Chapter 16

3753 Words
Chapter 16 - Cry Baby Cry ~The New Character~ Naglalakad ako papunta sa field ng Primo High. Hindi ko kasi alam kung saan hahanapin ang classroom ko at naliligaw pa ko kasi may kalawakan ang school na ‘to. Mayamaya ay nakarating ako sa isang malaking puno at doon muna umupo para magpahinga. Nakakapagod namang hanapin kung saan ‘yung classroom ko dito. Kanina pa ko paikot-ikot pero hindi ko pa rin makita. Makapagpahinga nga muna saglit tapos saka ko na hahanapin ‘yun. Kahapon pa lang ako dumating dito sa pilipinas pero pumasok agad ako dahil gustong gusto ko na talaga siyang makita. Ang babaeng iniwan ko noon. Kaso tinanghali ako ng gising kanina kaya naman lunch time na ng pumasok ako. Tumingin-tingin muna ako sa paligid pero napatingin ako sa may gilid ko kasi parang may tela akong nakita na merong kulay ng palda ng mga estudyanteng babae dito. Tumayo naman ako para tingnan kung ano ‘yon at nagulat ako kasi may babaeng nakasandal din dito sa puno. Para siyang anghel na mahimbing lang na natutulog. Tinignan ko siyang mabuti at biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng matanto ko kung sino siya. Siya nga! Hindi ako nagkakamali! Siya ang nakababata ko na iniwan ko noon! Pero may napansin ako sa pisngi niya na ipinagtaka ko. Namumula ‘yung isa pero ‘yung kabila naman hindi. Parang bakat ng kamay pa ‘yon. Lumapit ako ng dahan-dahan at umupo. Nilapit ko ang mukha ko sa kaniya para makita siya ng malapitan. Napakatagal kong hinintay ang araw na ‘to na makita ko siya ulit. Sana hindi na siya galit sa’kin dahil sa pang-iiwan ko sa kaniya noon. Habang tinitignan ko siya ay bigla n’yang minulat ang mga mata niya kaya naman napahiga ako sa gulat. Buti d**o-d**o dito kundi nagkabukol na ako. Bigla siyang tumayo na ikinatingin ko sa kaniya. Nakatingin lang siya sa’kin ngayon. Dali-dali naman akong tumayo dahil ayokong magmukhang tanga sa una ulit naming pagkikita. "A-Ahh.. P-Pasensya ka na ku—”napatigil ako sa pagsasalita nang makita ko kung pano siya tumitig sa’kin. Ibang-iba na doon sa tingin niya sa’kin noon. Nagtaka naman ako. Anong nangyari sa kaniya? Hindi kaya ... Napatigil ulit ako sa malalim na pag-iisip ko kasi bigla siyang naglakad palayo na parang hindi niya ko nakilala. Bumagsak ang balikat ko ng dumaan sa isip ko na baka hindi niya na talaga ako natatandaan pero ako, hinding-hindi ko siya nakalimutan. Inalis ko na lang sa isip ko ‘yon at sinundan ko siya kung saan siya pupunta at maya-maya ay pumasok siya sa isang classroom. Napatingin naman ako kung anong section ‘yon at tamang-tama. Ito ang classroom ko. Hindi na ako nagtaka kasi nag-enroll talaga ako sa school na ‘to at sinigurado kong nasa iisang section lang kaming dalawa. Pumasok na ako at napatingin naman sa’kin ‘yung teacher na nasa unahan at nakaupo. Napatayo naman siya ng makita ako. "Hi! I am Ms.Ledesma. You're the new student, right?" tanong sa’kin n’ong teacher. Hindi ko siya pinansin at nagtingin-tingin ako at hinahanap kung saan siya nakaupo. Nakita ko na deretso lang siyang nakatingin dito sa unahan. Mayamaya, narinig ko na ipinapakilala na pala ako n’ong teacher namin. "Class, He's our new transferee. Please introduce yourself,” sabi niya sa’kin. Pumunta naman ako sa unahan at nagsimula na kong ipakilala ang aking sarili. "I'm Vincent Fajardo. 