LESSON 4- Meeting New Friend

1448 Words
"OF COURSE naman! Dinig na dinig namin na may karelasyon si Teacher Noah at ang nakakashock is kapatid pa niya iyon!" Nanlalaki ang mga mata ni Thea habang nagkukwento ito kina Bridgette sa school tungkol sa nakita at narinig nila ni Charina na usapan nina Teacher Noah at ng isang may edad na babae. "And alam ko, nagsasama na sila!" Dugtong pa ni Thea. Pinalo ni Charina si Thea. "Ay wala naman tayong nakinig na ganun ah!" "Shunga ka talaga Charina. Syempre ganun na rin iyon. Baka nga lang hindi lang sila nagsasama eh. Worst eh, baka may anak na sila, diba?" Ganoon talaga magkwento si Thea ng mga tsismis. Karaniwan ay dagdag-bawas. Napapalatak si Bridgette. "So, may dark secret pala si Teacher Noah na iyan. Tss. Akala mo kung sinong saint kapag nasa school. Iyon naman pala, pumapatol sa kanyang kapatid..." "Pero sino naman kaya itong kapatid ni Teacher Noah?" singit ni Steven na boyfriend ni Bridgette. Natahimik ang lahat sa tanong na iyon ni Steven. Tama ito. Sino ang kapatid na iyon ni Teacher? Kahit isa sa kanila ay walang ideya. Ni isa rin sa kanila ang nakakaalam ng bahay na tinutuluyan ng kanilang adviser. Naantala ang pag-iisip ng grupo ng humahangos na dumating si Ford. "Andiyan na siya! Andiyan na si Olivia!" WALANG-IMIK. Tahimik na pumasok sa classroom sina Olivia at Maika. Medyo nagulat pa ang dalawa ng mapansin nilang tahimik at maayos na nakaupo sa kani-kanilang upuan ang kanilang mga classmates. Akala mo ay may misa sa simbahan. Nakikiramdam ang dalawang magkaibigan. Nakayuko ngunit tinitignan nila ang bawat isa. Marahan lamang ang kanilang paglakad hanggang sa marating na nila ang kanilang upuan. Eksaktong pagkaupo nilang dalawa ng biglang may sumigaw ng: "Fire!!!" Pagkasabi noon ay kanya-kanya nang bato ng mga kinuyumos na papel ang lahat ng mga kaklase nila kina Olivia at Maika. Wala na lang nagawa ang dalawa kundi ang tanggapin ang mga papel na ibinabato sa kanila. PAPALABAS na ng girl's CR si Maika ng harangin siya nina Thea, Charina at Emma sa paglabas niya ng cubicle. Bahagya siyang napaatras sa mga nakakalokong ngiti ng mga ito. "A-anong gagawin niyo sa akin?" May halong takot ang boses na tanong niya. Biglang nahawi ang tatlo at pumasok si Bridgette. Naka-crossed-arms pa. "Hi Maika! Kumusta ka na?" Mataray ang mga ngiti na sumilay sa labi ni Bridgette. Nagulat na lamang si Maika ng bigla siyang itulak ni Bridgette papasok ng cubicle dahilan para mapaupo siya sa bowl sa loob noon. "Hawakan niyo siya!" Utos nito sa mga kasama nito. Mabilis na sumunod ang tatlo. Hinawakan siya sa kamay at paa nina Thea, Charina at Emma habang nakaupo siya sa cubicle. "A-ano bang gagawin niyo sa akin?!" Tanong muli ni Maika. "Wala naman...Lets say na...Sabit ka lang sa paglalaro namin. And because, you are with Olivia eh, damay ka na rin!" Sabay tawa. Hindi niya alam kung anong nakakatawa at tumatawa si Bridgette. Masaya ba ito sa ginagawa nito? "Bitiwan niyo nga ako! Hindi pa ba kayo nagsasawa Bridgette? Ilang estudyante na ba ang pinagtripan niyo? Ilang estudyante na ba ang nagtransfer sa ibang school dahil sa pambubully niyo? At ngayon si Olivia naman?! Hindi pa ba kayo nagsasawa? Kailan ba kayo titigil!" Galit na sabi ni Maika. Napansin ni Maika na natigilan si Bridgette at napaatras ito. Mukhang tinablan ito sa sinabi niya. "Maika..." tawag sa kanya nito. "Alam mo, dahil sa sinabi mo...May maganda akong regalo para sa iyo!" At isang bagay ang inilabas nito mula sa bag na dala nito. Nanghindik si Maika ng makitang isang bote ng muriatic acid ang hawak ni Bridgette ng oras na iyon. "Huwag! Huwag! Tulungan niyo ako! Tulong! Tu--- Hmmmp!!!" Hindi na niya nagawang makapagsalita ng takpan ni Emma ng isa nitong kamay ang kanyang bibig. Nanlalaki ang kanyang mga mata ng ipinaikot-ikot ni Bridgette ang muriatic acid sa kanyang ulunan. Alam niya ang nasa isip ni Bridgette! Ibubuhos nito ang laman noon sa kanyang mukha! "Pasensiya ka na Maika ha? We need to do this. Masyado ka na kasing umeeksena. Iyan tuloy nadamay ka...Hahaha!" Pagkatapos ng tawang iyon ay binuksan na nito ang bote at walang awa na isinaboy lahat ng laman noon sa mukha niya. "AHHHHHHHHH!!!" Malakas na napasigaw si Maika ng kumalat sa kanyang mukha ang likidong isinaboy sa kanya. Itinakip niya ang kanyang dalawang palad sa mukha at walang tigil na umiyak at tumangis. "Huhuhu...Ang mukha koooo!!! Ahhhhhhhhh!!!" "Tumigil ka!" Tinanggal