"Baby Clint! What happened to you?" "Baby! Who did this?" "Gosh! Your precious face!" "Tell us baby!" Naalimpungatan ako sa ingay. Mukhang tinotoo nga niyang papasok na siya ngayon. Hindi ko namalayang nakatulog na'ko. Wala pa kasing masyadong tao kanina. "Good morning Miss Astig!" Kinusot ko ang mata ko at nginitian siya. Ang lawak ng ngiti niya at halatang good mood kahit na may pasa ang mukha niya at benda pa ang ulo at braso niya. "Good morning din. Good mood ah," nakangising sabi ko. Dapat pa ngang nasa hospital pa siya ngayon pero nagpumilit na talaga siyang lumabas. "Syempre, nakita na kita 'e." Tumawa lang ako sa sinabi niya. Nitong mga nakaraang araw, napapadalas siyang maging sweet sakin. Hinayaan ko na lang, ngayon masasabi kong mas naging malapit pa kami sa isat-isa.