18 years old." maikling pagpapakilala ko habang nakatingin lang sa babaeng nasa dulo. Nagtilian naman ‘yung mga babae pagkatapos kong magpakilala pero hindi ko na pinansin ‘yon at dere-deretso na kong naglakad papunta sa tabing upuan niya na bakante. Wala namang nakaupo kaya naman umupo na ako doon. Tinignan ko ang katabi ko at gan’on pa rin siya. Nakatingin lang sa unahan. Napakauseless ko talaga! Kung kailan niya ko kailangan noon ay doon ko pa siya iniwan. I'm really sorry Winter. I'm really sorry. ~Russell~ Asan na kaya ‘yung taglamig na ‘yun? Kanina pa ko paikot-ikot sa buong school pero ‘di ko pa rin siya makita. Pagod na pagod na ako eh. Naalala ko kasi ‘yung sinabi n’ong gagong Shin na ‘yon. Alam ko na may masama siyang gustong gawin kay Winter para makaganti sa’kin. Eh gago pala siya eh! He's a coward! Kailangan niya pang mandamay ng iba para makaganti sa’kin! Kaya nang maisip ko yon, hinanap ko agad si Winter sa buong school. Pumunta na ako doon sa Music room kung saan ko siya unang narinig na kumanta. Pasimple rin akong naghanap sa library. Nagulat pa nga ‘yung mga librarian kasi pumasok ako doon. Nagpunta na rin ako sa canteen at kung saan-saan pero wala talaga siya. Teka nga! Bakit ba ko nagpapagod na hanapin ang Winter na yon?! Kaya niya na naman siguro ang sarili niya. Tsk! Bahala na nga siya sa buhay niya! Kung ayaw n’yang magpahanap, eh ‘di wag! ‘Di ko naman siya responsibilidad o ano! Pumunta na ako sa classroom namin. Habang naglalakad ako, naaalala ko pa rin ‘yung pagkakasampal kay Winter kanina. Tss! Hindi ba siya marunong lumaban o depensahan ‘yung sarili niya? Hahayaan niya na lang ba na palagi siyang ginagan’on ng iba? Ano ba kasing problema ng isang yon?! Itinigil ko na ang pag-iisip ng mga tungkol sa kaniya at pagpasok ko sa classroom namin, una agad hinanap ng mata ko ay siya. Instinct? Nang makita ko siyang nakaupo na ay biglang parang nawala lahat ng pag-aalala ko. Nandito lang pala siya. Napangiti na lang ako pero napalitan ang ngiti ko ng pangungunot ng noo nang makita kong may nakaupo sa upuan ko sa tabi niya. Mukhang transferee dahil bagong mukha pero ang lalong ikinausok ng tenga ko eh titig na titig ‘yon sa kaniya. "Oh! Russell. Why are you late? Kanina pa tapos ang P.E n’yo ah." narinig kong tanong sa’kin ni Ms. Ledesma pero hindi ko na siya pinansin at naglakad ako papunta doon sa upuan ko at sa lalaking pangahas na ‘to. Pagkalapit ko doon sa pwesto nila Winter, hinarap ko ‘yung lalaking umupo sa upuan ko kaya naman napatingin siya sa’kin. Hindi na ako nagpatumpik pa at kinwelyuhan ko agad siya at itinayo. Nagulat naman siya sa ginawa ko. Hinawakan niya ‘yung kamay ko saka pilit na inaalis. "Do you know whose chair is that?" malamig kong tanong sa kaniya. Tumingin naman siya doon sa upuan saka tumingin ulit sa’kin. "Aken." maikli n’yang sagot na ikinakulo lalo ng dugo ko. Binitawan ko ‘yung kwelyo niya kaya umayos siya ng tayo pero kwinelyuhan ko ulit siya gamit ang dalawa ko ng kamay saka ko siya nilapit sa’kin. "No it's not yours. It's MINE." diniin ko talaga ‘yung mine. He just smirked. "First come, first serve. Kung dati sa’yo yan, ngayon akin na kasi ako naunang umupo." nakangisi pa ring sabi niya na ikinaputol na ng pisi ko kaya susuntukin ko na sana siya pero napatigil ako nang may magsalita. "Russell! Ano na naman ang gagawin mo? Wag mong sabihing mang-aaway ka na naman ng kaklase mo. Gusto mo bang ipaalam ko sa dad mo tong ginagawa mo?" sabi ni Ms. Ledesma kaya naman ibinaba ko na ‘yung kamay ko na dapat isusuntok ko sa gago na ‘to. Tinanggal ko na rin ang pagkakahawak ko sa kwelyo niya. "Ma'am, it's my chair to begin with! Bakit n’yo ba kasi pinayagang dito ‘to umupo eh alam n’yo naman na akin tong upuan na to?!" ngunot noong tanong ko kay Ms. Ledesma. "Ah! gan’on ba? Oo nga pala. Vincent, dito ka na lang sa isa pang upuan. Pasensya ka na ha. Nakalimutan ko pa lang na may nakaupo na dyan,” sabi naman niya dito sa ungas na ‘to na ikinangisi ko naman. Wahahaha! The VICTORY is mine! "I'ts okay Ma'am. No problem. I don't also like to sit in a chair like that,” sabi niya ng nakatingin sa’kin saka kinuha niya na ‘yung bag niya na nakalagay doon sa upuan ko. Tss! Talo ka lang kaya kung anu-ano pang sinasabi! Umupo na ako sa upuan ko at maya-maya narinig ko si ungas. "Miss? Ayos lang ba na makipagpalit ako sa’yo ng upuan?" Pagkatingin ko, nakikipagpalit siya ng upuan doon sa babaeng nakaupo sa unahan ni Winter. `Yung babae naman, tulala lang pero maya-maya ay tumango-tango ito na parang pumapayag saka tumayo at pumunta dito sa may upuan sa kaliwa ko na para sana kay ungas. Umupo na si ungas doon at tumingin muna siya sa’kin bago tumingin na ulit sa unahan. Tss! Asar talo pala ang isang ‘to! Ayaw lang akong makatabi kasi napahiya siya sa’kin. Sa bagay, ayoko rin naman siyang katabi kaya mas ayos na sa’kin ‘to. Habang minumura ko sa isip ko ‘yung ungas na yon, napatingin naman ako kay Winter. As usual, nakatingin lang siya sa unahan at may sariling mundo na naman pero parang may iba sa kaniya ngayon. Parang ang lantay niya. Pero baka imagination ko lang... Tss! Mayamaya ay kinulbit ko siya habang si Ms. Ledesma ay nagsimula ng magturo. "Oy,” sabi ko nang mahina habang kinukulbit ko siya. Tumingin naman siya sa’kin. Nakita ko na may konting pamumula pa rin doon sa pisngi niya gawa n’ong pagsampal sa kaniya kanina. Bigla kong naalala ‘yung apat na babaeng maliligalig kanina kaya tumingin ako sa mga nakaupo sa unahan. Natatandaan ko kasi na sa unahan sila lahat nakaupo. Andun nga sila at nakatingin sa’min ni Winter. Halatang naiinis ‘yung tatlo dahil kinukulbit ko si Winter. `Yung isa naman sa kanila, nakatingin lang sa katabi ko na parang nagsosorry kaya naman napatingin ako kay Winter. Nakatingin din siya doon sa isa. Tss! Mukhang may naiiba sa kanila. Habang nakatingin ako kay Winter ay bigla naman siyang bumaling ng tingin sa’kin kaya naman napatingin ako sa iba. Nagulat ako doon ah! Pero naalala kong may sasabihin nga pala ako sa kaniya kaya tumingin ulit ako sa kaniya. Nakatingin rin siya sa’kin. Mukhang alam na niya na may gusto akong sabihin. "Saan ka pumunta?" tanong ko sa kaniya habang deretsong nakatingin lang sa mga mata niya. (Silence...) Ineexpect ko na talaga na ‘di siya sasagot. "Nevermind,” sabi ko na lang atsaka yumuko na lang sa desk ko. Psh! ] Alalang alala pa naman ako sa kaniya simula pa lang n’ong P.E namin pero siya, parang hindi siya nagmamalasakit sa sarili niya. Ano ba ang dapat kong gawin sa isang ‘to para matuto siyang protektahan ang sarili niya? Gustong-gusto kong malaman kung bakit ba siya ganito pero ayoko namang itanong sa kaniya ‘yon kasi baka magmukha lang akong chismoso. Ayoko ring mangialam sa buhay niya dahil baka mag-isip pa tong taglamig na ‘to ng kung anu-ano. Mayamaya ay nakaramdam ako ng antok at sumunod n’on, hindi ko na alam kung ano ang mga nangyayari. zZZzzzZZZ.... ~Vincent~ Kaalis lang n’ong teacher namin at ngayon ay hinihintay namin ang aming susunod na subject teacher. Tumingin naman ako sa taong nasa likod ko. Nagulat ako kasi pagtingin ko, nakatingin na siya sa’kin pero nang tingnan ko siyang mabuti, parang hindi naman ako ‘yung tinitignan niya. Basta nakatingin lang siya sa unahan niya. Binasa ko ang tingin niya at wala akong makitang emosyon doon. Napakuyom ako ng kamay sa galit. Galit sa sarili ko sa pagtalikod ko sa kaniya. Kung nasa tabi niya sana ako ng mga panahong yon, hindi sana siya magkakaganito. Kung sana hindi ako pumayag na isama ako ng magulang ko sa amerika at doon pag-aralin, sana naalagaan ko siya at hindi iniwang mag-isa. Flashback... Three years ago... "Vinvin, please! Wag kang umalis! Wag mo kong iwang mag-isa. Bukas na rin ang graduation natin! Ayokong icelebrate ‘yon ng wala ka." umiiyak na sabi sa’kin ni Winter pero niyakap ko na lang siya nang mahigpit. "Wag kang mag-alala. Babalik ako. Pinapangako ko ‘yan. Hindi man kita masasamahan sa graduation natin pero babawi na lang ako pagkabalik ko,” sabi ko sa kaniya habang tinatapik ang likod niya nang mahina. Naluluha na rin ako. "Please! Hindi ko kaya kung iiwan mo ko. Diba sabi mo, ikaw ang protector ko. Kung aalis ka, wala ng magpoprotekta sa’kin. Mawawala na rin ang kaisa-isa kong bestfriend sa araw pa mismo na dapat magkasama tayo,” sabi niya habang patuloy na umiiyak sa dibdib ko. "Vincent! Tara na! Baka malate pa tayo sa flight naten!" narinig kong sabi ng Mom ko na nakadungaw sa pinto ng van. Humiwalay na sa yakap ko si Winter at kitang-kita ko ang pamamaga ng mata niya. May mga luha na rin na tumutulo sa mata ko. Tiningnan niya ko sa mga mata at kita ko doon ang sobrang kalungkutan. Tumalikod na ako para pumasok sa loob ng Van pero lumingon muna ako sa kaniya. Pagkatingin ko, tumakbo na siya paalis habang patuloy pa ring umiiyak. "Sorry, Winter..." Gustuhin ko man na wag umalis, hindi ko magawa dahil napagdesisyonan na nila Dad na doon muna kami sa America mag stay. Ngayon din kasi ang schedule ng flight namin kaya hindi na talaga ako makaka-attend sa graduation namin bukas. Habang nasa byahe kami ay sobrang kalungkutan ang nararamdaman ko. Ayoko talagang iwan si Winter dahil nangako ako sa kaniya na sabay kaming magcecelebrate ng graduation namin ng elementary, high school at college at nararamdaman ko ring may problema siya sa pamilya niya. Ako na lang ang tangi n’yang nasasandalan at nasasabihan niya ng problema at ngayong aalis na ako ay maiiwan ko siyang mag-isa. Wala siyang ibang kaibigan dahil hindi naman totoo ‘yung iba sa pakikipagkaibigan sa kaniya. Nakikipagkaibigan lang ang mga ito kasi mayaman sila Winter. Nang maisip ko ‘yon ay mas lalo kong gustong magpaiwan dito sa Pilipinas pero hindi naman pwede. Lumipas ang halos apat na taon na nasa New York kami. Wala akong kabali-balita tungkol sa kaniya pero last week nang may nareceive akong e-mail galing sa isa naming kaklase ni Winter noon. Sinabi niya sa’kin kung ano ang masaklap na nangyari sa mga magulang ni Winter na talaga namang ikinagulat ko. Nangyari pa ‘yon sa araw ng graduation namin. Nang sabihin ko ‘to kina mommy ay nahalata ko na parang may itinatago sila sa’kin. Dun ko nalaman na alam na pala nila ‘yung nangyari noon pa pero hindi nila sinabi sa’kin dahil alam nila na magpupumilit akong umuwi sa pilipinas. Nagalit ako sa kanila n’on kaya