Pinili ni Rick na umuwi sa bahay ng mga magulang niya kahit na may sarili na siyang bahay. Gano’n din ang mga kapatid niya na nanaisin pa ang nasa mga magulang nila kahit na may kanya-kanya na silang buhay. Mas gusto din naman ng mga magulang ng Alfonso Brothers na naroon sila sa puder ng mga ito. Dahil weekend naman at nami-miss na niya ang mga ito kaya nakagawian na niyang umuwi sa mga ito. Ang mga magulang naman nila ay madalas na pumupunta sa party kaya kasalukuyang pauwi pa lamang ang mga ito galing sa party. Lumalabas ang mag-asawang Martha at Ferdinand kapag weekend para mag-enjoy after a tiring week sa trabaho. Nadatnan ni Miggy na nasa lanai si Rick. Dahil tulala ang kapatid kaya hindi siya napansin nito lalo pa at nakatingin ito sa malayo. Lumapit siya kay Rick pero tulala pa ri

