“I’m going to kill you, Laxy! I swear!” pagbabanta ko sakanya habang nakakapit ang dalawang braso ko sa batok niya. Tinawanan niya lang ako. “What’s funny?!” Naiinis na talaga ako. Paano ba naman ay nanahimik akong naghahanap ng isda sa mababaw na parte ng dagat nang bigla niya akong hilain papunta doon sa malalim na parte. Hindi pa naman ako marunong lumangoy sa dagat. “You. You’re funny.” natatawa niyang sagot at sinubukan niyang tanggalin ang mga braso ko sa batok niya pero mas humigpit ang kapit ko sa batok niya. Tumawa nanaman siya ulit. Bully talaga ‘to. Kainis! “Get your hands off me. Nasasakal ako.” nakangisi niyang sabi. “No! I don’t want to die!” “You’re not going to die, silly.” natatawa niyang sabi. “Ibalik mo na kasi ako doon sa dalampasigan.” pakiusap ko sakanya

