Akmang isasara na ni Mika ang gate nang biglang ini-harang ng binata ang braso at katawan nito sa gate dahilan para hindi ito maisara ni Mika. "Please stop bothering me!" sigaw niya nang may pagmamakaawa habang nakikipaglaban ng lakas sa binata para isara ang gate. Ngunit sadyang mas malakas ang binata at sa huli ay siya na ang sumuko. "Ano pa ba’ng gusto mo? Nandiyan naman si Brenda ‘di ba? You kissed me but you're kissing someone else. Ano pa bang kailangan mo sa ‘kin?" binitawan na niya ang gate sa sobrang inis. Tumingin siya sa malayo para hindi makita ng binata ang nagbabadyang pagbagsak ng mga luha nito na kanina pa niya pinipigilan. Humakbang palapit sa kanya ang binata at saka umangat ang mga kamay nito. Hinawakan ang mukha niya ng magkabilang palad nito para iharap ang mukha ni

