“Gusto ko ng umuwi.” iyon na lang ang nasabi ko. Hindi ko talaga alam kung ano ang sasabihin, hindi ko rin alam na ganoon pala ang magiging reaksyon niya sa sinabi ko. Kumalma ang ekspresyon ng mukha niya. “We still have four days.” sabi niya at binitawan ang tinidor, sumundal siya at pinagkrus ang mga braso niya sa dibdib niya na mas lalong nakakapag palitaw ng muscles niya sa braso at mga ugat niya sa braso. “Oh yeah...” sabi ko na lang at iniwas ang tingin sa mga braso niya. “Bumalik na lang tayo sa kwarto.” suggest niya. Tumango naman ako. Nauna siyang tumayo at sumunod ako. Naglalakad siya papunta ng kwarto habang ako naman ay nakasunod lang sa likod niya. Ni hindi ko makita ang view na dinadaanan namin dahil napaka tangkad niya. Ilang cherifer kaya ang nilaklak niya? Tinitignan

