FTM: Agápi

1149 Words
"Teka lang saan ba tayo pupunta?" Tanong ko kay Irene na bigla nalang akong hinila. "Nag-aya si Matheo sa bahay nila para ipakita saatin yung bago niyang music room. Alam naman nun kung gaano tayo kahilig sa music magkakaibigan, hindi man natin sabihin" halos mag dadalawang taon palang ng maging magkakaibigan kaming lahat pero masyaso na kaming naging malapit sa isa't isa siguro ay dahil sa iba iba kami sa bawat isa kaya nagkiclick kami dahil ta ba kinukumpleto namin ang bawat isa, iyon kulang sa isa na mayroon naman sa isa. Para namang nagpalakpakan ang tainga ko ng marinig ang salitang MUSIC. Ewan ko ba pero masyado akong passionate sa pagkanta kahit na inaamin kong hindi pa naman ako ganon kagaling pero alam kong gagaling din ako oras na makapagfocus ako sa pagtitraining ngunit hindi ko pa alam kung kailan mangyayari iyon dahil nakafocus pa muna ako ngayon sa pag-aaral ko. "Nakakahiya naman kanila tita" sabi ko habang sinasabayan na sila ngayon ng lakad. "Huwag kang mahiya kay tita, she's so kind. Trust me, she's unproblematic" sabi naman ni Henrietta. Tumango nalang ako at hindi na nagsalita pa ulit at sumunod nalang sa kanila. Wala naman na rin akong magagawa dahil wala rin naman akong ibang mapupuntahan o pupuntahan atsaka naeexcite din akong makita ang music room ni Matheo, sana ay dumating ang araw na makatungtong kaming lahat sa entablado atsaka sabay sabay na kakanta o tutugtog. Imagine the vibe. "Nasaan nga pala si Lore?" biglang tanong ni Jasmin ng mapansin na apat lang kami. "Nauna na iyon, sinundo ni Matheo" sagot naman ni Irene. Ang akala ko talaga noon ay mayrelasyon ang dalawang iyon. Halos hind na mahiwalay sa isa't isa eh. Hindi nga kami magkapareho ng pinag-aaralan kay Matheo pero lagi paring hatid, sundo at laging nakatambay naman sa kanila si Matheo at kung minsan ay si Lore ang nakela Matheo. Hindi na talaga ako magugulat kung magkatuluyan ang dalawang iyon lalo na't nakikita ko naman kay Matheo na may gusto siya kay Lore, ang manhid lang talaga ng Lola Lorelei niyo. Ilang minuto lang ang nakalipas ng nakarating kami sa mansyon nila Matheo at nasa pinto sila ni Lore nakatayo, mukhang hinihintay kami. "Taraaaa dali" masiglang sabi ni Lore ng makababa kami saka kami mabilis na hinila papasok. 'Wow girl, bahay mo?' Natawa nalang ako sa sariling naisip. "May surprise ako sainyo" nagkatinginan naman kami dahil sa sinabing iyon ni Matheo habang si Lore naman ay parang sira na nagpipigil ng ngiti sa gilid. Baliw na siguro ang isang to. Nang itulak ni Matheo ang pinto ng kwartong nasa harapan namin ay namangha ako sa laki nun. Sa pinakadulo ay may pabilog na mini stage kung nasaan nakapatong ang piano, samantalang sa bandang kaliwa naman naka-set up ang drum, kumpleto iyon at napakaganda ng ayos. Napalingon naman kami sa bandang kanan kung saan may malaking kurtina na na nakatakip doon. Nasa magkabilang dulo nun sina Matheo at Lore na sabay na hinila ang tali nito dahilan para mapunta ito sa gilid at bumungad saamin ang anim na gitara. Nang makalapiy kami doon ay nanlaki ang mga mata namin sa nakita. "Surprise!" Sabay na sigaw nila Lore. "Wow" manghang sabi ni Henritta saka nilapitan ang kulay gold na gitara na may naka-engraved ba 'Henrietta Hyllee-LS' "Syet ang ganda" sabi naman ni Irene saka lumapit sa kulay army green na gitara na