Nahinto lang ang iyakan ng magpapamilya nang pumasok ang nurse para turukan ulit ng pain killer ang kanyang ama. Nakamasid lang si Rick sa pamilya ni Mika. Masaya siya para sa dalaga dahil alam niyang lumuwag na ang pakiramdam nito dahil sa okay na ang daddy niya. Nasabi na rin nito kung ano ang matagal na niyang saloobin. "Tita, tito. Mauna na po ako." paalam ng binata. "Maraming salamat, Iho. Pasensya na rin at hindi na kami makakapunta mamaya sa dinner. Pakisabi na lang sa mama mo." sabi ng mommy ni Mika. "Oh! Wait. s**t!" sambit ng dalaga nang maalala niya na may lakad pala sila ni Rick. Nakalimutan na niya ang bagay na iyon dahil sa pag-aalala sa daddy niya. Napaisip naman siya na bakit hindi man lang siya nito sinabihan na kasama pala ang mga magulang niya. Kumaway lang ang binata

