“I’ll save those lips for our honeymoon, wife.” matapos niyang sabihin iyon ay iniwan na niya ako sa altar-altaran. Napapikit na lamang ako ng mariin. He is really getting into my nerves! Matapos niyang sirain ang dapat happy ending ko kay Drake basta-basta na lang niya ako iiwan dito kasama ang mga babaeng napakasama ng tingin saakin ngayon? Bakit ba ganyan siya? Kailan ba matatapos ang paghihirap ko? “A-ah, miss.” tawag nung pari-parian. “Bakit?” nangigigil kong tanong habang nakapikit pa rin ng mariin. “Y-yung bayad.” paniningil niya. Minulat ko ang mga mata ko at tinignan siya. Bakas pa rin ang pagkairita sa mukha ko. “Ano?” tanong ko. Seryoso ba siya? Kasalukuyan kong nai-istress ngayon tapos sisingilin niya ako? At ako pa talaga ang sinisingil niya samantalang kinaladkad lang ak

