"Hay nako, Mika. Itigil mo na ang pag-iilusyon mo. Ikaw kasi kasalanan mo ‘yan. Bumigay ka agad." pinapagalitan ang sarili na saad ng dalaga. Umayos ito ng upo at pilit na sumubo kahit kaunti dahil baka makahalata na si Cris sa kanya. Nang makailang subo si Mika ay nagpaalam na ito kay Cris na gagawa ng report. Umakyat na ito sa kwarto niya at pagkatapos ay inihanda na ang isusuot niya bukas. Kahit presko na ang pakiramdam niya matapos magshower ay hindi pa rin siya makatulog. Ilang oras rin siyang gumawa ng report at nakaramdam ng uhaw. Sumilip siya sa orasan at nanlaki ang mga mata niya nang makita na mag-aalas onse na pala ng gabi. Nagtungo siya sa kusina at binuksan ang fridge para kumuha ng maiinom. Bumalik rin siya kaagad sa itaas bitbit ang basong may lamang malamig na tubig. Hin

