Chapter 28 Steffy's POV "pasensya na ho,nadala lang talaga ako ng sobrang galit ko" pagpapaumanhin ko kay Nay Paz ng tuluyan na kaming makalayo sa kinaroonan ng mga hayop na iyon. Ramdam ko ang mahinang pagtapik ni nay Paz ng balikat ko. "s-salamat iha. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa pagtatanggi niya sa akin bilang isang ina niya.Pero naiintindihan kita dahil isa ka ring ina, hindi ba? - -"naputol ang iba pa niyang sasabihin ng biglang may sumigaw ng pangalan niya. "NAY PAZ!" sabay kaming nalingon sa lalaking sumasalubong sa kinaroroonan namin. "Oh George, iho. Aba'y nakakagulat ka naman" ani Nay Paz. Alam kong mali ang ginawa ko kanina, pero hindi ko lang napigil dahil sa sobrang inis ko sa babaeng iyon. Alam kong masama ang loob ni Nay Paz sa ngayon. Aisss "hihi ma

