Kumikislap ang mga mata ni Shannon na napatayo na sa kanyang inuupuan nang matanaw niya ang nagmamadaling pagpasok ko ng venue. Mayroong iilang mga bisita na doon at tahimik na nakaupo, hinihintay ang pagsisimula ng magiging okasyon. Nakakalat pa sa lugar ang mga organizers ng gaganaping event. Inaayos ang bawat detalye ng lugar mula sa mga bulaklak at gagamiting carpet. Kulay pula ang motif ng kasal nila kung kaya naman humahalimuyak ang bango ng mga sariwang rosas na siyang inilagay doon. Wala pa doon ang ibang mga kasali sa entourage, malamang ay nasa kanila pa silang mga silid upang magbihis at maghanda. At saka masyado pa rin namang maaga para bumaba sila. Alas kwatro pa ang simula ng kasal, at matatapos din iyon bago lumubog ang araw. Hindi ko pa rin nakikita si Winter sa paligid,

