NANGINGILID na ang luha ni Olivia pero hindi niya hahayaang pumatak iyon. Tinanggal niya ang kanyang backpack sa kanyang likuran at binuksan niya iyon. Inilabas niya roon ang isang matibay na lubid. Tinignan niya ang mga estudyante sa ibaba. Walang nakakapansin sa kanya. Itinali niya sa railings ang isang dulo ng lubid. Siniguro niyang napakahigpit noon. "Aaaaahhh!!!" Sumigaw siya upang makuha ang atensiyon ng lahat ng nasa ibaba. Hindi naman siya nabigo dahil sa isa-isang tumingala ang lahat upang makita siya. Ang gusto ni Olivia ay makita ng lahat kung ano ang magiging resulta ng pang-aapi nito sa kanya. "BRIDGETTE! You got to see this!" Halos di maintindihan na sabi ni Thea dahil sa sobrang hinihingal ito. Natigilan sa ginagawang paghahalikan sa loob ng classroom sina Bridgette at St

