng araw na narinig ko ‘yan mula sa kaniya, para bang natapyas ang malaking yelong nakabalot sa puso ko. Unti-unting natunaw n’on ang lamig sa puso ko at para bang unti-unting may nagbigay liwanag sa napakadilim kong mundo. Habang nararamdaman ko ang sakit ng bawat sipa nila sa iba't-ibang parte ng katawan ko, ‘yan ang paulit-ulit na naririnig ko sa isipan ko. Ayokong umiyak dahil gusto kong tuparin ang hiling niya gaya ng pagtupad niya sa kahilingan ko na makita ang sunset. Kahit masakit, hindi ako umiyak at dahil doon ay mas lalo silang naiirita sa’kin at mas nirarahasan pa ang mga sipa sa’kin pero hindi pa rin ako natitinag. Kahit isang luha, walang pumatak sa mga mata ko. Umuwi ako sa bahay n’on na puno ng mga sugat at pasa dahil uwian na n’on n’ong ginawa nila sa’kin ‘yon. Ginagamot ko nang mag-isa ang mga sugat kong ‘yon. Ayokong humingi ng tulong sa iba. Ayokong malaman ni Gino ang nangyayari sa’kin miski ni Vincent. Ayokong idamay pa sila sa ganitong bagay. Nangyayari sa’kin ‘to dahil dapat lang. Atsaka sanay na rin ako dahil ganito rin kalala ang ginagawa sa’kin noon n’ong nasa LerimAcademy pa ko. Gusto nila akong makitang umiyak o magkaroon ng reaksyon ang mukha ko pero hindi ko sila pinagbibigyan kaya binubugbog ako ng mga babae doon. Pero ang hindi ko kinaya sa lahat ng ginawa nila Kiel sa’kin kahapon lang ay n’ong binuhusan nila ako ng dugo ng hayop. Naglalakad ako sa hallway n’on ng isaboy nila sa’kin ‘yon. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang sarili ko na balot ng dugo. Naaalala ko ang malansang amoy n’on. Katulad ng dugong nasa damit ko noon na nagmula sa katawan ng mga magulang kong pinatay ng walang habas. Nagsisigaw ako na parang isang baliw doon sa may hallway dahil parang bumalik ako sa oras na ‘yon... Pinagtawanan nila akong lahat. Ininsulto nila ako hanggang sa masayahan sila pero kahit na dinanas ko yon, hindi pa rin ako umiyak. Muntik na pero pinigilan ko dahil ayokong basagin ang pangako ko kay Gino. Ang mga ngiti n’yang ‘yon n’ong araw na sinabi niya sa’kin yon, ‘yun ang ginamit kong pangpalakas ng loob para makayanan ko ang mga ginawa nila sa’king ‘yon. "4-A! Pumunta kayo sa may lumang gym. Nakikipaglaban si Russell kina Kiel doon!" biglang pumasok ‘yung isang lalaki na hingal na hingal at isinigaw ‘yon sa’min. Napabitaw ako sa yakap ko kay Vincent kaya bumitaw na rin siya sa’kin. Aalis sana ako pero hinawakan niya ‘yung kamay ko kaya napalingon ako sa kaniya. Nakatingin siyang deretso sa mga mata ko na parang sinasabi n’yang wag na kong pumunta. Kita ko ang kalungkutan doon at pagmamakaawa pero hindi ko pwedeng gawin ang gusto n’yang ‘yon. Ayokong mapahamak si Gino dahil sa’kin. Ayokong mapahamak siya. Dahan-dahan kong inalis ang kamay ko sa pagkakahawak niya at lumabas na ako ng room na hindi siya nililingon. Sorry Vincent pero hindi ko maaatim na may mapahamak pang isang tao dahil na naman sa’kin. Dali-dali akong bumaba at pumunta ng lumang gym. Napatingin ako sa likod ko dahil parang may nakasunod sa’kin. Hindi ko inaasahan na si Vincent ‘yon. Seryoso siyang tumingin sa’kin. Tumingin na ulit ako sa dinaraanan namin. Nauuna na ‘yung iba pa naming mga kaklase. Nakasalubong namin si Sir. Roger. Sinabi n’ong mga kaklase ko sa kaniya ‘yung nangyayari sa lumang gym kaya sumama siya sa’min. Pagkarating namin doon, nakalock ‘yung pinto. Kinalampag ‘yon ni Sir. Roger pero walang nagbubukas. Hindi namin marinig kung ano ang nagyayari sa loob. Umalis siya saglit para kunin ‘yung susi nitong pinto ng gym. Medyo natagalan din siya bago makabalik. Pagbukas niya ng pinto, doon namin nasaksihan ang pagpalo ng isang lalaki sa isa pang lalaki sa ulo. Napasigaw ang lahat ng mga nakakita dahil napahiga ‘yung pinalong ‘yon. Miski ako ay napasinghap din. Nang makita namin kung sino ‘yung pinalo sa ulo ay mas lalong nagkagulo ang mga tao dito. Ako naman ay natulala at para akong binuhusan ng napakalamig na mga yelo. Si Gino. Nangatog ang mga tuhod at mga braso ko. Pakiramdam ko ngayon ay parang nalaglag ako mula sa pinakamataas na bangin. "Anong nangyari dito?!" malakas na sigaw ni Sir. Roger sa kanila. Dali-dali n’yang pinuntahan si Gino. Dahan-dahang umupo si Gino at parang hilo pa siya dahil sa pagpalo sa kaniya sa ulo niya. Nakita ko rin ang sugat sa braso niya na tatlong linyang palihis. Tatakas pa sana sila Kiel pero... "Hulihin n’yo sila at huwag n’yo silang pakakawalan!" utos ni Sir. Roger sa mga kaklase kong lalaki. Hinuli nga nila ‘yung anim at si Sir. Roger naman ay inalalayan si Gino para dalhin sa clinic. Nandito lang ako sa may pinto ng gym at nanonood sa mga nangyayari. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Si Gino... May dugo siya sa ulo niya. Muling bumalik sa’kin ang pagkatakot na naramdaman ko ng makita ko ang mga magulang ko na duguan noon. Naninikip ang dibdib ko. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko na parang napako na ako doon. Dumaan na sa harap ko si Sir. Roger na inaalalayan si Gino pero hindi pa rin ako makagalaw. Tumingin si Gino sa’kin pero hindi ako makatingin sa kaniya. Ako ang dahilan kung bakit nasaktan siya ng gan’on. Ako. Dumaan na din ‘yung iba ko pang mga kaklase na sumunod dito kasama na sila Kiel at ‘yung lima pa n’yang kasamahan. Bigla kong naramdaman na sumasakit ‘yung tagiliran ko kaya napahawak ako doon. Naalala kong doon ako nasipa nang malakas ni Kiel n’ong isang araw. Pero hindi ko ininda ‘yon kahit sobrang sumasakit ‘yon ngayon. Kami na lang ni Vincent ang natira dito ngayon. Pinilit kong ihakbang ang mga paa ko para sundan sila Sir. Roger pero dumilim bigla ang paningin ko. Wala akong makita. Nawawalan na rin ako ng balanse. Naririnig ko si Vincent na tinatanong ako kung anong nangyayari sa’kin at inalalayan niya ako sa braso ko. Hanggang sa tuluyan na talagang nandilim ang paningin ko... ~Vincent~ Kitang kita ko sa mukha ni Winter ang sobrang pagkatakot n’ong makita niya si Russell na duguan ang ulo. Nang makalabas na sila ni Sir. Roger dito sa lumang gym, napatingin ulit ako kay Winter dahil parang wala siya sa sarili niya at napahawak siya sa tagiliran niya. Mukhang may iniinda siyang sakit doon. Humakbang siya para sundan sila Sir. Roger pero parang nawawalan siya ng balanse. "Ayos ka lang ba Winter? Anong nangyayari sa’yo?" alalang-alalang tanong ko sa kaniya. Inalalayan ko ‘yung braso niya dahil para siyang nawawalan ng balanse pero nagulat ako nang bigla na lang siyang nawalan ng malay. "Winter! Winter!" panggigising ko sa kaniya pero nawalan na talaga siya ng malay. Binuhat ko siya at hindi ko alam ang gagawin ko. Wag naman sanang may masamang mangyari sa kaniya dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag nangyari yon! Dinala ko rin siya sa clinic. Tiwala ako sa mga nurse sa clinic ng school na ‘to dahil kasing galing ng mga ‘yon ang mga nasa ospital. Meron ding doctor dito. Inihiga ko si Winter sa kama na katabi ng hinihigaan ni Russell. Nang makita niya si Winter na walang malay ay umupo agad siya at bumaba ng kama niya saka lumapit dito kahit halatang hilo pa siya. "What happened to her?!" sigaw niya sa’kin. Hindi ko siya sinagot. Biglang kumulo nang sobra ang dugo ko sa kaniya. "Sir. Russell, umupo muna kayo dito sa kama n’yo para magamot ko na yang sugat mo sa ulo at sa braso mo,” sabi n’ong nurse sa kaniya. "Shut up! I don't care about that! You! I said what happened to her?!" sigaw niya ulit sa’kin pagkatapos n’yang singhalan ‘yung nurse na lumapit sa kaniya. Ang kapal talaga ng apog niya! Tiningnan ko siya ng seryoso. "You really want me to say why this happened to her? Your fault again... Your f*cking fault again bastard!" galit na galit na sigaw ko sa kaniya. Natulala siya doon sa sinabi ko. "B-But..." "Mukhang ito ‘yung naging epekto ng mga pinaggagagawa sa kaniya ni Kiel. Nakita ko siyang humawak sa tagiliran niya kanina at mukhang masakit ‘yon para sa kaniya..." paliwanag ko sa kaniya. Hindi naman siya makapagsalita. Halatang nawala na siya sa sarili niya. Nilapitan na ng isa pang nurse si Winter at ihinarang niya ‘yung kurtina kaya hindi namin makita kung anong nangyayari sa loob. Napaupo naman si Russell sa may kama niya at tulala pa rin siya. Gustong gusto ko pa ulit siyang sapakin, sipain o kaya ay suntukin nang malakas sa mukha pero pinipigilan ko lang na gawin ‘yon dahil baka ikamatay niya kapag nasuntok ko pa siya dahil sa natamo n’yang sugat sa ulo kanina. Lalabas na muna sana ako pero biglang sumilip ‘yung nurse doon sa may kurtina pero hindi ko pa rin kita ‘yung loob. "Tama ba ang narinig ko kanina na napahawak siya sa tagiliran niya?" tanong n’ong nurse sa’kin. Bigla naman parang may hindi ako magandang kutob sa tinanong niya. Bumalik na ulit siya sa loob pero n’ong narinig kong may napasinghap sa loob ay hindi na ako nagdalawang isip pa na pumasok doon. Pati si Russell ay tumayo rin para pumasok dito sa loob. Hinawi ko ang kurtina at pagtingin ko kay Winter, nakatagilid siya pero nakataas ‘yung uniform niya hanggang sa may ibaba ng dibdib niya kaya napatingin ako sa iba pero n’ong maisip ko ‘yung nakita kong malaking itim na may pagkaviolet sa may tagiliran niya ay hindi na ako nagdalawang isip na lapitan siya. Si Russell, nakatayo pa rin siya sa likod ko na nanlalaki ang mga mata sa pagkagulat sa nakita. Nanginginig kong hinawakan ‘yung tagiliran ni Winter na may malaking bilog na parang violet na... Ang laki ng pasa niya dito kumpara doon sa binti niya at braso niya. "Ano ba kayo?! Bakit kayo pumasok dito?!" sigaw sa’min n’ong nurse. May pumasok na babaeng doctor at nilapitan si Winter. "Mga mister... Lumabas muna kayo. Gusto n’yo bang makitang nakahubad ang estudyanteng ito? Gusto n’yo bang eksaminin ko ang katawan niya na pinapanood n’yo?" tanong niya sa’kin pero hindi ko pinansin ‘yung sinabi niya at niyakap ko si Winter. Hindi ko matanggap na wala akong nagawa para sa kaniya n’ong mga panahong ginagawan siya ng mga kagaguhan n’ong mga hinayupak na yon! Hinawakan na ako n’ong iba pang mga nurse para palabasin. Nakita kong wala na si Russell dito sa loob at nagawa na nga nila akong palabasin. Hindi na ako nagpumilit pa dahil ayokong matigil ang paggagamot kay Winter dahil lang sa’kin. ~Russell~ Nandito na ako sa labas ng clinic... Pakiramdam ko, bitbit ko ngayon ang buong mundo. Naglakad na kong palayo dahil kapag napapatingin ako sa loob, nasasaktan ang puso ko. Parang isang daang kutsilyo ang nakasaksak sa dibdib ko sa sakit n’on. Ang hirap huminga. "R-Russell..." Napatingin ako doon sa tumawag sa’kin. `Yung Sophia. `Yung kagroup ko sa Music and Arts namin. Kitang-kita ko ang pag-aalala sa mukha niya. Lumapit siya sa’kin at hinawakan ‘yung mukha ko pero bago niya magawa ‘yon ay hinawakan ko ‘yung kamay niya para pigilan siya. "Don't dare to touch me. I can kill a girl." malamig na sabi ko sa kaniya pero hindi siya nagpapigil. Hinawakan niya pa rin ‘yung mukha ko papunta sa gilid ng noo ko. May kinuha siya sa palda niya saglit na panyo at pinunasan ‘yung gilid ng mukha ko. Nakita ko na nagkaroon ng mga dugo ang panyo niya. "You're bleeding..." mahina n’yang sabi sa’kin at puno ng pagkaconcern ang mga mata niya. Hindi ko na siya pinansin. Iniwanan ko na lang siya doon. Wala ako sa mood na makipag-usap sa kaniya o sa kahit kanino. Puno ng kalungkutan ang puso ko ngayon at patuloy ko ring sinisisi ang sarili ko dahil sa nangyari kay Winter. Kung hindi lang sana gustong makipaghiganti ni Kiel sa’kin dahil sa ginawa ko sa kuya niya, hindi sana ‘to mangyayari kay Winter. Parang ‘yung kay Shin. Sakin rin siya galit pero ang pinagdiskitahan niya ay si Winter rin. Napadaan ako sa isang pader. Dahil sa galit na namumuo sa’kin ay sinuntok ko ‘yon nang malakas. Masakit! Napakasakit ng kamay ko at nagdudugo na ‘yon na umaagos sa pader... Pero hindi matutumbasan n’on ang sakit na nararamdaman ng puso ko ngayon. Nakaramdam ako ng pagkahilo dahil doon sa sugat ko sa ulo. Nakita ko ‘yung Sophia na papalapit ulit siya sa’kin. Mukhang pipigilan niya ko sa pagsuntok ko sa pader ulit. Nahihilo ako. Mararamdaman kong umaagos ang dugo ko mula sa ulo ko dahil hindi naman ito nagamot n’ong nurse kanina. Nang tuluyan na siyang makalapit ay napayakap ako sa kaniya dahil hindi ko na makontrol ang balanse ko. "Russell! Dadalhin na kita sa clinic!" nagpapanic n’yang sabi sa’kin saka inalalayan akong maglakad. Nadaanan namin si Vincent sa may pinto ng clinic pero seryoso lang siyang nakatingin sa’kin. Nang makapasok na kami sa loob ay pinahiga na ako ng mga nurse doon sa inuupuan kong kama kanina. Nakasarado pa rin ‘yung kurtina doon sa kama ni Winter. Nang makahiga na ako ay pinalabas na nila ‘yung Sophia na nagdala sa’kin dito at kitang-kita ko sa mukha niya ang pag-aalala. Dalawang nurse ang nag-aasikaso sa’kin ngayon. "Kamusta na si Winter? Okay na ba siya?" tanong ko dito sa kanila. "Ineeksamin pa siya ni Doktora pero hindi naman malala ‘yung kondisyon niya. Mas malala ka pa nga... Mga pasa lang naman ‘yung kaniya at mga konting bugbog na laman pero sigurado ako na makakarecover rin siya kaagad..." sagot niya sa’kin. Nakahinga ako nang maluwag doon sa sinabi niya. Pumikit na ako dahil parang ang bigat ng mga mata ko hanggang sa nawalan na ako ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD