Chapter 5

1329 Words
Dwight POV Napatigil kami sa paglalakad nang may sumigaw. Kasabay nang paglingon namin, ang pagkahagis ng isang kahoy. Hindi ko maalis ang tingin ko sa babaeng nakasombrero. Sayang at hindi ko makita nang malinaw ang mukha niya. I examined her body features. Maputi, matangkad, cocacola shape, short hair. Mukhang may laban siya sa mga flavor of the week ko. Pwede! "Wow, nakita niyo ‘yun? Sinangga niya ‘yung kahoy," tuwang-tuwang papuri ni Clint. Lalo akong humanga nang pigilan niya ang atake ng mga studyante. The heck! It's the first time that I want to stop the students. Para lang siyang naglalaro sa kakaiwas at salag sa mga atake nila. Is she a gangster? This girl, looks like a fighter. Interesting. Inayos niya ang sombrero niya nang nagsibagsakan na lahat ng mga ginamit nila sa paglaban sa kaniya. s**t! sobrang astig niya. Tinulungan niya 'yung babaeng nakatapon ng juice sa damit ni Zero. Diretso lang siyang naglakad na parang hindi kami nakikita. Nang palampas na siya sa amin. Hindi ko napigilan ang sarili ko para sana hablutin ang sombrero niya pero ang bilis ng pangyayari. Naramdaman ko nalang ang pagbagsak ko. Rain POV "Ituro mo sa akin kung saan ang clinic at dadalhin kita doon." Nilingon ko ang babae ng hindi pa rin siya nagsasalita. Mukhang gulat pa rin siya sa nangyari. Lalo na ‘nong ibinalibag ko 'yung isang lalaki. Reflexes ko lang naman 'yun hindi ko naman sinasadya. Bigla ba naman kasing sumugod sa likod ko. Kasalanan na niya. Siguradong masakit katawan ‘non ngayon, hindi ko na kasalanan 'yun. "Diyan, liko ka pakanan." Naituro niya pa ito bago siya nawalan ng malay. Hinayaan ko nalang hindi na siguro kinaya pa ng katawan niya. Pagdating namin hindi ko mapigilang mamangha. Ang ganda kasi at ang sosyal. Agad namang lumapit sa amin 'yung nurse. "What happened Miss?" "She's been bullied by the students," simpleng sagot ko. Gulat naman siyang napatingin sa akin. Tinitigan niya pa akong mabuti. Iniwas ko naman ang tingin ko sa kaniya. "Wow! You're the first student here that save someone bullied by the authority of F.G.H." "Huh? Impossible?" Kitang-kita ko sa mukha niya ang pagkamangha. "Hindi ako nagbibiro Miss, ikaw palang talaga. Every students here never involve their self to what F.G.H victim. They never help." "What is F.G.H mean?" Kanina ko pa kasi yan naririnig, hindi ko naman alam kung anong kahulugan. "Hindi mo talaga sila kilala Miss?" Hindi makapaniwalang napatingin siya sa akin. "Bakit artista po ba sila?" Napatawa naman siya. "You really don't know them. They are the famous boy band here in Stanford University. And much more they are the heir of the different richest families in Asia." Napanganga ako. "Talaga po? Edi patay ako?" Naaawang tumango siya. "Talagang patay ka!" Tumingin ako sa relo ko. Lagot ako. "Late na po ako sa klase ko. Pakibantayan nalang po siya." "Teka!" Hindi na ako lumingon pa at kumaripas na ng takbo. Late na'ko. Hingal na hingal ako pagdating sa room ko. Mabuti nalang mabilis kong nahanap. Pinunasan ko muna ang pawis ko saka ako kumatok. s**t! Nakalimutan ko pa 'yung sombrero ko. Siguro babalikan ko nalang mamaya. "Yes Miss?" "I'm sorry if I'm late Ma'am," napayuko ako. "Oh, so you're the new student." "Yes Ma'am." "Pasok ka na," ngumiti naman siya saka binuksan ang pinto. "Okay class! Silence! You have a new classmate." Tinitigan ko silang mabuti. Mukhang walang nakarinig sa sinabi niya. Kung ano-ano kasi 'yung ginagawa nila. May natutulog, naglalaro ng cards, nagbabasa ng libro, nagsa-soundtrip at nakikipaglandian. Hay! Walang kwenta! Studyante pa bang matatawag ang mga ito? "Miss, you can introduce your self. Don't mind them." Naglakad na ako papunta sa harapan. Bahala na. "Hi everyone! I'm Rain Hailey Park 16 years old. I hope, we will all be friends." Nilibot ko muna ang paningin ko saka ngumiti at nagbow. Pero sa pagyuko ko, naramdaman ko ang isang mabilis na bagay na papunta sa direksyon ko. Mabilis ko itong sinalo bago pa dumaplis sa mukha ko. Isang maliit na cutter. "I think that, as your warm welcome." Kinindatan ko pa sila. That's the easiest way to irritate someone who hate you. Tulala pa rin sila sa ginawa ko. Lumingon ako sa pwesto ni Ma'am na tulala rin. "Ma'am, pwede ba akong umupo doon?" Sabay turo ko sa bakanteng upuan, malapit sa bintana. Parang doon lang siya bumalik sa sarili niya. "O-kay, Miss Park." Naglakad na ako papunta sa bandang likod. Alam na alam kong nakasunod ang tingin nila sa akin. "Diba siya 'yung pakialamera kanina?" Pasimple ko lang iniwasan ang mga paa nilang pangpatid sa akin. Hay sa wakas! Napangiti ako nang makarating ako sa upuan ko. Kunwaring inayos ko ito para tanggalin ang mga glue na nilagay nila. Sinadya ko ring tapakan ang paa, noong isang lalaki na hahatak sa upuan ko. I already read their moves and I will break it all. "Aray!" "What's the problem Mr. Cruz?" "Ah hehe wala Ma'am." Tinanggal ko narin ang pagkakatapak ko sa kanya. Ang sama ng tingin niya sa akin. Nginitian ko lang naman siya. "Okay let's start our lesson!" Nagsimula na siyang magturo. Ang boring, alam ko naman na 'yung tinuturo niya. Naituro na ni Master Jin sa akin. Makatulog nga muna. Inaantok ako. Dwight POV "Aray! Dahan-dahan naman babe. Masakit." Nakangiwing daing ko. "Hahaha, ang lampa mo Dwight." Tinapon ko lang kay Clint ang lalagyan ng bulak. Sapul sa mukha niya. Kanina pa kasi niya ako kinakantyawan. Bwisit naman kasi. Ang sakit nang pagkakabagsak ko. Hindi ko naman kasi akalaing ganun ang gagawin niya at ganoon kalakas ang babaeng 'yun. But eventhough I can't help myself being amaze. She's different among other girls. "Red, nababaliw na si Dwight. Tignan mo nakangiti mag-isa." Panira naman oh. Tinignan ko sila. Nag-gigitara si Red habang pinapanood naman ni Clint ang paggamot sa sugat ko. Si Zero naman mukhang badmood. Nandito kasi kami sa private room namin dito sa Stanford. Gusto kong pumasok, kailangan kong makilala ang kauna-unahang babaeng nagbigay ng pasa sa akin. Siguradong mababaliw ako sa kakaisip sa kanya kung wala akong malaman tungkol sa kanya ngayong araw. I will make sure, she will pay for this. A sweet pay. Ginawaran ko muna nang mapusok na halik ang babaeng gumamot sa akin. I don't know her name but I know she's my flavor of the week. "Thank you babe and let's breakup. tumayo na ako para lumabas. " Nanlalaki lang ang mata niya habang nakatingin sa akin. I smiled sweetly. "Wooh! Heartbreaker! Mr. Playboy saan ka pupunta?" Narinig ko pang sigaw ni Clint. I just wave my hand. Susunod din siguro ang mga 'yun. "Oh my! What happened to his face?" "Dwight baby!" "I love you Dwight!" Nginitian ko lang sila. "Gosh! Nginitian niya ako." "I'm gonna die." Napatigil ako sa pagdiretso sa classroom namin nang makita ang isang pamilyar na mukha. So, this is your room? Diretso lang ako sa pagpasok, bakas ang gulat sa mukha nila. "Yah! Dwight!" Nagtilian na naman sila. Hindi ko sila pinansin, nanatili ang tingin ko sa babaeng nakayuko at mukhang natutulog. She's the girl I'm looking for. Rain POV Napakamot ako sa batok. Ang sakit! Nagka-stiff neck pa yata ako. Kinusot ko ang mata ko. Ang sarap ng tulog ko. Napalingon ako sa paligid ko. Eh? Bakit ang sama ng tingin nila sa akin. Wala naman na kaming teacher, mukhang break time na. "Hi!" Nanlaki ang mata ko nang may biglang nagsalita sa tabi ko. Ang gwapo niya. Pero bakit niya ako pinapansin? "Hello!" Naaasiwang sagot ko. Lalo namang lumawak ang ngiti niya. "I'm Dwight Cahr Joong and you babe?" Nanlaki ang mata ko. Tinawag niya akong babe? Playboy! "I'm Ra-" hindi ko pa nasasabi ang pangalan ko nang biglang bumukas ang pinto. At may pumasok na tatlong lalaki. Nanlaki ang mata ko nang makilala sila. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa tatlong lalaki at sa lalaking katabi ko. s**t! Sila 'yung apat na lalaki kanina. "Yah! F.G.H!" Oh, oh. I'm really dead.        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD