"TWENTY-SEVEN!" Iyon ang huling bilang na narinig ni Teacher Noah mula sa kanyang mga estudyante. Tapos na kasi ang tree planting at binibilang na niya ang kanyang mga estudyante. "Hindi ba't twenty-eight kayong lahat? Sino ang wala?" tanong niya. Tatlumpo talaga lahat ng orihinal na estudyante ni Teacher Noah pero dahil sa namatay na sina Maika at Olivia ay nabawasan ang mga ito. "Teacher, wala pa po si Thea," turan sa kanya ni Charina. "What?! May nakakita ba sa inyo kung saan pumunta si Charina?" "Ang sabi niya hahanap at kukuha lang daw siya ng tubig then hindi na siya bumalik." si Bridgette ang sumagot. "OK. Magluto na kayo ng kakainin. Nasa kubo lahat ng kailangan niyo. After our lunch at wala pa si Thea, saka natin siya hahanapin. Mamayang ten o'clock ng gabi ay darating na i