may naka-engraved na 'Thyra Irene-H' "Grabe totoo ba ito?" Sabi naman ko naman habang sinusubukan ang kulay maroon na gitara na may nakalagay na 'Agatha Lovely-Z' Si Jasmin naman ay sinukbit sa leeg niya ang tali ng kulay orange na gitara na may 'Jasmin Celine-M' Kay Matheo naman ay kulay gray samantalang kay Lore ay itim dahil iyon ang paborito niyang kulay. "Teka, bakit yung kay Lore may heart sa gilid ng pangalan?" Kunot noong tanong ni Irene kaya napalingon naman kami sa gitarang hawak ni Lore na puti ang ginamit pangkulay sa pangalan niya doon kaya kitangkita ang heart sa dulo nun. Diana Lorelei-V♡ Nilingon ko naman ang namumulang si Matheo habang si Lore naman ay wala lang reaksyo na tila ba wala lang iyon. "Bakit? Gusto niyo rin ba ng may heart sainyo? Pwede naman yan palagyan diba Theo?" Nakangiting tanong niya sa lalakeng halos hindi na alam ang sasabihin dahil sa pamumula at di makatingin ng diretso sakanya. Sabi na eh. "No need Lore, it's cute naman eh" asus suportado talaga ng isang to ang pinsan niya eh. "Oo nga Lore, mas gusto ko rin iyong wala ng ibang desinyo" segunda naman ni Jasmin. "Oh wait! I almost forgot" bigla namang sabi pa ni Lore saka mabilis na tumakbo sa kung saan at pagbalik niya ay may tulak na siyang cart na may anim na maliliit na case. "Here" isa-isa naman niya iyong nilahad saamin. Kunot noo naman namin iyong tinignan at may parang lock iyon sa gilid na may mga letra na kailangan ikotin para mabuksan. "The password is Agápi" sabay naman namin iyong binuksan at nanlalaki ang mga mata ng makita ang microphone at pick ng gitara doon na kasing kulay ng mga gitara namin. Sa gilid ng mic ay naka-engraved and mga first name namin Diana, Agatha, Jasmin, Henrietta, Thyra and Martin; samantalang sa pick naman ay ang mga nickname namin Lore, Jas, Hyllee, Irene, Love and Theo. "Pwede niyong i-uwi iyan pero pwede rin namang dito niyo nalang iyan ilagay sa kwartong ito. Nakadepende na iyon sainyo, welcome naman kayo dito kahit na wala ako o si Lore" nakangiting sabi ni Matheo. Nagpasalamat naman kami sa kanilang dalawa ng malaman na naghati pala sila sa pagpagawa ng mga ito. "Bakit kaya hindi tayo magvideo ng isang kanta? Remembrance lang sa araw na ito kung kailan natin unang nahawakan ang mga ito?" Suhestyon ko sa kanila na agad naman kinaliwanag ng mga ekspresyon nila, ibig sabihin lang nun ay payag sila. Kaya naman ay nagkanya, kanya na kami ng pwesto sa anim na high stool chair sa gitna ng kwartong ito kung saan ay anim na nakatayong mic stand din. Nang maayos na ang camera sa harapan namin ay nagsimula na kaming tumugtog. Dahil sa ang position namin ay nakaharap kami sa pinto ng music room na ito ay doon pa namin nakita at natingala ang malaking picture frame sa taas ng pinto na kinuha noong unang beses na nagsama-sama kaming lahat na kumain sa labas, ang araw na nabuo ang Agápi. Sa gilid naman ng pinto ay may mga nakapolaroid na litrato namin, may group pictures, may solo na maayos, may stolen etc. at nakahugis puso iyon kung saan may light stick sa taas nun na Agápi ang binuong salita. I think it's Lore's idea, nagmukha tuloy siyang music room ng groupo namin hindi ni Matheo lang dahil iba pang mga intrumento rin dito na hindi naman tinutugtog ni Matheo o ni Lore pero tinutugtog ng iba saamin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD