LESSON 2- Knowing Yoseif's Real Identity in A Glimpse

1541 Words
NANG MAKALAPIT na si Yoseif kay Sir Gomez ay malakas nitong hinampas sa ulo gamit ang baseball bat ang guro. Napaupo ang guro habang sapo ang ulo na may sumisirit na dugo. Hahampasin pa sana ni Yoseif si Sir Gomez pero mabilis na hinawakan ni Olivia ang braso nito. "Tama na Yoseif!" pigil niya. Tumingin sa kanya si Yoseif. Wala na namang ekspresiyon ang gwapo nitong mukha. "Dapat lang sa kanya ang mamatay Olivia. Matapos ang ginawa niya sa iyo? Hayaan mong ako ang maningil sa hayop na ito..." "Pero..." "Manood ka na lang Olivia..." muling hinarap ni Yoseif si Sir Gomez na hilo pa rin sa tinanggap na palo sa ulo. Tatayo pa sana si Sir Gomez pero malakas na hinampas agad ito ni Yoseif sa likod. Isa, dalawa, tatlo...Hanggang sa sumuka na ng dugo ito. Nanatitiling nakatayo lang si Olivia. Nakatulala habang unti-unting pinapatay si Sir Gomez ni Yoseif. Hindi niya malaman kung ano ang magiging reaksyon niya ng mga oras na iyon. "Patay na ito..." Napatingin si Olivia sa katawan ni Sir Gomez.Halos hindi mo na ito makikilala. Durog ang ulo at mukha nito. Kalat-kalat din ang utak nito at naliligo na ito sa sarili nitong dugo. Puno na rin ng dugo ang damit ni Yoseif. "Umalis na tayo bago pa may makakita sa atin," sabay lahad ng kamay ni Yoseif. Inabot niya ang kamay niya dito at lumakad na sila palayo. "Bakit mo ginawa iyon?" tanong niya dito habang naglalakad sila palabas ng school. "Dahil masama siyang tao Olivia." "Hindi iyon. Ang ibig kong sabihin ay bakit kailangang ikaw ang gumanti para sa akin?" Tumigil sa paglalakad si Yoseif. Itinapon nito sa malayo ang hawak na baseball bat. "Dahil ako ang protector mo!" "Protector?" naguguluhan niyang tanong. "Oo Olivia. Andito ako para protektahan ka. Para ipagtanggol ka sa lahat! Magtiwala ka lang sa akin..." "Pero...Pinatay mo si Sir Gomez," sagot niya. Malakas na humalakhak si Yoseif. Tawa na nakakapangilabot. "Hindi ako ang pumatay kay Sir Gomez. IKAW. Ikaw ang pumatay sa kanya!" Tila umikot ang paligid ni Olivia sa sinabing iyon ni Yoseif. Napatingala siya sabay lingon sa kanyang likuran at pagharap niya wala na si Yoseif. Nanghihina na napaupo si Olivia ng makita niyang puno ng dugo ang kanyang kamay at katawan! "Hindi...H-hindiiii!!!" Sigaw niya. Napahagulhol na rin siya sa gitna ng gabi. Tama si Yoseif. Walang ibang pumatay kay Sir Gomez kundi siya...Walang Yoseif! Gawa-gawa lang ito ng kanyang malikot na imahinasyon. Lumalabas si Yoseif sa tuwing pakiramdam niya ay kailangan niya ito. Noong nasa rooftop at library siya, wala siyang kausap noon kundi ang kanyang sarili lamang. Ang totoo kasi ay namental hospital na siya dahil sa trauma at kakahiyang sinapit niya dahil sa s*x video na iyon. Ang mga peklat sa kanyang pulso ang patunay na ilang beses na niyang pinagtangkaan ang sariling buhay... PAGDATING sa bahay ay agad na nilunod ni Olivia ang sarili sa shower. Pakiramdam niya ay ang dumi-dumi na niya. Kinuha ni Sir Gomez ang puri niya. