Rain POV
"Aray!" Napatayo ako nang may pumalo sa 'kin. Nalilitong napatingin ako sa paligid ko. Nasa loob na ako ng kwarto ko habang masamang nakatingin sa 'kin si Master.
"Ikaw na bata ka! Hindi ka ba nag-iisip! Muntik ka ng mamatay kanina," napasimangot ako sabay kamot sa parteng pinalo niya. Ang sakit eh.
"Eh Master, niligtas ko lang naman po si Master Mel at saka may mga baril po kasi 'yung mga lalaki."
"Kahit na! Tandaan mo Rain wala akong tinuro sa iyong magpakabayani ka! Kung hindi mo kaya humingi ka ng tulong."
"T.O.B rule No.5: Don't be weak when emergency came, just do your best to win---Aray!" Pinalo na naman kasi ako ni Master gamit ang baston niya. Nasa rules naman kasi 'yun ng Temple of Best.
"Sumasakit ang ulo ko sa iyong bata ka!" Naiiritang sigaw niya at napahawak pa sa ulo.
"Sorry naman po Master, gusto niyo masahe?" Nakangiti kong sabi sabay lapit sa kaniya.
"Sige na nga, medyo napagod din ako sa byahe." Napangiti ako at sinimulan na siyang imasahe. Matagal ko na rin itong ginagawa sa kaniya tuwing pagod siya. Matanda na rin kasi si Master hindi lang halata kasi malakas at magaling pa rin siya sa pakikipaglaban.
"Master, bakit pala hinahanap ako noong mga lalaki? Lalo ‘yung leader nila na pumunta na rito noon. At pati 'yung chip ba 'yun?" Napaiwas siya ng tingin.
"Master? May alam ka po ba?" Tanong ko ulit.
"Hindi ko alam Rain," napabuntong-hininga siya. "Pero maaaring ang mga lalaking 'yun ay konektado sa tunay mong pamilya. Kaya ako tumanggi sa alok nila noon sa investment dahil nalaman kong pinuno ng isa sa mga sindikato si Jaxon Suarmart." Tunay kong pamilya? Matagal ko na silang gustong makita.
"Nasan na pala ‘yung mga lalaki Master?" Tanong ko ulit.
"Ano ang T.O.B rule No.7?" Nahihiwagan man ako sa taliwas niyang sagot. Sinagot ko pa rin ang tanong niya.
"Some questions have no answer, seek by your own," napangiti siya.
"Matalino ka talagang bata. Kaya yan ang dapat mong gamitin para makaligtas ka sa mundong ito." Tinitigan ko lang si Master, maaring kaya niya hindi masagot ang tanong ko dahil patay na ang mga lalaking ‘yun. Hindi man itinuro sa akin ang pagpatay pero marami na rin akong naririnig galing sa mga dayuhan kapag nasa bayan ako. Na ang grupo ni Master ay pumapatay ng mga taong gumagawa ng kasamaan o maging may balak na gumawa ng masama. Tototo man ‘yun o hindi? Hindi mababawasan ang respeto ko sa kanila.
"Para ka namang nagpapaalam Master." Tinitigan niya akong mabuti sabay hawak sa balikat ko.
"Rain, makinig ka hindi habang buhay makakasama mo ako at nandito ka sa isla. Darating ang araw na aalis ka rin dito at pagnangyari 'yun lagi mong tatandaan ang mga tinuro ko sayo maliwanag?" Napatango nalang ako. Sobrang tagos sa puso ang mga sinabi niya. Alam ko naman sa sarili kong gustong-gusto kong lumabas dito sa isla para makita naman ang itsura sa labas pero bakit ngayon sa mga sinabi ni Master. Parang ang bigat sa dibdib.
"Master, kahit makulit ako at minsan hindi ako sumusunod sa utos niyo pero tandaan niyo po lahat ng mga turo niyo ay isinasaisip at isinasapuso ko."
"Napakaswerte namin sa iyong bata ka. Ang pagkupkop namin sayo ay isa sa pinakatamang desisyong nagawa ko sa buong buhay ko." Hindi ko napigilan ang pagpatak ng luha ko sa sinabi niya.
"Pinapaiyak mo ako Master!" Nakasimangot kong sabi sabay mahinang suntok sa kaniya.
"Hahaha, ang baby girl talaga namin iyakin!" Napanguso ako.
"Master naman eh!" Niyakap niya ako. Wala man akong masabing mga magulang pero sa puso ko. Si Master na ang nanay at tatay ko. Sa kanya ko naramdaman ang pagmamahal ng tunay na magulang at lahat ng taong nasa Green Island ay itinuturing kong pamilya.
"Magpahinga ka muna," ngumiti ako at bumalik na sa higaan ko. Madilim na kasi sa labas at inaantok na rin ako.
Grand Master POV
"Master, napasagot na namin sila. Tama ang kutob niyo padala sila ng mas malaking organisasyon na matagal nang naghahanap kay Rain." Napabuntong-hininga ako.
"Tinapos narin namin sila, wala kaming pagpipilian Grand Master." Nilingon ko sila. Kay tagal ng panahon mula nang gumalaw ang grupo, ngayon nalang ulit.
"Naiintindihan ko, kapag nalaman nila ang lugar na ito. Mas maraming mapapahamak, siguro nga ito na ang tamang panahon para umalis siya sa lugar na ito."
"Pero Master, sinabi niyo na po ba ang totoo sa kanya?"
"Hindi, hahayaan kong siya mismo ang tumuklas sa kapalaran niya." Hindi ko pangungunahan ang kapalaran niya. Malakas ang pakiramdam ko, na kahit itago ang isang lihim sa kailaliman ng lupa, sisingaw at sisingaw pa rin ito.
Third Person POV
Nakayukong mabilisang naglalakad ang isang lalaki. Mababakas ang takot at pagkabahala sa mukha nito. Pagdating sa hallway ay palingon-palingon pa ito, nakahinga ito nang malalim nang walang makitang studyante. May pagtataka man ay ipinagpatuloy niya ang mabilisang paglalakad. Sobrang tahimik ng Stanford University.
Napatigil lang ito sa paglalakad nang may mabangga siya. Namutla ito nang mapagsino ang mga kaharap.
"Where are you going?" Nanginginig ang kamay nitong biglang napaluhod.
"I'm sorry Masters! Please forgive me!" Napangising parang demonyo ang mga kaharap.
"We were not god's to easily forgive." Kasabay ng kanilang pagtalikod ay sa isang iglap biglang naglabasan ang iba pang studyante sabay suntok at sipa sa kaawa-awang lalaki.
"Bagay lang yan sayo!"
"You try to hurt our prince!"
"Just die!"
Habang walang sawang binubugbog at pinagsisipa ng mga kalalakihan ay pinagbabato naman ito ng kung ano-anong bagay ng mga kababaihan.
Walang nagawa ito. Punong-puno ng galit ang puso niya hanggang sa tuluyang magdilim ang paningin niya.
And this how F.G.H treat their prey.
Pinanunuod lang ng apat na lalaki ang kaguluhang nangyayari sa baba. Nasa ikatlong palapag sila ng gusali.
"Dwight, sapat na ba yan bilang parusa niya?"
"Hindi pa sana eh, pero anong magagawa ko. Bagsak na."
"Tsk, 20 minutes lang itinagal brad."
"Next time siguro baka mag-eenjoy na tayo."
"Don't expect too much." Parehong napangisi sila habang papalayo si Zero.
"It's pustahan time!"
Rain POV
Isang linggo na ang nakalipas mula noong nangyari ang pagsugod dito sa isla pero gumugulo pa rin ito sa isipan ko. Gusto kong malaman kung bakit hinahanap nila sa akin ang isang chip, na wala naman talaga sakin.
"Rain, gusto ka raw makausap ni Grand Master." Oo nga pala Grand Master ang tawag nila sa kaniya. Ako lang ang hindi, kasi itinuturing niya ako bilang tunay na anak.
"Sige po Master Jin," ngumiti siya pero hindi umabot sa mata niya.
"Master Jin, may problema po ba?" Tanong ko.
"Wala Rain, sige na pumunta ka na dun at kanina ka pa niya hinihintay," ngumiti ako at yumuko muna. Ano kayang sasabihin ni Master? mukhang sobrang importante naman.
Pagdating ko sa office niya. Agad na'kong kumatok.
"Master, andito na'ko!" Agad niya naman akong pinagbuksan.
"Maupo ka muna."
"Sobrang seryoso ng atmosphere ah!" Hindi ko napigilang sabihin. Nakatalikod si Master sa 'kin habang nakatingin sa isla.
"Rain, importante ang mga sasabihin ko sayo ngayon. Kaya makinig kang mabuti," nawala ang ngiti ko.
"May problema po ba Master?"
"Nalaman namin na ang mga lalaking sumugod dito ay membro ng isang mafia organization. Hindi ka na ligtas dito sa isla Rain. Kaya napagdisisyunan ko at ang council na kailangan mo munang umalis dito at mamuhay sa totoong mundo."
"Pinapaalis niyo na po ba ako Master? May nagawa po ba akong kasalanan?" Hindi ko napigilang mapaluha.
"Wala kang nagawang kasalanan Rain. Ito lang ang naisip naming paraan para sa kaligtasan mo."
"Kaya aalis na ako dito sa isla?" Tumango siya.
"Hindi mga pangkaraniwang tao ang mga naghahanap sayo. Maiimpluwensiya sila, maaring napigilan namin sila ngayon sa paghahanap sayo pero baka sa susunod madetect na nila ang Green Island."
"Pero wala naman akong kasalanan sa kanila. Bakit kailangan kong magtago?"
"May mga bagay na wala pang kasagutan sa ngayon pero malay mo. Sa pag-alis mo dito sa isla. Ikaw mismo ang makatuklas sa mga katanungan mo."
"Salamat sa lahat Master. Tatandaan ko po ang mga turo niyo. Tinatanggap ko ng taos puso ang inyong pasya. Gagamitin kong paraan itong pag-alis ko dito sa isla upang malaman ko ang tunay kong pagkatao. Kung sino ba talaga ako."
"Ganyan nga Rain may tiwala ako sayo. Ibang-iba man dito sa isla ang mundong tatahakin mo. Alam kong makakaya mo itong lampasan. Malakas at matalino kang bata kumportable akong sapat na ang mga naituro namin sayo para harapin mo ang totoong mundo."