Matapos tawagan ni Zach si Hendrix upang ipaalam ito, dali- daling nagtungo si Hendrix sa Juri Company upang mas malaman ang buong detalye ng kaniyang kontrata sa kompanyang iyon. Hindi ganooon kalaki ang sahod na natatanggap ni Hendrix sa law firm na kaniyang pinapasukan dahil bago pa lamang siya at maraming mas nakatataas sa kaniya, kaya naman hindi na siya nagdalawang isip na sunggaban ang alok na ito sa kaniya ni Zach. Isa rin si Hendrix sa naging scholar ng Juri Company upang makapasok sa law school, subalit itinago niya ito at hindi ipinaalam kina Kaela at Jiho. Batid niyang may tensyon sa pagitan nina Jiho at Zach kaya minabuti na lang na hindi ito ipaalam sa kanilang dalawa. Mabilis na nakarating si Hendrix sa Juri Company dahil sa kaniyang pananabik. Dali- dali siyang pumasok sa