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at dumaloy sa kanyang isipan ang napakabrutal na pagpatay niya sa guro. Napangiti siya. Marahil ay tama lang ang ginawa niya. Dapat lang sa tulad ni Sir Gomez ang mamatay! Matapos maligo ay nagbihis na siya ng damit pantulog. Humiga na siya sa kanyang kama upang matulog. Maya-maya lamang ay mahimbing na siyang natutulog. Naalimpungatan lang siya ng may marinig siyang tumatawag sa kanyang pangalan. "Olivia...Olivia..." mahina lamang iyon. Parang nanggagaling sa ilalim ng lupa. Marahan niyang iminulat ang namimigat na talukap ng kanyang mga mata. At ganun na lang ang pagsigaw niya ng makitang katabi niya sa hinihigaang kama ang naaagnas na bangkay ni Sir Gomez! Napasigaw siya sa labis na takot. Agad siyang bumaling sa kabilang side ng kanyang kama pero nandoon pa rin si Sir Gomez! Muli ay napasigaw siya ng mahigpit siyang yakapin ng bangkay ng pinatay niyang guro.... KRIIINNNGGG!!! Napasinghap si Olivia ng magising siya. Napabalikwas siya ng bangon at tumingin sa kabuuan ng kanyang kwarto. Wala na roon ang bangkay. Panaginip lang ang lahat... KRIIINGGG!!! Napapitlag siya ng muling tumunog ang kanyang alarm clock. Pinatay niya ang alarm niyon. 6:30 A.M. Kailangan na niyang maghanda sa pagpasok sa school. NAGKAKAGULO ang lahat ng pumasok na si Olivia sa school. Hindi na siya nagtataka kung bakit nagkakaganoon ang mga ito. Alam na alam na niya ang dahilan. "Olivia! Olivia!" humahangos na lumapit sa kanya si Maika. May mga mumunti pa itong pawis sa noo. Hinawakan siya sa braso ng kaibigan. "Ano iyon Maika? Bakit parang natataranta ka?" kunwari ay wala pa siyang alam pero may hinala siya na alam na niya ang sasabihin nito. "Hindi mo pa ba alam?" "Ang alin?" nakakunot ang noo na tanong niya. Inalog-alog pa ni Maika ang kanyang braso. "Si Sir Gomez, natagpuang patay sa may girl's locker room! Nakakadiri ang pagkakapatay sa kanya, grabe!" Maya-maya ay pinatabi sila ng mga pulis. Inilalabas na kasi ang duguang bangkay ni Sir Gomez. Napayakap naman sa takot sa kanya si Maika. Isang pulis ang lumapit sa kanya kinausap siya."Ikaw ba si Olivia Penelope?" Bigla siyang kinabahan. Hindi kaya alam na ng mga ito ang totoong nangyari kagabi-- kung bakit namatay si Sir Gomez? Hindi...Hindi dapat siya magpahalata. "Ako nga po. Bakit po?" pinigilan niyang huwag kabahan sa pagsasalita. "May nakakita daw kasi sa iyo kagabi na huli kang lumabas sa school. May nakita ka bang kahina-hinalang tao dito sa loob ng school?" "Wala po..." Kaswal na sagot lang ni Olivia. "Ganun ba? Sige, iyon lang. Salamat," at umalis na ang mga pulis. Sinundan ng tingin ni Olivia ang mga pulis. Mabuti na lamang ay hindi siya pinaghinalaan ng mga pulis... "Grabe talaga Olivia! Feel ko malaki ang galit ng pumatay kay Sir Gomez--" "Tara na Maika...Mag-uum pisa na ang klase natin," putol niya sa sasabihin ni Maika. Ayaw na niyang pag-usapan ang tungkol kay Sir Gomez. Kumibit-balikat na lang si Maika. "Okey. Tara na nga. Baka ma-late na naman tayo." NAGULAT na lang si Olivia at Maika ng biglang tumapon sa mukha ng una ang kinakaing spaghetti niya. Napuno ng sauce ang mukha niya maging ang kanyang buhok. Pag-angat niya ng mukha ay tatlong babae ang nakita niya. Nakangisi ang isa sa mga ito at galit na galit. "Sinong may sabi sa inyong kumain kayo sa pwesto namin, ha?!" naninindak na sigaw nung isa. Pamilyar ang mga mukha ng mga ito. Classmates niya marahil. "Sino namang may sabi sa inyo na pagmamay-ari niyo ang lamesang ito?" matalim na tanong ni Maika. Palaban din ito. Ipinatong ng babae ang paa nito sa mesa."Sinasagot mo ako? Tarantada ka ba?!" sabay sampal kay Maika. Hindi nakaimik si Olivia ng sampalin din siya ng babaeng siga. Tinignan niya lang ito ng masama. Napatingin siya sa malayo at nakita niya roon ang imahe ni Yoseif. Parang gusto siyang lapitan ni Yoseif at ipagtanggol sa mga babaeng nasa kanyang harapan. Pero ipinikit na lang niya ang kanyang mga mata. Hindi na pwedeng lumabas si Yoseif. Masyadong mapanganib kung ito ang kumikilos. Pagmulat niya ng kanyang mga mata ay tumingin siyang muli sa gawi ni Yoseif at unti-unting nanlalabo ang imahe nito. Hanggang sa tila sumama na lang itong maglaho sa hangin. "Whats happening in here?" Mataray na dumating sa eksena si Bridgette kasama pa ang tatlong lalaki. "Bakit parang nanggugulo ka yata Emma. Again?" Kunwari ay pinagsasabihan nito ang babaeng nagtapon ng spaghetti sa mukha niya. "Eh panu ba naman. Itong scandal girl na ito at ang kaibigan niya, pumupwesto sa table natin! Mamaya mahawaan pa tayo ng karumihan niyan!" Sagot ni Emma. Napayuko si Olivia. Sa lakas ng boses nito ay talagang nadinig ng lahat ng nasa canteen ang pinagsasabi nito. Nakakahiya. Hindi pa rin talaga siya sanay. Nag-umpisa ang bulung-bulungan. Hindi man nadidinig ni Olivia ng maayos ang bulungan ay alam niyang patungkol sa kanya ang mga iyon. Tungkol sa isang bagay na matagal ng nangyari na napakatagal ng natapos. Bakit ganoon ang tao? Kapag kahihiyaan ng kapwa nito, hinding-hindi nakakalimutan. Lilibakin ka hanggang sa tabunan ka na ng lupa. Pero ang mga kabutihang ginawa mo ay agad na nawawala sa kanilang isipan. Ibabaon sabay ng pagkalagot ng iyong hininga. Napatingin siya kina Bridgette. Lumapit ito sa kanya. "I am so sorry Olivia. War-freak lang talaga ang friend kong si Emma. Hmm. And oh! You are in a mess and you need to clean up. Here, take this bottled of water..." Kukunin na sana niya ang bottled water pero ito na mismo ang nagbukas noon sabay ibinuhos sa kanyang ulo ng paunti-unti. Napasinghap siya. Nagtawanan ang lahat. Pati si Maika na matapang kanina ay wala ng nagawa. Takot din ito. Alam niya. "Now, your clean Olivia. But hindi malilinis ng bottled water lang ang duming nakakabit sa pangalan mo. Maybe a muriatic acid can do. Hahaha!" Tagos sa puso. Masakit. Mga salitang tila kutsilyong tumatarak sa kanyang dibdib. Hindi maari ang ganito. Tumapang ang kanyang mukha. Tinitigan ang bawat isa na naroon at huli niyang tinitigan ng masama si Bridgette. Punung-puno na siya. Wala na ang kanyang pagtitimpi! Malakas niyang itinulak si Bridgette dahilan para matumba ito. Nagsigawan ang lahat ng bigla niyang damputin ang isang table knife. Sumampa siya sa ibabaw ng babae at itinaas ang kanyang kamay upang saksakin ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD