Chapter 15 Steffy's POV Maaga akong gumising upang bumababa at maiwasang kausapin si King. Basta naiinis lang ako sa kanya. Tulog pa siya ng iwanan ko mula sa kwarto. Naratnan ko si Nay Paz na naghahanda ng agahan. "magandang umaga iha, napaaga ata ang gising mo" bati niya sa akin. "yun na nga ho, tulungan ko na po kayo" saad ko. "patapos na rin ito, sa totoo lang hindi naman ako ang nagluluto ng mga inihahain ko," napatingin ako sa kanya. "si Tereng ang pinagkakatiwalaang cook ng pamilya Louth noon pa man, ngunit hindi mo na siya inabutan pa, kaaalis lang niya" dagdag pa niya. Kung kaya pala, napakasarap ng mga putahe na inihahanda sa lamesa. May sariling cook nga pala ang pamilya Louth. Nagtimpla na lamang ako ng kape at pinaresan iyon ng pandesal. Mamaya maya pa'y dumating si M