naman napilitan silang hayaan akong bumalik ng pinas. Malaki na rin naman ako at kaya ko na ang sarili ko. Habang nasa eroplano ako n’on, ninenerbyos ako kapag naiisip ko na magkikita ulit kami ni Winter. Napag-isipan ko rin na dito ko na ulit itutuloy ang pag-aaral ko at para mabalikan ko na ulit siya. Unang-unang pagkapasok ko pa lamang sa school na ‘to ay siya agad ang una kong hinahanap at ngayong nandito na ko, hindi ko naman alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya. Parang hindi na siya ‘yung Winter na nakilala ko dati. `Yung Winter na palaging nakangiti at masaya. Tinignan ko ulit siya sa likod ko pero bigla namang nag-unat ‘yung katabi niya kaya doon nabaling ‘yung atensyon ko. Sino naman kaya ang isang to? Napakayabang! Kala mo kung sino umasta! Nakita kong napansin n’yang nakatingin ako sa kaniya. "Crush mo ko?" sabi niya sabay ngisi. Tss! Hindi ko na lang siya pinansin at tumingin na ako kay Winter. "Wint—”naputol ‘yung sasabihin ko nang biglang pumasok ‘yung susunod naming subject teacher. Mamaya ko na nga lang siya kakausapin. Kapag kami na lang dalawa. Aalamin ko kung bakit nawala ‘yung dating masayahing Winter na kababata ko at napalitan ng walang emosyong Winter ngayon. *—***—* Nang uwian na, agad akong tumayo at pumunta sa upuan ni Winter sa likod ko. Nag-aayos na siya ng gamit niya at pagkatayo niya ay hinawakan ko agad siya sa kamay at hinila palabas ng classroom. Narinig ko pa ‘yung mayabang na katabi n’yang sinigawan ako pero ‘di ko siya pinansin. Humanap ako ng magandang lugar kung saan siya pwedeng dalhin at may nadaanan kaming music room kaya doon ko siya dinala. Sinara ko ‘yung pinto para walang makapang-abala sa’min. Namutawi sa’ming dalawa ang katahimikan. Nakakabingi kaya ako na ang unang bumasag n’on. "Hindi mo na ba ko natatandaan?" tanong ko sa kaniya hanang deretsong nakatingin sa mga mata niya. Nakita ko naman na parang nakikilala niya na ako pero bigla na namang nawalan ng emosyon ang mga mata niya. "Winter, ako ‘to! Si Vinvin mo! Sorry kung iniwan kitang mag-isa noon. Sorry kung kailan kailangan mo ng protector ay saka pa ko umalis!" sincere na sincere na sabi ko sa kaniya at hindi ko pa rin binibitawan ang pagkakahawak ko sa braso niya. Hindi pa rin siya nagsasalita. "Dahil ba sa nangyari sa mga magulang mo?" tanong ko sa kaniya at nakita ko ang takot sa mga mata niya. Pangungulila at matinding kalungkutan. May mga luhang unti-unting umagos sa kaniyang mga mata kaya naman niyakap ko siya nang mahigpit. "Alam kong hindi mo kasalanan ang lahat kaya please, wag kang maging ganito. Wag mong ikulong ang sarili mo dahil hindi naman ikaw ang dahilan kung bakit nangyari ‘yon. Halos apat na taon na ang lumipas kaya wag mo nang sisihin ang sarili mo..." naluluha ko na ring sabi sa kaniya. Halos apat taon n’yang sinisisi ang sarili niya sa pangyayaring yon! Lalo akong nagagalit sa sarili ko dahil sa mga taong ‘yon ay wala man lang akong nagawa para tulungan siya! Para sabihin sa kaniya na wala siyang kasalanan. Ayoko ng makita siyang nagkakaganito. Kaya naman mas lalo ko siyang niyakap pero nagulat kami parehas ng may magbukas ng pinto at kasunod n’on ay may biglang naghiwalay sa’ming dalawa sa pagkakayakap at pagkatapos ay may sumuntok sa mukha ko kaya naman tumalsik ako sa sahig. Nalasahan ko ang dugo sa labi ko. Bago pa man ako makatayo ay nakalabas na ‘yung sumuntok sa’kin habang hawak