ni Bridgette ang dalawa niyang kamay na nakatakip sa kanyang mukha sabay sampal sa kanya. Hinila siya sa buhok nito palabas ng cubicle at napaluhod siya sa harapan nito. Sinabunutan siya ni Bridgette at iniharap ang mukha niya sa mukha nito. Ngumiti ito. "Wag kang OA Maika. Hindi muriatic acid ang isinaboy ko sa mukha mo kundi isang mabahong ihi lang. Hahaha! Ewww!" At talagang pinagtawanan pa siya ng mga ito habang siya ay umiiyak at nanginginig pa sa takot. Sa sinabing iyon ni Bridgette ay agad na pinakiramdaman ni Maika ang kanyang mukha. Tama si Bridgette. Hindi asido ang isinaboy nito kundi isang ihi lamang. Pero hindi napawi ng realisasyon na iyon ang panginginig sa takot ni Maika. "Inuulit ko Maika. Kung ayaw mong madamay sa pangti-trip namin kay Olivia, layuan mo siya! OK?" Tumayo na si Bridgette at iniwang nanginginig sa takot ang kawawang si Maika. NAPANGITI si Olivia ng makita niyang papasok ng canteen ang kaibigan niyang si Maika. Nakayuko ito kaya nilapitan ito ni Olivia at kinausap. "Maika! Kanina pa kita hinihintay. Nabanggit mo kasi sa akin na paborito mo ang meatballs spaghetti kaya nagluto ako. Heto oh." Sabay taas niya ng hawak na tupperware. "Share tayo!" aniya. "Ayoko. K-kumain na ako..." Malamig ang boses ni Maika at napansin niya iyon. Lumabas ng canteen si Maika at sinundan niya ito. Hinabol niya ang kaibigan. Pakiramdam niya ay iniiwasan siya nito. "Maika. Bakit parang iniiwasan mo ako? May problema ba? May nagawa ba ako?" Nang hindi siya lingunin nito ay hinawakan niya ito sa braso pero malakas nitong ipiniksi ang braso. Sa lakas ay napaatras si Olivia. "M-maika?" Naguguluhang bulalas niya. Nakayukong nagsalita si Maika. "Ayoko ng maging kaibigan ka Olivia! Huwag na huwag mo na akong kakausapin o lalapitan. N-nakakadiri ka!" At nagtatakbo palayo si Maika. Naiwan siyang nakatulala at hindi makapaniwala sa sinabing iyon ni Maika. Papaanong nasabi sa kanya iyon ng taong itinuring na niyang kapatid at tanging kakampi sa school na iyon? "It looks like pati ang natitira mong kaibigan ay pinandirihan ka na rin." Boses na narinig ni Olivia mula sa likuran niya. Boses ni Bridgette. "Kawawa ka naman Olivia. Wala ka nang kakampi!" Hindi na lang niya pinansin ang sinabi ni Bridgette. Nagkunwari siyang walang narinig. Lalakad na sana siya ng humarang sa kanya sina Jacob, Ford at Matthew. Hindi niya tinignan ang mga ito. "Gawa naman tayo ng video Olivia," nakangising sabi ni Jacob sa kanya. "Huh! Hindi. Kami ni Olivia ang gagawa ng video!" Natatawang sabat ni Matthew. "No way guys," singit ni Ford. "Kami ni Olivia ang gagawa ng video!" "I have an idea. Bakit hindi na lang tayong tatlo ang gumawa ng video kasama si Olivia? Sabay-sabay!" Tumatawang suggestion ni Ford. Nag-appear pa ang tatlong lalaking iyon sa harapan niya. Napakawalang-modo naman ng mga ito! "Ewww! Kadiri talaga kayong tatlo!" Maarteng sabi ni Thea. "Pinapantasya niyo ang scandal girl na 'yan? Kadiri diba? Bridgette?" Tumawa lang si Bridgette. "Ano bang nakukuha niyo sa pambubully niyo? Masaya ba kayong nakakasakit kayo?" Mahina pero may diin ang pagtatanong ni Olivia. Muling tumawa si Bridgette. "At talagang nagtanong ka pa?" Inilapit ni Bridgette ang mukha nito sa mukha niya. "Oo! Masaya kami na nasasaktan ka namin! Gets?" HUMIHINGAL si Olivia ng marating niya ang rooftop ng isa sa pinakamataas na building sa Wellington Academy. Kumapit siya sa railings at nagsisigaw. "Ayoko naaa!!! Pagod na pagod na ako! Sawang-sawa na akooo!!!" Gusto niyang ilabas lahat ng nasa dibdib niya dahil tila sasabog na ito. Napalingon siya sa kanyang likuran ng biglang may babaeng nagsalita mula sa kanyang likuran. "Kahit magsisigaw ka dito, walang makakarinig sa iyo..." Maganda iyong babae. Maputi tapos brown ang buhok. Bilugan ang kanyang mata na bagay sa maliit nitong mukha. Napagtanto niyang estudyante ito ng Wellington dahil sa naka-uniform ito. "S-sino ka? Sasaktan mo din ba ako?" Nag-aalangan niyang tanong. "Sasaktan? Hindi ako nananakit. Ako nga pala si Ruvina," sabay lahad ng kamay ng babae. Nag-aalangan na nakipagkamay siya sa bagong kakilala. "Ako si Olivia...Fourth year ka na rin ba?" Tumango ang babae bilang pagsagot. "Bakit di kita napapansin sa room?" Humawak din sa railings si Ruvina at tumingin sa malayo. "Sa ibang section ako eh...Gusto mo ba akong maging kaibigan?" At isang ngiti ang pinakawalan ni Ruvina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD