Chapter 5

2162 Words
Chapter 5 - Interesting Kinabukasan... ~Tagapagsalaysay~ Nagising na si Winter na nasa bahay niya na at nakahiga siya sa kama niya. Napatingin pa siya sa paligid para siguraduhing kwarto niya nga talaga ‘yon at ‘di naman siya nagkamali. Hindi niya alam kung papaano siya napunta doon at sino ang nagdala sa kaniya doon pero hindi niya na inisip pa ‘yon. Tumayo na siya at naglakad palabas ng kwarto niya. Parang nakalimutan niya na rin ang lahat ng nangyari n’ong gabing iyon. Bumalik siya sa normal n’yang sarili. Walang mababakas na ano mang emosyon sa mukha lalo na sa mga mata niya. Para bang dahil sa napakarami n’yang masasamang ala-ala ay isa lamang ang pangyayaring ‘yon sa mga minor na nangyari sa kaniya kaya hindi niya na iyon inintinding mabuti. Nakita niya ring may mga bago na siyang gamit at uniform na nakalagay sa may sala niya pero hindi niya na inisip o inalam kung kanino galing ‘yon. Ang mahalaga ay may mga bagong gamit na siya. Naligo na siya at nag-ayos na siya saka sinuot ang bagong uniform niya. Pumasok na siya kahit late na. *—***—* ~Bully~ Vacant time na namin at malapit nang magtime para sa susunod na subject. Bored na bored ako ngayon dito na nakaupo sa upuan ko. Tiningnan ko naman si bangs sa kanan ko. Deretso lang na nakatingin siya sa unahan. Tss! Para talagang may sariling mundo ang isang ‘to! Nabalitaan ko kahapon na may nagkulong daw sa kaniya sa may C.R ng girls hanggang umaga. Ipinagtaka ng lahat na pumasok pa rin siya na nakauniform at may bagong bag. Ang sabi, ‘yung bag niya na gamit niya noon na naglalaman n’ong mga gamit niya eh nandon nakalutang sa may pool pati ‘yung mga gamit niya at ‘yung pang P.E niya eh ginutaygutay at itinapon lang sa tapat ng locker niya. Mukhang may ibubuga talaga tong isang ‘to. Mas maganda na rin ‘yung hindi siya agad nagtransfer out para naman machallenge ako. Mas titindihan ko pa ang mga gagawin ko sa kaniya pero ‘di naman ‘yung sobra sobra. Kung baga parang maglelelevel 2 lang ako o 3. Pataas ‘yan ng pataas habang tumatagal para exciting. Tingnan ko lang kung kaya niya pa ring idisplay sa’kin yang expressionless n’yang mukha! Napangisi ako sa naisip ko. May nahagip ang mga mata ko sa sahig kaya naman tiningnan ko ‘yun at crumpled paper lang pala. Ting! (Light Bulb ulit) Bwahahahaha! May evil plan na naman akong naisip. Pero mild lang ‘to. Syempre, uunti-untiin ko nga muna siya para masaya , ‘di ba? Tumayo ako at lumapit ako doon sa isa kaklase namin na nagsusulat. Assignment siguro ‘to para sa next subject. Hapit na hapit ang gago eh! Hinablot ko ‘yung notebook niya. "Ano ba! Bakit mo ba—” Napatigil siya sa pagsigaw nang makita niya kong cold na nakatingin sa kaniya at hawak-hawak ko ang notebook niya. "Pahiram muna saglet, pwede ba?" bored na tanong ko sa kaniya habang pinapakita ko sa kaniya ‘yung notebook niya.. "A-Ah... O-ok l-lang." pautal-utal na sagot niya. Umupo na ako sa upuan ko dala ang notebook na hinablot ko. Wala akong notebook dahil wala namang laman ‘yung bag ko kaya nanghablot na lang ako. Pumilas ako ng tatlong pages sa unahan n’ong notebook na ‘to at isa-isa kong kinuyumos. Narinig ko pa ngang parang may umangal dahil doon sa pagpilas ko at tiningnan ko kung sino ‘yun. `Yung may-ari pala. Tiningnan ko siya ng masama kaya yumuko na lang siya at nanlulumong tumingin na ulit sa unahan. Pakialam ko sa kaniya! Pasensya siya dahil siya lang ang may nakalabas na notebook na nakita ko. Nang makakuha na ako ng tatlong page na papel ay inihagis ko na ‘yung notebook sa sahig. ‘Di ko na kasi kailangan. Dali-dali naman yong pinulot n’ong may-ari at nanlulumong tiningnan ‘yung notebook niya na may mga pilas sa unahan. Nevermind. Kinuha ko ‘yung isang nilumukos kong papel ko at binato ko ‘yon kay bangs nang malakas. "Woooooh! Sapul sa ulo! Wahahaha!" tuwang tuwang sabi ko. Nagsitinginan naman ‘yung mga kaklase namin