si Winter sa braso niya. Susundan ko pa sana sila pero nahilo ako doon sa suntok na natamo ko. Sigurado akong ‘yung mayabang na katabi ni Winter ‘yung sumuntok sa’kin dahil nakita ko ‘yung mukha niya bago sila lumabas ng pinto. Tumayo ako ng mawala na ang hilo ko at lumabas ako pero hindi ko na sila makita. Nagsimula na akong tumakbo ako para hanapin silang dalawa. Si Winter lang pala. ~Russell~ Nakakabwisit talaga ang isang yon! Sino naman kaya siya para yakapin nang gan’on si taglamig? Hindi ko alam kung ano ‘yung ginawa ko kanina. No’ng nakita ko kasi na yakap-yakap niya si Winter ay nagdilim talaga ang paningin ko kaya ko siya sinuntok. Sinundan ko kasi sila papunta sa music room. Narinig ko rin ‘yung sinabi ni ungas tungkol sa pag-iwan niya kay Winter. Mukhang dati pa sila magkakilala. Kaasar talaga! > Ngayon ay hawak ko sa braso si Winter at naglakad kami papunta sa may field. Dun ko siya dinala sa may parteng hindi dinadaanan ng tao. Nang nandon na kami ay binitawan ko na ang braso niya at hinarap ko siya sa’kin. Nakayuko lang siya ngayon. Mayamaya ay inangat niya na ang ulo niya. Medyo basa ng luha ang mga mata niya pero wala pa ring emosyon doon. Magtatanong na sana ako sa kaniya pero bigla siyang naglakad paalis. Sinundan ko naman siya at naglakad ako papunta sa harapan niya saka ko siya hinawakan sa braso pero napatingin naman ako doon sa braso niya na hawak ko kanina. May namumulang bakat ng kamay doon. Masyado atang mahigpit ang naging paghawak ko sa kaniya nang dalhin ko siya dito. "Tsk." palatak ko saka ko hinimas ‘yung parte n’ong braso niya na namumula... Hinipan ko pa ‘yon dahil sa tingin ko ay mahapdi ‘yon. Bigla naman siyang tumingin kaya napatingin rin ako sa kaniya. May mga luha nang tumutulo sa mga mata niya. Napatulala naman ako sa kaniya. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Nang makabawi ako.. "O-Oy! B-Ba't ka umiiyak? Masyado bang masakit ‘yung pagkakahawak ko sa braso mo? ‘Di ko naman ala—”Napatigil ako sa sinasabi ko kasi bigla siyang sumandal sa dibdib ko at doon umiyak nang umiyak. Rinig ko ang mga pigil na hikbi niya at hindi ko naman alam ang gagawin ko. Hindi makapagloading ‘yung utak ko sa nangyayari ngayon. Si Winter ba talaga tong umiiyak sa dibdib ko? Hindi ako makapaniwala. Huminga ako nang malalim para bumalik na ako sa sarili ko. Ang ginawa ko na lang ay dahan-dahan kong nilagay ang mga kamay ko sa likod niya saka siya niyakap. Hindi ko alam kung bakit ‘yun ang ginawa ko. Hindi naman kasi ako marunong magcomfort ng tao. Naramdaman ko na lalo siyang umiyak. Dahil sa pag-iyak niya na ‘to ay parang naluluha na rin ako. Nakakahawa ‘yung pag-iyak niya. "It's okay. Let it all out,” sabi ko na lang sa kaniya habang patuloy pa rin siyang umiiyak. I can feel her sadness and pain. Parang napapasa niya sa’kin ‘yon pero ayos lang. Basta mailabas niya lang ang lahat ng sama ng loob niya. Sa narinig ko kanina sa pinag-uusapan nila, mukhang ‘yung ungas na ‘yun ang nagbukas ng ganitong side niya. Mukhang may alam rin siya kung bakit naging ganito si Winter. Ngayon, parang gusto ko nang malaman ang lahat sa nakaraan niya para maintindihan ko kung bakit siya nagkakaganito. Ayokong maging parang isang tanga na nanghuhula lang kung ano ba talaga ang meron para itago niya ang mga emosyon niya. Hindi ko man alam kung bakit… pero gusto kong malaman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD