Dali-dali niyang dinampot ang menu at saka isinubsob ang mukha doon. “Uy! Mukhang masarap itong menu nila pero medyo mahirap basahin,” putol agad niya sa sasabihin nito. Medyo nag-panic siya doon dahil pakiramdam niya ay babanggitin ng binata ang tungkol sa munting “aksidente” sa pagrampa nito. Sana hindi na niya ituloy o sasampalin ko siya nitong menu. Dahil sa isang aksidenteng iyon ay masisira ang immaculate image ko. Hindi ako maniac! Kinalabit siya ni Miss Agnes. “Baligtad kasi ang menu, Verona.” “Oh!” aniya at dali-daling binaligtad ang menu. “Sorry. Wala kasi akong salamin.” Epic fail, Verona. Malamang pinagtatawanan ka ng kumag na iyan. “You must be really hungry. Kumain ka ba kanina o nag-miryenda man lang?” Gulat na inangat ni Verona ang paningin mula sa menu at sinalubon