dahil sa ginawa ko. Binato ko ulit siya at tinamaan siya sa pisngi niya. Wahahahah! Ang sarap pala nito! Nakakawala ng boredom. Hindi pa rin siya natitinag sa pagkakatingin niya sa unahan. Ibabato ko na sana ‘yung natitirang kong papel pero may bumato na rin sa kaniya. `Yung isang babae naming kaklase. Ngiting tagumpay naman siya kasi tumama ‘yon kay bangs. Nakigaya rin ‘yung dalawa pang babaeng malapit sa kaniya at doon ay halos lahat na ng mga kaklase namin ay pinagbabato na siya ng papel. Hindi naman ako tinatamaan kasi iniurong ko ‘yung upuan ko palikod para mas mabato nila nang maayos tong bangs na ‘to. Subukan lang nilang tamaan ako kung hindi sila ang tatamaan sa’kin! Puno na nga ‘yung upuan niya ng mga crumpled papers. May iba, iba na ‘yung binabato, notebook na at ‘yung iba naman eh makakapal nang libro nila. Tinamaan nga siya n’ong dulong gilid ng isang makapal na libro sa may gilid ng ulo at nakita kong may dugong umagos sa gilid ng pisgi niya pero hindi masyadong visible dahil natatakpan na ‘yon ngayon ng buhok niya. Nakangisi ko siyang tiningnan pero hindi pa rin talaga siya natitinag. Nagsisigawan pa ‘yung iba habang nakikibato sa kaniya. Halatang mga enjoy na enjoy! May bumabato na rin ng ballpen, lapis at kung anu-ano pa. Baka mamaya, ‘yung bag na nila ‘yung ibato nila sa kaniya dahil sa pag eenjoy nila masyado. Pumasok na ang susunod na teacher namin kaya tumigil na sila sa pagbato sa kaniya. Pinapulot naman ng teacher namin sa kaniya ang sandamakmak na papel at ‘yung mga iba pang bagay na binato sa kaniya. Mukhang hindi napansin n’ong teacher na ‘yon na may dugo si bangs sa pisngi. Tumayo na siya at walang sabi-sabi'y sinunod niya ang utos n’ong teacher namin. Umupo siya sa may baba ng upuan niya at nagsimula nang pulutin ‘yung mga ibinato sa kaniya. Habang nagkaklase kami ay namumulot siya ng mga papel. Hindi ko maiwasang panoorin siya habang ginagawa niya ‘yon. Napatingin ako doon sa pisngi niya. Umaagos doon ang dugo. Mukhang malaki ‘yung sugat na natamo niya dahil doon sa pagkakatama n’ong libro sa ulo niya kanina. Bigla akong natauhan sa mga iniisip ko. Ano bang pakialam ko kung may sugat siya? Wala akong pakialam sa kaniya kahit ano pa ang mangyari sa kaniya! Nagulat ako nang bigla rin siyang tumingin at tumitig sa’kin. Nakita ko naman yang mga mata niya. Walang kaemo-emosyon. Ni hindi nga siya naiiyak o kaya nagagalit sa ginawa namin sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit hindi ko maialis ang tingin ko sa mga mata n’yang ‘yon. Parang akong nahihypnotize! "Ms. Vasquez! Bilisan mo na dyan sa pagpulot n’yang mga papel para makaupo ka na!" biglang sabi n’ong teacher namin kaya naman si bangs ay nagpatuloy na ulit sa pagpupulot. Naalala ko ‘yung mga mata niya. ‘yung tingin niya sa’kin. Tss! Weird! (Lunch Time) Papunta ako ngayon sa Canteen para bumili ng pagkain dahil lunch namin ngayon. Lahat ng nadadaanan kong babae, napapatulala sa’kin. `Yung iba, mga nagsisilayuan na lalo na ‘yung mga lalaki. Okay. So much attention again. Nagderederetso na ako sa Canteen at pagpasok ko, ang daming tao pero hindi naman sikisikan kasi maluwag naman dito. As in sobrang luwag na may iba't-ibang klase ng cuisine na nakahain. Puro pagkain dito pero may maluwag naman na kainan sa gitna nito na puro upuan at lamesa. Naglakad ako papunta doon sa table na kung saan ay ako lang ang pwedeng umupo pero bago ako makalapit doon ay may nauna nang umupo sa’kin doon na ikinakunot ng noo ko. Babae ‘yon at nakatalikod siya sa’kin ngayon habang nakaupo at kumakain sa table KO. Napansin kong napatigil ang lahat sa mga ginagawa nila. Lahat nakatingin lang doon sa babae na ‘yon. Lalapit na sana ako para makita kung sino ang pangahas na ‘yon na umupo sa trono ko pero may apat na babaeng lumapit sa kaniya. "Hoy! Anong ginagawa mo dyan sa Oh so sweet na upuan ng Russell namin ha!" sigaw n’on sa kaniya. Maikli ‘yung buhok n’ong babae at maarte. "That's right! Ang kapal naman ng mukha mong umupo dyan acting na you're like you're just eating in some kind of what you call kerindarye in the poor world. Hindi mo ba alam kung what will happen sa’yo because of what you did na yan?" sabi pa n’ong isa na inis na inis. Blondee ‘yung buhok n’ong babae na ‘yon at maarte rin. Napatingin naman ako doon sa babae pero tuloy pa rin siya sa pagkain niya na parang wala siyang naririnig. Acting like there are no witches near that want to kill her now? Hah! Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon! My name was mentioned pero hindi pa rin natinag ang isang yon?! Impossible! "Hoy! We are talking to you b*tch! Why are you not answering?! Bingi ka ba?!" masakit sa tengang sigaw naman n’ong isa pa sa kanila na isa pa ring maarte. Sinusubukan naman siyang pigilan n’ong isa pa sa kanila na kanina pa tahimik at mukhang hindi naman siya maarte. Nagsisimula nang magkumpulan ‘yung mga nakain dito sa canteen. Mga excited na excited sila sa nangyayari ngayon. Hindi naman nila hinarangan ‘yung pinapanood ko ng makita nila akong nakatayo dito. Nakita kong tumayo ‘yung babae doon sa upuan KO at hawak niya ‘yung pinagkainan niya saka dinaanan lang ‘yung apat na parang hindi sila nageexist. Lumadlad naman ang mahaba n’yang buhok na nakatago sa sandalan n’ong upuan kanina. Parang kilala ko na kung sino ‘to ah. Siya lang naman ang kaisa-isang estudyante sa school na ‘to na hindi natatakot pag binabanggit ang pangalan ko. Napatigil ako sa pag-iisip nang biglang hinabol n’ong tatlo doon sa apat na babae si bangs saka siya sinabunutan at pinagtulungan. Nalaglag ‘yung hawak n’yang pinagkainan. `Yung isa naman, parang hindi na alam kung ano ang gagawin para awatin ‘yung mga kasama niya. Naghiyawan naman ‘yung mga nanonood. Kala mo, mga nanonood ng laban ni Pacquiao kung maghiyawan. May mga pumapalakpak pa saka pinagbabato sila ng mga pagkain. May spaghetti, mga gulay, kanin, burgers at iba pa na nasa menu ng canteen kaya mukha na silang bundok ng pagkain. Pati ‘yung mga nasa lalagyan pa lang na hindi pa nagagalaw eh inihagis na sa kanila. Napangisi na lang ako sa nakikita ko. Bigla namang may dumating na mga Faculty teachers at inawat silang apat. Dumating din ‘yung Principal kasunod n’ong mga teacher. "What happened here?!" sigaw niya doon sa apat. Hindi naman sumagot ang ni isa sa kanila. Tumingin naman ‘yung Principal doon sa isa pang gusto sanang umawat kanina pero yumuko lang siya. Parang paiyak na nga eh. "Girls! Go to my Office! NOW!" malakas na sigaw niya na ikinatakbo n’ong mga audience kanina. Ako, nakatayo pa rin ako dito at nakatingin lang kay Bangs. Gulo-gulo na ‘yung buhok niya at meron ring mga kalmot sa mukha niya. Kita ko na nga rin ‘yung noo niya kasi nahawi ‘yung bangs niya. Ang dumi-dumi ng damit niya kasi may mga mantsa ng mga pagkain doon na ibinato sa kanila kanina. I smirked when I saw her expression. It did not change samantalang ‘yung mga nanabunot sa kaniya, kung makaiyak, kala mo sila ‘yung mga sinabunutan at pinagtulungan. Ganon pa rin siya. Hindi nagbago maging ‘yung mga mata niya, ni walang luhang pumatak kahit isa. Tsk! Akala ko, vulnerable ang mga babae sa mga ganitong sitwasyon na napagtulungan sila. `Yung tipong magngangangalngal sila at iiyak ng isang balong luha dahil sa ginawa sa kanila pero napatunayan kong hindi pala. Some of them are not at isa na sa kanila tong Bangs na ‘to. Pagkatapos n’ong cat fight scene na ‘yon ay naglakad na sila papunta sa may Principal's office. Umalis na rin ako sa may doon at nagpadrive sa Driver ko papuntang Restaurant para doon kumain. Nawalan na kasi ako ng ganang kumain doon sa canteen na ‘yon. Habang nasa kotse ako, naisip ko ulit si bangs at ‘yung itsura niya kanina. Hmm.. I think she really is interesting.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD