Agad akong nagtago nang paparating na sila Zero. Ang daming sasakyan na pumunta sa direksyon namin. "F*ck! Hurry!" Sigaw nila at agad inilagay si Clint sa stretcher. "My Car!" Napatingin ako sa babaeng may-ari ng sasakyan. Nanlulumo itong nakatingin sa kotse niyang natupok na ng apoy. Hintayin mo lang babayarin ko rin yan Miss. Naglakad na ako papunta sa big bike ko at sumakay. Susunod ako sa hospital. Tinignan ko ang GPS. Sinunod ko lang ang direksyon niya. Pinilit kong pinakalma ang sarili ko. Pagdating ko sa hospital. Maingat akong naglakad papasok, tinanggal ko na ang suot kong wig at maskara pero ginamit ko ang hood ko para pagtakpan parin ang mukha ko. Dali-dali kong sinusundan ang GPS ko. Napatago ako nang makitang maraming bantay sa labas, mga armado. Nasa labas sila Zero at

